LAGUNA – Kaunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang mag-ina at ng isa pang bata matapos na masagasaan ng isang humaharurot na truck habang naglalakad sa gilid ng highway sa Manila east road, Barangay Sulib, Pangil, Laguna nitong Huwebes ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang mga biktimang sina Elma Tonel Garcia, 25; anak na si Athena Eljey Tonel Garcia, 5, at ang 7-anyos na si Carl Justine Montegrande Macuñal. Sugatan din sina Gretchen Barrera Tonel, 29, at ang nanay ni Carl Justine na si Giselle Montegrande Macuñal,…
Read MoreTag: Laguna
106 CHINESE WORKERS DINAKMA SA LAGUNA
(NI NILOU DEL CARMEN) INILAGAY sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 106 na mga Chinese nationals na hinihinalang ilegal na nagtatrabaho sa pagawaan ng electronic products sa Laguna. Huwebes ng umaga nang suyurin ng mga tauhan ng Biñan police at mga ahente ng Immigration Bureau ang tanggapan ng Smartwin Technology Incorporated sa Southwoods, Biñan. Natuklasan na karamihan sa mga workers dito ay mga Chinese national. Ayon kay Lt. Col Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, dadalhin sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa Maynila ang mga Chinese workers para idaan…
Read MorePUMALYANG VCM PROBLEMA RIN SA LAGUNA
(NI NICK ECHEVARRIA) PARE-PAREHONG problema ng pag shutdown ng mga vote counting machines (VCM) sa mga presinto sa iba’t ibang mga bayan at lungsod sa Laguna ang mga naitalang problema sa pagbubukas ng eleksiyon sa lalawigan, ayon sa mga Board Election Inspectors. Problema din umano ang sobrang init ng panahon lalo na sa mga polling precincts kung saan dagsa ang mga botante. Sa mga pumapalyang makina, matiyagang naghihintay ang botante habang pansamantalang inilalagay ang hindi pa nabibilang na balota sa isang sealed na lalagyan. Ang mga BEI ang naglalagay sa VCM…
Read MoreDoH: OFW NEGATIBO SA MERS-CoV
NAKAHINGA na nang maluwag ang pamilya ng sinasabing may MERS-CoV matapos makumpirmang negatibo ito sa sakit nang mailabas ang pagsusuri, ayon sa Department of Health (DoH). Isinugod sa isang pribadong ospital sa Laguna ang pasyente na galing sa Saudi Arabia matapos magkasakit na nagpakita ng sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV). Sinabi ni Glen Ramon, spokesperson ng DoH sa Calabarzon, na negatibo ang resulta ng pagsusuri base sa RITM. Nauna nang dinala sa Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna ang biktima dahilan para agarang linisin at i-disinfect…
Read MoreMERS CASE SA LAGUNA MINOMONITOR NG DOH
(NI NILOU DEL CARMEN) MINOMONITOR ng Department of Health ang isang pasyento mula Laguna na hinihinalang may Middle East respiratory syndrome (MERS) virus, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo. Dinala na rin umano ang biktima sa RITM [Research Institute for Tropical Medicine] para sa masusing pag-aalaga. Kasabay nito, pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng isang ospital sa Sta Cruz, Laguna dahil sa hinihinalang kaso ng MERS-CoV sa isang pasyente na ipinasok doon. Ayon kay Dr. Rene Bagamasbad, Provincial Health officer ng Laguna, mula madaling araw ng Miyerkoles ay nagpatupad ng temporary…
Read MoreTESTIMONYA NG KUMANDER: UP, PUP STUDES NI-RERECRUIT NG NPA
(NI CARL REFORSADO) ILANG mga estudyante ng University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang puwersahan umanong pinapasapi sa New Peoples Army (NPA). Ito ang testimonya ng mga rebeldeng sumuko sa kanilang pagharap sa media sa Camp Crame kahapon. Base sa pahayag ni Ka Ruben, tumatayong lider ng mga sumukong NPA, may mga pumapasyal umanong mga estudyante ng UP at PUP sa kabundukan ng Kalayaan sa Laguna at kadalasan ay hindi na nakakababa ang mga ito sa kapatagan dahil s apuwersahan na umano silang ginagawang miyembro…
Read More