(NI BERNARD TAGUINOD) DALAWANG porsyento sa mga manggagawa ng mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong korporasyon ang ookupahan ng mga ‘person with disabilities (PWDs) sa sandaling maging ganap na batas ang panukalang ito na inaprubahan na sa committee level sa Kamara. Walang tumutol nang aprubahan sa House committee on ways and means ang substitute bill na hango sa iba’t ibang panukala na magbibigay ng insentibo sa mga pribadong korporasyon na mag-eempleyo ng mga PWDs. Base sa nasabing panukala, ang mga private corporation kasama na ang mga ahensya ng gobyerno…
Read MoreTag: DOLE
SINIBAK NA OPISYAL BALIK MULI SA GOBYERNO
MATAPOS sibakin tatlong buwan ang nakalilipas, balik na sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating labor undersecretary Joel Maglunsod sa bago niyang posisyon. Itinalaga ng Pangulo si Maglunsod bilang executive director sa National Maritime Polytechnic (NMP), ayon sa appointment papers na nilagdaan noong Enero 25 at inilabas sa publiko, Lunes ng hapon. Ang NMP ang maritime training center sa ilalim ng Department of Labor and Employment na nagsasanay sa mga seafarers kabilang ang merchant marine officers, ayon sa kalidad ng international maritime education. Si Maglunsod ay sinibak sa puwesto…
Read MorePANIG NI BELLO SA EXTORTION HINIHINTAY NG PACC
HINIHINTAY ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang panig ni Labor Department Silverio Bello III dahil sa pagkakasangkot umano nito sa extortion. Sinabi ni PACC chair Dante Jimenez na makapagkakatiwalaan ang source na nagsabi sa kanilang ahensiya tungkol sa pangingikil umano ni Bello sa mga manpower agencies na nagpapadala ng Pinoy workers sa ibang bansa. Batid naman umano ni Bello ang akusasyon laban sa kanya noon pang isang taon nang masangkot ang dati niyang undersecretary sa P6.8-million extortion case sa Azizzah Manpower Services. Ang halaga umano ay para kay Undersecretary Dominador…
Read MoreTAMANG PASAHOD SA HOLIDAYS PAALALA NG DOLE
NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa employer na mahigpit na sundin ang tamang pasahod sa mga empleyado na papasok ngayong Disyembre 24 at 31 na idineklarang special non-working holidays at sa Disyembre 25 at 30 na regular holidays. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello, magiging epektibo lamang ang “no work, no pay” policy kapag may ipinapatupad ang mga private companies o ito ay napagkasunduan sa collective bargaining agreement (CBA). Kapag ang empleyado ay pumasok sa special non-working holiday ay mababayaran pa rin ito ng 30 percent sa kaniyang…
Read MorePRIVATE SECTOR PINAGSA-SUBMIT NG REPORT SA 13TH MONTH PAY
OBLIGADONG magsumite ang mga employer ng pribadong sector ng compliance report ng 13th month pay ng mga empleyado ng hindi lalagpas sa January 15 sa susunod na taon, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE). Dapat umanong natanggap na ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay bago pa mag Dec 24. Ayon sa DoLE, dapat mabigyan ng 13th month ang empleyadong nakapagtrabaho ng kahit na isang buwan sa loob ng calendar year. 248
Read MoreDOLE NAKAPAGBIGAY NG MAHIGIT 800K TRABAHO
IBINIDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mataas na bilang ng trabaho na naibigay sa mga Pinoy ngayong taon. Gayunman, hindi umano umabot sa target na laan nila sa taong ito. Mahigit 800,000 trabaho ang naibigay ng ahensiya at nanguna dito ang sa construction na mayroong 326,000 trabaho na binuksan. Pumangalawa naman ang sa public administration at defense compulsory social security at manufacturing. Ang nasabing bilang din ayon sa DOLE ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon. 520
Read More