DRIVER SA PASSENGER SEAT ‘DI LUMUTANG; LISENSIYA BINAWI NA

MIKO12

(NI JEDI PIA REYES) BINAWI na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng motoristang si Luis Miguel Lopez o kilala ring Miko Lopez at hindi na rin mabibigyan ng pagkakataon na muli itong magkaroon ng driver’s license at makapagmaneho ng ano mang sasakyan. Sa memorandum na ipinalabas ng LTO, nahaharap si Lopez sa patung-patong na kaso tulad ng speeding, reckless driving, failure to wear or use a seatbelt, at driving a motor vehicle without a steering wheel o Unauthorized Motor Vehicle Modification. Maliban sa pagpapawalang-bisa ng lisensya, pinagbabayad din…

Read More

DRIVER SA PASSENGER SEAT TANGGAL-LISENSIYA; HAHARAP SA DOTr

drive12

(NI KIKO CUETO) TATANGGALAN ng lisensya ang lalaking nag-viral sa social media dahil sa pagmamaneho sa kanyang sasakyan habang nasa passenger seat. In-upload ni Miko Lopez ang video sa social media, subalit bago pa niya ito mabura, nai-save na rin ito ng Department of Transportation (DOTr). “His license will be revoked, and he will also be disqualified from applying for a driver’s license again in the future,” anila sa kanilang Facebook page. Sa video, makikitang nagmamaneho si Lopez ng kotse nang hindi nakaupo sa upuan ng driver kundi sa tabi…

Read More

LALAKING NAG-DRIVE SA PASSENGER SEAT KAKASUHAN NG DOTr

drive12

(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na bukod sa mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaking makikita sa isang nag-viral na video na nagda-drive ng sasakyan habang nasa passenger seat, ay matatanggalan pa ito ng lisensya. Ayon sa DOTr nitong Miyerkoles, mga kasong reckless driving, illegal modification (removing the steering wheel), not wearing seatbelt, at improper person to operate a motor vehicle, ang isasampang kaso ng Land Transportation Office (LTO) laban kay Miko Lopez. Bukod dito, babawiin rin umano ng LTO ang driver’s license ni Lopez…

Read More

P450-M PORT PROJECT SA PAGASA ISLAND NAGLAHO?

pagasa8

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAHANAP ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Transportation (DOTr) ang P450 million na inilaan ng Kongreso noong 2017 para sa pagpapatayo ng seaport sa Pagasa Island. Itinaon ni House deputy minority leader Lito Atienza ang pagtatanong sa ginta ng pagdami umano ng Chinese maritime militia vessels  sa paligid ng Pagasa Island sa West Philippine Sea. Ayon sa mambabatas  dalawang taon na ang nakararaan simula nang aprubahan ng Kongreso at isama sa 2017 General Appropriation Act (GAA) ang nasabing pondo subalit walang impormasyon kung nasimulan na…

Read More

MRT-3 NAGKAABERYA; 300 PASAHERO PINABABA

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) MAY 300 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pinababa matapos dumanas ng aberya ang sinasakyan nilang tren, na nagresulta pa sa pagpapatupad ng limitadong operasyon nito, Lunes ng hapon. Batay sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na dakong alas-12:20 ng tanghali nang dumanas ng problemang teknikal ang isa nilang tren sa interstation ng Taft Avenue at Magallanes northbound. Kaagad naman itong ipinabatid sa mga personnel ng Magallanes station para sa pagbibigay ng assistance sa pagpapababa ng mga naapektuhang pasahero. Wala naman…

Read More

MRT-3 BALIK OPERASYON NA

mrt1

MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik-operasyon na ang MRT-3. Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of  Transportation. Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto. Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation…

Read More

PALPAK NA SISTEMA SA PITX AAYUSIN NG DOTr

tugadepitx12

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY JACOB REYES) AMINADO si Department of  Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na palpak ang  Paranaque Integated Terminal Exchange ( PITX) dahil sa hindi maayos na ruta ng mga bus operator at bus driver na bumibiyahe mula Cavite hanggang  Parañaque. Ginawa ni  Tugade ang pahayag sa inilunsad ng  The Presser Weekend Media forum ng Presidential Communication Operations Office (PCOO)  sa Muntinlupa City kung saan layunin uamno ng pagpatayo ng PITX ay upang mabawasan ang trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mapagaan ang biyahe ng mga…

Read More

LTFRB EXEC DIR JARDIN SINUSPINDE SA P4.8-M ‘SUHOL’

jardin123

(NI KEVIN COLLANTES) SINUSPINDE ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa posisyon si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Samuel Jardin kasunod ng alegasyon ng korapsiyon laban sa kanya. Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ipinag-utos ni Tugade ang pagpapataw ng 90-day preventive suspensiyon laban kay Jardin nitong Miyerkoles, Abril 3, kasabay ng pagsasampa ng pormal na reklamo laban sa naturang opisyal. Nag-ugat ang suspensiyon at paghahain ng reklamo laban kay Jardin, sa alegasyong nag-solicit umano siya ng P4.8 milyong halaga ng pera kapalit ng pagpapasilidad…

Read More

DOTr PUMALAG SA ISYUNG DELAYED ANG MRT-3 PROJECT

DOTR

(NI KEVIN COLLANTES) HINDI naantala ang rehabilitation project ng pamahalaan para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng mga ulat na delayed ang naturang proyekto. Ayon sa DOTr, Nobyembre 2018 pa nang simulan ng ng Sumitomo Corporation ang rehabilitasyon at maintenance service para sa naturang mass railway system. Paliwanag ng DOTr, matapos lumagda sa Rehabilitation and Maintenance Agreement (RMA) ang ahensya noong December 28 ng nakalipas na taon, nagsimula naman ang Sumitomo na mag-mobilize ng kanilang advance engineering…

Read More