PASA LOAD PROCUREMENT SA GOV’T PROJECTS HILING IPAGBAWAL

(NI NOEL ABUEL) DAPAT nang tapusin ng gobyerno ang salot na artipisyal na paggastos sa pamamagitan ng pagpigil sa paglilipat ng mga proyekto sa ibang ahensya ng pamahalaan para lamang maitago ang kabiguan na hindi paggastos sa pondo. “Ang nangyayari kasi ngayon, para lang masabi na ‘obligated’ na ang allotment ay pinapasa ito sa ibang ahensya. Ginagawa ito upang maipagmalaki na obligated na ang isang pondo, at hindi na ma-revert back sa Treasury,” sabi ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto. Ngunit sa katotohanan ay hindi nagagastos ang pondo at sa halip…

Read More

RELIEF SUPPLIES SA APEKTADO NG LINDOL SAPAT — DSWD

(NI KIKO CUETO) TINIYAK ng social welfare department na may sapat silang mga relief supplies para tugunan ang pangangailangan ng mga tinamaan ng lindol sa Soccsksargen at Davao, kung saan 22 na ang namatay dahil sa serye ng malalakas na lindol mula noong October 16. May mga mobile storage units, isang mula sa United Nations World Food Programme, na may kapasidad ng 1,600 cubic metric tons ng goods ang inilagay sa Kidapawan City, Cotabato, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naglagay na rin ng community kitchen sa Barangay…

Read More

DSWD-11 AAYUDA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

dswd1

(Ni DONDON DINOY) DAVAO CITY – NAGHAHANDA na ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)-11 upang tumulong sa mga lokal na gobyerno lalo na ang mga grabeng naapektuhan ng lindol na tumama sa iba’t ibang parte sa Mindanao kung saan pinakaapektado ang probinsya ng Davao del Sur. Sinabi ni Erna Sampiano, chief ng Disaster Division sa DSWD-11 na naka-stand by na ang  higit 10,000 na mga relief goods, family kits at ang P3-milyong pondo na maaring ipamigay sa mga apektadong pamilya. Ngunit nilinaw din ng nasabing kagawaran na…

Read More

PENSIYON NG MGA INDIGENT SENIORS, TINIYAK

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senador Sonny Angara ang pagkakaloob ng P23.18 bilyong alokasyon para sa ‘indigent senior pension program’ sa susunod na taon na sasakupin ang may 3.8 million senior citizens na tatanggap ng P6,000 pensiyon. Bukod sa pa rito ang P3,600 annual assistance mula sa “Unconditional Cash Transfer” (UCT) fund na tatakbo ng tatlong taon simula noong 2018. Ang mga programa ay kapwa pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development, batay sa national list at set ng criteria. Nabatid na ang P23.18 billion para sa “Social Pension…

Read More

TEENAGE PREGNANCY KOKONTROLIN

buntis12

(NI BERNARD TAGUINOD) DALAWANG dosenang baby ang naipanganganak ng mga teenager kada oras sa Pilipinas. Ito ang nagtulak kina Laguna Rep. Sol Aragones at Albay Rep. Edcel Lagman na ihain ang House Bill 2297 o  “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” at mapigilan ang teenage pregnancy sa bansa. Sa paliwanag ng dalawang mambabatas sa kanilang panukala, noong 2014, lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 24 babies umano ang naipanganganak ng mga teenager kada oras. “In fact, base on the Certificate of Live Births submitted by the Local Civil Registry…

Read More

UMENTO SA GOV’T HEALTH WORKERS HININGI 

health workers44

(NI NOEL ABUEL) IPINANGAKO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na sisikapin umano nitong maipasa ang Salary Standardization Law na matagal nang minimithi ng mga public health professionals at mga taong gobyerno sa 18th Congress. Ginawa ni Go ang pangako sa pagdalo sa 86th National Annual Convention of the Philippine Public Health Association, Inc., kung saan gagawin aniya nito ang lahat para mangyari ang hinihingi ng public health system kabilang ang mga doktor, nurses, midwives, barangay health workers, sanitation inspectors, and administrative staff at mga nasa mababang ranggong tauhan ng pamahalaan.…

Read More

SORRY NI ERWIN OKS SA DSWD PERO…

erwin21

(NI AMIHAN SABILLO) TINANGGAP na ni Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista ang paghingi ng paumanhin ng brodkaster na si Erwin Tulfo matapos ang pang-aalipusta, pagmumura at pagbanat sa kanya sa programa nito sa radyo. Pero kaliwat kanan ang inilatag ni Bautista na kondisyon para tuluyan nang tanggapin ang paghingi ng paumanhin ni Tulfo,  tulad ng pagpapalabas nito sa mga pangunahing himpilan ng telebisyon, radyo at dyaryo sa bansa maging sa social media Kinakailangan ding magbigay ng donasyon ni Tulfo nang hindi bababa sa P300,000 sa iba’t ibang unit…

Read More

MGA PULITIKO RAMBULAN ULIT SA DSWD FUNDS

dswd1

(NI BERNARD TAGUINOD) TIYAK na magpipista ulit ang mga pulitiko sa pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ginawa ni ACT party-list Rep. Antonio Tinio ang nasabing pahayag matapos bawiin ni DSWD Secretary Rolando Bautisa ang DSWD Memorandum Circular No. 9 na inisyu ni dating Secretary Judy Taguiwalo noong Agosto 2016. “With Bautista at the helm, the use of DSWD funds as pork barrel of legislators has returned with a vengeance,” ani Tinio. Ang nasabing memorandum ay inilabas ni Taguiwalo bilang pagsunod aniya sa desisyon ng Korte Suprema…

Read More

DSWD AALALAY SA OFWs

OFWs-13

(Ni BERNARD TAGUINOD) Dahil sa iba’t ibang problema na kinakaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang bansa, magdedeploy ng mga social worker ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga bansang kinaroroonan ng mga ito upang umalalay sa kanila. Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8042 na inakda ni Deputy Speaker Linabelle Ruth Villarica para amyendahan ang Republic Act No. 8042, o mas kilala sa tawag na “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995” upang dagdag pa ang tulong na ibibigay sa…

Read More