UMAABOT na sa 215 ang namatay sa tigdas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Dahil dito, hindi tumitigil ang kagawaran sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak para makaiwas sa sakit. Sinabi ni Duque na bukod sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at malusog na pamumuhay, ang pagpapabakuna ay isang mabisang paraan para makaiwas sa sakit. Tiniyak nito sa publiko na ligtas ang measles vaccine at iba umano ito sa Dengvaxia na bakuna laban sa dengue. Kasabay nito, ikinatuwa ng kalihim ang pag-absuwelto sa kanya ng…
Read MoreTag: Duque
DoH SA UNIVERSAL HEALTH CARE: PONDO KAPOS
(NI LILIBETH JULIAN) KAHIT na ganap nang batas ang Universal Health Care Law matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa ito agad agad na lubos na mapakikinabangan ng mga Filipino. Ito ay matapos ihayag mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi kaagad ito maipapatupad dahil babalangkasin pa ang implementing rules and regulations (IRR) nito. Sinabi ni Duque na may P40 bilyong halaga rin kakulangan sa pondo para rito base sa panukalang budget. Noong Miyerkoles ng hapon nang opisyal nang lagdaan ng Pangulo ang nasabing batas na nasa ilalim nito…
Read MoreACOSTA KAY HONTIVEROS: HINDI IKAW ANG AMO KO!
(NI TERESA TAVARES) PUMALAG na si Public Attorney’s Office (PAO) Persida Rueda Acosta sa mga pagtuya at batikos na inaani bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nagpapabakuna. Binalewala ni Acosta ang hirit ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon. Itinuro rin ni Health Secretary Francisco Duque si Acosta na siyang sanhi ng malubhang pinsala sa immunization program ng DOH dahil sa wala umano nitong basehan na akusasyon. Galit na sinabi ni Acosta na hindi niya amo…
Read MoreIMMUNIZATION SA MGA BATA GAWING MANDATORY — DOH
PINAG-AARALAN ng Deparment of Health ang posibilidad na gawing mandatory ang immunization sa mga bata kasunod ng deklarasyon ng measles outbreak sa ilang lugar sa bansa. “Pinag-aaralan na natin ang ibang mga bansa na kung saan mayroong mandatory immunization na ang mga magulang dapat dalhin talaga nila ang mga anak nila sa mga health centers,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III. Idinagdag pa ni Duque na mayroong executive order noong 2007 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nag-uutos na magkaroon ng kumpletong bakuna sa mga bata…
Read MoreDoH: BIKTIMA NG PAPUTOK MABABA NG 68%
ITINUTURING na pinakamataas na antas ng pagbaba ng bilang ng mga naputukan ngayong taon, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kumpara noong nakaraang taon base na rin umano sa maulan na panahon at sa pina-igting na kampanya laban sa paputok. Mula December 21 hanggang January 1, 2019, nakapagtala lang ang DoH ng 139 firecracker injuries at 68 porsiyentong mas mababa sa katulad na panahon na nakapagtala ng 428 kaso. Sa press conference, sinabi ni Duque na matagumpay ang kampanya ng gobyerno sa illegal na paputok. Nakatulong din umano ang…
Read MoreDOH ‘DI PA HANDA SA LEGALISASYON NG MARIJUANA
HINDI pa handa ang Health Department sa legalisasyon ng marijuana at kailangan pa umano ng matitinding research kahit pa gamitin ito para sa medicinal purposes. Sinabi ni Secretary Francisco Duque, sa panayam sa ANC, na ang mga research na gagawin ang magiging batayan ng mga mambabatas kung tama o hindi ang legalisasyon ng medican marijuana. Idinagdag ng kalihim na kahit pa ang paggamit nito na tutulong sa mga pasyente na maibsan ang sakit, pagsusuka o pagkahilo, ay hindi naman ito maituturing na gamot na magpapagaling sa sakit. “Ilang mga doktor…
Read More