Nakatutuwa talaga tayong mga Pinoy, ‘winalis’ lang ng bagong alkalde ng Manila na si Isko Moreno ang Recto, Divisoria at Sta. Cruz ng lahat ng traffic obstructions kasama ang illegal vendors, eh pinalulutang na agad na p’wede na siya for president 2022! Pagtagal-tagal ay hindi rin s’ya malalayo sa naging alkalde ng lungsod na noong una ay nagpakita rin ng ‘galing’ pero nung tumagal balik sa bulok na sistema. Nothing personal, ika nga, at sa totoo lang bilib ako rito kay Mayor Isko. Kung anuman ang aking nasabi, ito ay…
Read MoreTag: Early Warning
KAPATID NA ABOGADO NI DUQUE, DAWIT DIN SA PLUNDER COMPLAINT
Tama lang ang naging desisyon ng mga kamag-anak ng Dengvaxia victims na isama sa kanilang plunder complaint ang kapatid ni Health Secretary Francisco Duque III na si Atty. Gonzalo Duque dahil nakita nila na may papel ito sa ‘maanomalyang’ lease contract sa pagitan ng Philippine Health Corp. (PhilHealth) at kanilang family-owned company. Ayon sa complainants na sina Ariel Hedia at asawang Ruby, Darwin at Merlyn Bataan, Raul at Elloly Galoso, Sonia Guerra at Liberty Ganzore, malinaw na may sabit itong si Atty. Duque na na-appoint noong 2017 bilang commissioner ng…
Read MoreHUSTISYA MAILAP PA RIN SA PAMILYA NG MAHIGIT 830 BIKTIMA NG ‘MV PRINCESS’ TRAGEDY
May 11 taon na rin ang nagdaan matapos ang malagim na trahedya sa dagat sa Romblon province na kinasangkutan ng M/V Princess of the Stars na pag-aari ng malapit-sa-sakunang Sulpicio Lines (kung kaya’t pinalitan na ito ng pangalan) pero lahat ng pamilya ng mahigit na 830 na mga nasawi ay patuloy pa ring nananaghoy at naghihintay ng hustisya. Kahit si Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na matinding nakaalalay sa mga naghihirap na kamag-anak simula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi rin maitago ang pagkadismaya sa sobrang bagal ng…
Read MoreNGITNGIT NG PAMILYA NG DENGVAXIA VICTIMS: PLUNDER COMPLAINT VS DUQUE
Sa pagkawala ng kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia vaccines at kawalan ng pagdamay sa kanila lalo na ng Department of Health (DOH) at ni Secretary Francisco Duque III, nasilip ang tila iregularidad na kinasasangkutan ng kalihim kung kaya’t kanila itong sinampahan ng plunder. Sa kanilang complaint na dinagdagan pa ng ibang kaso sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang gusaling nirerentahan ng PhilHealth-Regional Office ay pag-aari raw ng kanyang pamilya sa Dagupan. Ang complainants: Ruby…
Read MoreNADARAGDAGAN PA ANG DENGVAXIA VICTIMS, ANO NA SEC. DUQUE?
Base sa latest record ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ng napakasipag na hepe nito na si Chief Persida Rueda-Acosta ay nadagdagan pa ng tatlo mula sa 136 na bilang ang Dengvaxia victims at inaasahang lolobo pa ito pero lumalabas, walang pakialam itong si Health Secretary Francisco Duque III! Sadyang mahahabag at ‘di maiwasang ngumilid ang iyong luha at naramdaman ko ito mismo ng aking makadaupang-palad ang mga magulang at kamag-anak ng maraming bata na naging biktima ng ‘deadly’ na bakuna sa PAO office kung saan kanilang isinisigaw ang…
Read MorePAPANAGUTIN ANG MGA RESPONSABLE SA DENGVAXIA CONTROVERSY
Tama lang ang naging hakbang ng isa sa pamilya ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccines at ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ng hepe nito na si Percida Acosta na isama sa civil suit ang dalawa pang dating opisyal ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) makaraang makitang mayroon silang malinaw na partisipasyon. Sa amended complaint, nakasama na sina ex-PCMC deputy director for Professional Service Dr. Raymundo Lo at department manager for Medical Services Dr. Sonia Gonzales. Nauna nang kinasuhan ang mga opisyal ng French pharmaceutical Sanofi Pasteur…
Read MoreREBISAHIN ANG 4PS
Hindi maipagkakaila na malaking pakinabang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa maraming mahihirap pero kailangan sigurong i-review ito dahil lumalabas na maraming beneficiaries nito ay hindi naman talaga dapat maisama. Tulad na lang ng aking kaibigan na guro sa isang pribadong paaralan na 4Ps member at ang kanyang kasambahay ay miyembro rin. Dagdag pa n’ya marami sila at ganoon din ang kani-kanilang mga kasambahay ay bahagi rin ng programa. May palakasan. Kung malapit ka halimbawa sa barangay chairman, kahit wala ka sa poor sector ay t’yak ubra ka rito.…
Read More‘MAY BALIK SA PLASTIK’
May magandang patutunguhan itong naging inisyatibo ng pamahalaang lokal ng Valenzuela City sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian na nakipag-partner sa Nestlé Philippines Inc. at CEO nito na si Mr. Kais Marzouki nang kanilang i-launch kamakailan ang ‘May Balik sa Plastik!’ project. “One of the big sources of waste are the laminates and tetra packs. These are the things that we want to recover back to the system for reuse and repurpose so we can actually lessen the trash volume of the city,” ani Mayor Gatchalian. Ani Marzouki: “None of…
Read MoreCCTVs SA BUONG PUBLIC SCHOOLS SA NAVOTAS
Malaking bagay para sa mga pampublikong paaralan sa Navotas ang nangyaring partnership ng Faire Technologies Inc. sa pangunguna ng vice president for operations nito na si Norvin Duke Co at si Mayor John Rey Tiangco kung saan ay nakatanggap ang lungsod ng 330 closed-circuit television (CCTV) cameras at 49 CCTV recorder sets. Siyempre pa, malaki ang pasasalamat ng alkalde sa Faire Tech dahil sobrang makatutulong ang CCTVs sa mga kabataang Navoteño na magkaroon ng ligtas na lugar para matuto at makapag-aral. HOST SA 15TH REGIONAL PEACE AND ORDER COUNCIL MEET…
Read More