MUNDO MAY IMPEKSYON

FOR THE FLAG

May impeksyon ang sangkamunduhan na kumikitil sa mabuti at maganda. Ito ay tero­rismo. Ang terorismo ay bunga ng pagmamahal ng tao sa kapangyarihan upang makapangyari at ito ay sumusunod sa kumpas ng pagkagumon. Kung hindi uso ang kapangyarihan, walang terorismo. Kung hindi uso ang kayamanan, walang maghahangad ng kapangyarihan. Ang nangyari sa Sri Lanka ay kahayagan ng impeksyon sa ating sibilisasyon, marami ang kikitil ng buhay ng mga inosente dahil sa binaluktot na paniniwala. Nagtatago ang pag­kagumon sa kapangyarihan sa likod ng serbisyo publiko at relihiyon. Nakatago ang pagkagumon sa…

Read More

PULSE ASIA ANG BAGONG COMELEC

FOR THE FLAG

Nakakabilib ang Pulse Asia, paano ba naman, idineklara na nila ang mga panalong party-list group. Labing-apat na grupo ang may tig-iisa nang seat sa Kongreso, para sa nasabing survey firm. Nasa 134 ang mga party-list groups na nagla¬laban-laban ngayong dara¬ting na eleksyon para sa 59 na upuan sa Mababang Kapulungan. Sa ranking na ginawa ng Pulse Asia, maraming mga kilalang party-list ang nasa laylayan. Samantala, naglagay ito ng mga makakaliwang mga party-list na karaniwan na naman talagang nananalo sa bawat halalan. Kung susundin ang opinyon ng Pulse Asia, 45 na…

Read More

ANG TAKOT SA DIYOS

FOR THE FLAG

Nakapanlulumo ang naganap sa Sri Lanka. Higit 300 namatay dahil sa maling paniniwala ng iilan. May solusyong panlaban sa ideyolohiyang pilit ipinapalaga­nap ng mga terorista: ang takot sa Diyos. Ang isang bansang walang takot sa Diyos ay nahaharap sa kapanglawan. Anumang talino ay hindi matatawag na kata­linuhan bagkus ay pawang kapalaluan lamang kung hindi nag-uugat sa takot sa Diyos. Lubhang napakahalagang pag-aralan ang takot sa Diyos dahil dito umuusbong ang totoong kata­linuhan at kaalaman. Napakaraming batas ng Pilipinas at patuloy na lumilikha pa tayo ng napakarami pang batas ngunit paulit-ulit…

Read More

SINO ANG TAGA-KUMPAS?

FOR THE FLAG

Nagkakaisa ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Na­ngunguna ang Rappler, sinusundan ng PCIJ, inaayudahan ng ilang babasahing magasin at dyaryo, at pipitikin ng ilang news program sa telebisyon. Nagkukunwaring balita ang mga tirada. Sa biglang tingin ay mapapaniwala ang sinuman. Ngunit kapag ina­nalisa mo na ay lumalabas na nit-picking lamang ang mga pag-atake, paghaha­nap ng butas sa administras­yon. Bakit hinahanap ang butas samantalang nakabalandra naman ang mga nagagawa ng administrasyon? Kapag ganyan na ang usapan, mapapaisip ka, sino ang kumukumpas? Sino ang nasa likod ng mga pantira at…

Read More

MAYOR BALDO NANAWAGAN KAY DIGONG

FOR THE FLAG

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Daraga Albay Mayor Carlowyn Baldo ng tulong makaraang makatanggap ng mga seryosong banta sa kanyang buhay kaugnay ng diumano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Ako-Bikol Congressman Rodel Batocabe. Nagpanukala ang alkalde ng Daraga Albay na rito na lamang sa Maynila isagawa ang paglilitis at hindi sa Legazpi bunga diumano ng mga seryosong bantang ito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Mas malaki aniya ang tsansa na makamit ng mayor ang hustisya kung isasagawa sa Maynila ang paglilitis upang tuluyang mabatid ng taumbayan…

Read More

KORAPSYON TALAMAK PA RIN

FOR THE FLAG

Bakit kahit sino na yata ang iupo sa pamahalaan ay nananatiling laganap, paminsan ay mas malala pa ang korapsyon? Nawawala ang integridad ng isang administrasyon kapag talamak ang korapsyon dito. Katulad na lamang sa nakaraang administrasyon kaya naman wala silang maipagmalaki para sana maiangat ang mga kandidato nito sa pagka-senador. Nawalan kasi ng integridad. Sa ngayon ay laganap pa rin ang korapsyon ngunit nanatiling popular si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil nakikita naman ng lahat ang kanyang pagiging seryoso laban sa korapsyon na mismong kaibigan at mga malaki ang naitulong…

Read More

PAG-IBIG SA KAPWA

FOR THE FLAG

Ang pag-ibig sa kapwa ay hindi nalalaan sa salita lamang kundi sa gawa na karaniwang ang wangis ay sakripisyo. Lahat naman ay naturuan ng pag-ibig ngunit bakit ba patuloy na nagkakawindang-windang ang mundo? Ang mismong kadahilanan nito ay habang natuturo ang pag-ibig, ang pagka-maka-ako naman ng bawat isa ay hindi na kailangang ituro at nagiging likas sa bawat isa. Ang ma­tindi pa rito ay hindi nalalaan na ang isang tao ay impektado na ng pagka-maka-ako. Paano nga naman gagamutin ang isang sakit na hindi naman nalalaan na naroroon? Ano nga…

Read More

PITONG ULO

FOR THE FLAG

Ang unang ulo ng demonyo ay ang kahirapan at kagutuman, nagpapahirap sa mamamayan, nang-aalipin sa kanilang mga katawan at kaluluwa. Mailap ang saya, malapit masyado ang suliranin, hinahamak ang dignidad, tinatawanan ang katuwiran. Ang bansa ay parang isang ibon na inilagay sa isang hawla, isang sistema na inimbento ng mga nangolonisa at ipinagpatuloy ng oligarkiya upang magpatuloy ang paghahari at masiguradong mapapalamon nito ang sariling pagkaganid magpa-walang-hanggan. Sinisigurado ng sistema na gutom ang tao, na mananatiling sadsad at nahihintakutang nagpupugay sa oligarkiya. Ang ikalawang ulo ng demonyo ay ang pambansang…

Read More

TERORISMO

FOR THE FLAG

Ang karahasan ay natural sa tao. Ngunit sa libu-libong taon na pananatili ng sibilisasyon sa sanglibutan ay nalinang ang mas mga makataong sistema at kultura na sagana sa pang-unawa sa kondisyon ng sangkatauhan, na binibigkis ng katwiran at ng mas mataas na katotohanan. Hanggang naging “obsolete” ang karahasan sa lohika ng sibilisasyon. Ngunit pumupuslit-pulist pa rin ang nakakasulasok na wangis ng karahasan sa ating gitna. Terorismo ang bagong ngalan nito. Walang pinipili, babae man o bata, matanda man o may sakit. Ito nga ang bagong “virus” ng sanglibutan. Bago ang…

Read More