Nararapat na imbestigahan ang kalakaran ng parking fee sa Ombudsman. Kapag sinabing parking fee sa Ombudsman hindi po nangangahulugan na paradahan ng mga sasakyan, kundi ang ipinaparada ay mga kaso laban sa mga korap na opisyal ng pamahalaan. Kung ang binabayarang karaniwan para sa parking ng sasakyan ay P100 kada tatlong oras, e milyun-milyong piso naman ang parking fee sa Ombudsman upang iparada ang isang kaso. Bakit kailangang iparada ang kaso? Ipinaparada ang kaso, ibig sabihin ay patatagalin ito hanggang ma-dismiss na ito at maabswelto na ang isang korap na…
Read MoreTag: For the Flag
MALAMPAYA FUND AT MERALCO BILLS
Nararapat lamang na pakinabangan na ng taumbayan ang Malampaya Fund kaysa kung anu-ano pa ang iniisip ng pamahalaan na paggagamitan dito. Daan-daang bilyong piso ang nakokolekta riyan baka hindi naman kalabisan na ipangsagot na ‘yan sa ating mga bill sa kuryente. Huwag nang masyadong pag-isipan kung saan tutustusin ang salaping ‘yan, ipang-sagot na ‘yan bilang subsidy sa maximum 30% ng Meralco at electric bills ng lahat ng kabahayan sa buong Pilipinas. Sa paraang ‘yan ay mas may pakinabang ang taumbayan kaysa kung saan-saan pa napupunta ang pondo na kadalasan ay…
Read MoreOFWs
Tinatayang nasa 10 milyon ang overseas Filipino workers (OFWs) sa buong daigdig, kasama na riyan ang mga undocumented, ibig sabihin 10% ng populasyon ng Pilipinas na pawang mga nangakalat at nalayo sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Hindi kukulangin sa P20 bilyon kada buwan ang remittance ng mga OFWs na malaki ang kontribusyon sa paggalaw ng ating pambansang ekonomiya, kapalit ang mga nangangawasak na mga pamilya, mga anak na nalululong sa barkada at droga, bumabagsak na moralidad at naliligaw na kaisipan ng mga bagong henerasyon. Ganyan kalupit ang kasaysayan ng…
Read MoreANG BITCOIN
Paano bibigyan ng halaga ang isang bagay na hindi nahahawakan? Ang salapi ay may katumbas na ginto na nakaimbak sa Bangko Sentral, garantya na may halaga ang papel o coin na hawak natin. Ang tseke naman na isa ring papel ay ginagarantyahan ng depositong salapi na nakaimbak sa bangko. Ang tiwala ng tao sa integridad ng pera anazg nagbibigay halaga rito kung kaya’t naipapalit ito sa produkto o serbisyo. Kapag tumataas ang utang ng isang bansa, bumababa ang halaga ng salapi nito. Halimbawa, kung mababayaran ang lahat ng utang ng…
Read MoreBAKIT MAHIRAP ANG FILIPINO?
Noo’y marangya ang mga Filipino. Lahat ng tao ay may ginto na nakapulupot sa katawan. May ikinasal nga, ‘yung babae higit sa 20 kilo ng ginto ang nakabalot sa kanyang katawan. Ganyan kayaman ang Filipino bago dumating ang mga Kastila. Nang dumating ang mga ganid na prayle, ipinahukay lahat ng mga nakalibing na mga yumaong Filipino at kinolekta ang mga gintong nakabaon kasama ng kanilang mga bangkay. Ang ilang porsyento ay ipinadala sa Espanya at ang iba naman ay pinaghatian na ng opisyal ng gobyerno at ng mga pari. Sinunog…
Read MoreTAGUMPAY NG BANSA
Bayanihan Federalism ang maghahatid ng tunay na pagbabago. Mababaklas na ang unitary system of government na nagpapahirap sa mamamayan at playground ng oligarkiya. Pag-asenso ng bawat Filipino ang hatid nito dahil malaking porsyento ng buwis ay maiiwan na sa lokal na pamahalaan. Ang political dynasty ay mabubuwag na rin sa ilalim nito. Dahil sa matagal na pagkakasailalim ng bansang Pilipinas sa kolonyalismo, animo’y nakalimutan na ng mga Filipino kung paano ba ang mabuhay ng tunay na malaya. ‘Yan ang babaguhin ng pederalismo, ibabalik tayo sa estado ng marangya at kasiyahan…
Read MoreBATOCABE CASE NAPOPOLITIKA
Isa umanong opisyales ng Department of Justice (DOJ) na kamag-anak ng isang kumakandidatong opisyales sa Albay ang gumagamit umano ng kanyang posisyon upang impluwensiyahan ang kaso ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na ngayon ay inaakusahang utak umano sa pagkamatay ni dating AKO-BIKOL Congressman Batocabe. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source mula sa tanggapan ng DOJ, isa umanong “Usec. P” na kamag-anak umano ng tumatakbong alkalde ngayon sa Daraga ang “bumabraso” upang impluwensiyahan ang kaso. Liban kay Rodel Batocabe, tumatakbo bilang alkalde ang isang kilala sa tawag na “VP” na kamag-anak ng…
Read MoreANO ANG NANGYARI SA MGA FILIPINO?
Nalito na ang Filipino. Hindi maresolbahan ang mabigat na trapiko. Hindi maresolbahan ang pagtatapon ng basura. Hindi maresolbahan ang pasikip na pasikip na mga kalye dahil sa mga illegal vendor at mga iskwater. Hindi maresolbahan ang namamatay na mga ilog dahil sa mga basurang gawa ng mga malalaking kompanya at mga kababayang wala lang pakialam sa pagtatapon ng kanilang mga basura sa mga waterway. Nalito na ang Filipino. Napapayag sa K-12 at nadagdagan ng dalawang taon sa pag-aaral bago makamtan ang inaasam na diploma samantalang kung kukwentahin kasama ang pre-school…
Read MoreANO NA ANG NANGYARI SA APECO?
Matapos mapondohan ng higit sa P1 bilyon ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), mukhang mauuwi lamang ang lahat sa wala dahil tiwangwang pa rin ang 12,923 ektaryang property na ito sa lalawigan ng Aurora. Mukhang napagkakitaan lamang nang husto ng iilan. Ito ay pinlanong gawing freeport ng nasirang Sen. Ed Angara, siya pa nga ang umakda ng Republic Act 10083, ang batas na siyang lumikha rito. May mga nagmensahe sa ating mga ka-bandila na hindi malayong 40% ng nasabing public funds na ipinasok sa APECO ay swak…
Read More