PRAYORIDAD HINDI DISKRIMINASYON

FOR THE FLAG

Isang kabandila natin ang sumulat sa inyong lingkod upang ipaalam ang sitwasyon ng mga people with disability at mga senior citizen sa ating mga drugstore. Ayon sa kanya, bagama’t nakakakuha sila ng discount sa kanilang mga gamot na binibili sa mga drugstore, may mali umano sa klase ng pag-estima sa kanila. Ang inaakala nating express lane sa mga drugstore na naka-dedicate sa mga senior citizen at PWD ay nagmimistulang discrimination lane pala, ayon sa ating message sender. Sa nasabing lane ay isa-isa ang pag-estima ng mga drugstore attendant sa kanila…

Read More

AGAP PARTY-LIST PROTEKTOR NG POLLUTANTS?

FOR THE FLAG

Muntik akong mahulog sa aking kinauupuan mga kabandila nang mabasa ko kamakailan ang pag-depensa ng isang party-list sa mga sumisira sa kalikasan at pumapatay sa Laguna de Bay at Manila Bay. “We don’t deny that, somehow livestock production contributes to pollution. . . but we have to understand that this is livelihood,” pahayag ni Rep. Rico Geron ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, o Agap Party-list. Ang kanyang pahayag ay may kaugnayan sa nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga animal farm na nag-ooperate…

Read More

RELIHIYOSO ANG PILIPINAS

FOR THE FLAG

Relihiyosong mamamayan ang Filipino, kung istatistika ang pagbabatayan. Higit sa 90% ng ating mga kababayan ay pawang mga Kristiyano. Mahigit 90 milyon ang Kristiyano sa populasyon nating 100 milyon. Mahigit 80% ng ating populasyon ay mga Katoliko. Pilipinas ang nangungunang bansang Kristiyano sa Asya at ikalima sa buong daigdig kung pag-uusapan ang bansang pinakamaraming Kristiyano. Sa Mindanao naman, nasa 5% ng mga Filipino ay mga Muslim at 1.8% naman ang mga mayroong independent na relihiyon. Kung mayroon mang hindi naniniwala sa relihiyon sila ay nasa .7% lamang o nasa 700,000…

Read More

NARCO-LIST DAPAT ILABAS

FOR THE FLAG

DAPAT lang na ilabas ang sinasabing narco-list na ki-nasasangkutan ng ilang tumatakbong mga kandidato ngayong darating na halalan. Kung inosente ang mga ito e hindi dapat na matakot, pero karapatan ng taumbayan na makilatis nang husto ang mga kumakandidato para sa nasyunal at lokal na posisyon. Sa pinakahuling listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 83 pa ang nakalistang narco-politician sa bansa. Welcome rin ang napabalitang higit P1 bilyon na budget sa digmaan ng go­byerno kontra ilegal na droga. Tama ‘yan, bilyun-bilyon din ang budget ng kalabang mga druglord…

Read More

PARA SA MGA GALIT KAY DUTERTE

FOR THE FLAG

Ang ating pitak ngayon ay pagsi-share ko ng isang mensahe na pinraybeyt message sa akin ng isang kaibigan. Medyo naaliw ako kaya aking ishi-share ngayon sa inyo sa pag-aakalang maaaliw din kayo. Heto: “Sa mga galit kay Duterte, gawin n’yo ang mga sumusunod: Kung may driver’s license kayo, at magre-renew kayo, huwag kayong papayag na 5 years ang expiration ng lisensya n’yo. Sabihin n’yo sa LTO na 3 yrs. lang ang gusto n’yo dahil galit kayo kay Duterte! Kung passport holder kayo, sabihin n’yo sa Department of Foreign Affairs na 5yrs lang…

Read More

SHOWCASE NG POLITICAL WILL

FOR THE FLAG

Kamakailan ay nag-post ako ng mga larawan ng kalikasan sa social media. Ilang mga kaanak na nasa abroad at ilang kaibigan ay nagtanong kung saan makikita ang lugar na aking ipinost. Laking gulat nila nang aking sabihing sa Manila Bay. Wala namang special sa ca­mera na aking ginamit dahil isang cellphone lamang naman ang aking ipinangkuha ng mga larawan. Wala rin akong ginamit na filter o special effects man lamang. Hindi na nila makilala ang Manila Bay ngayon dahil sa ipinagbago nito matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang…

Read More

TRAFFIC KAYA NAMANG MAAYOS

FOR THE FLAG

Mapapansing kahit araw ng Linggo ay mabigat na rin ang trapiko. Ito ang reyalidad na nagpapahirap sa mga Filipino lalo na ang mga nakatira, nag-aaral at nagtatrabaho sa Metro Manila. Nasa P2.4 bilyon kada araw ng pinagsamang pondo ng bawat mamamayan at pamahalaan ang nasasayang dahil lamang sa mabigat na trapiko sa bansa, ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Sa loob ng isang taon ay aabot itong matatawag na lost income sa P643 bilyon. Ayon naman sa isang pag-aaral ng kilalang urban planner na si Felino Palafox…

Read More

TUNGO SA MAPAYAPANG MINDANAO

FOR THE FLAG

Namulat na ang mga mata kong likas na may kaguluhan sa Mindanao.  Talaga namang matatapang ang mga tao diyan, banaag natin iyan sa kanilang mga epiko, na noon pa man ay mataas ang pag-value ng mga taga-Mindanao sa katapangan. Sa epikong Darangen halimbawa, ang bayani nito na si Bantugen ay sikat sa iba’t ibang kaharian dahil sa mga giyerang pinasok nito at pinanalunan. Hindi lamang mga lalaki, kundi may mga bayani din tayong kababaihan sa Mindanao na kung makipaglaban sa digmaan ay inaabot ng tatlong araw.  Bawat bundok ay iba’t…

Read More

PCOO KOREK SA EU CARAVAN

FOR THE FLAG

Wala namang masama sa press freedom caravan na isinasagawa ng mga delegado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Europe, normal na public relations move ito. Kaya ipinagtataka ko kung bakit ngumangakngak itong ilang senador at pinalalaki ang isang non-issue. Tama iyong caravan na naisip nila, dahil ganyan kaimportante ang imahe ng bansa sa buong mundo, hindi katulad ng ginagawa nina Gng. Leni Robredo, Sen. Antonio Trillanes at iba pang mga elemento ng dilaw na sa tuwinang mag-a-abroad ay puro paninira ang sinasabi ukol sa bansa. ‘Yan ang mga taksil…

Read More