NAKIKINIG naman ang mga kinauukulan matapos iprisenta sa publiko ang matagal na nating suhestiyon na river ferry na makatutulong sa mabigat na trapiko sa Metro Manila. Ilang beses na nating naisulat sa ating munting pitak ang ukol sa paggamit ng ferry boat upang maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila. Sa ating pakikipagbalitaktakan sa isang opisyal ng DOTr pa nga mga dalawang taon na rin ang nakararaan, ikinukonsidera nga umano ito ng departamento at maging ang mga eksperto nito ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng paggamit ng mga ferry…
Read MoreTag: For the Flag
PAKIKIISA SA DIGMA
ANG Filipino League of Advocates for Good Governance o FLAGG, na pinamumunuan ng inyong lingkod ay nananawagan sa ating mga kababayan na magkaisa sa likod ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa isang napakalaking hamon sa kanyang administrasyon. Ang hamon ay dulot ng kanyang pag-review sa kontrata ng mga water concessionaire na nadiskubre n’yang dispalinghado, mapagsamantala, mapang-api at lubos na nagpapahirap sa ating mga kababayan. Ang Maynilad at Manila Water, na pag-aari ng pamilyang Ayala at Manny V. Pangilinan, ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso sa kabila ng kanilang palpak na serbisyo sa pagdi-distribute…
Read MoreMAGKAISA NA!
Ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games) ay magandang oportunidad upang magkaisa na ang taumbayan, wala na ‘yang mga kulay-kulay, ideyolohiya at relihiyon. Iisang tinubuang bansa lamang naman tayo. Bakit kailangang magkawatak-watak? Upang humina, upang mamanipula. Panahon na ng digmaan para sa pagbabago. Digmaan laban sa droga, nandiyan na ‘yan. Digmaan kontra korapsyon nandiyan na rin ‘yan. Kailangangang makipagdigma laban sa kahirapan, laban sa mal-edukasyon, laban sa malnutrisyon at laban sa mataas na halaga ng mga basic utility. Wasakin na ‘yang mga nakasanayang nagpapahirap sa taumbayan. Buksan na ang mga…
Read MoreSAKMAL NG OLIGARKIYA
Patuloy pa rin tayong umaasa at nangangarap na magkaroon ng kalayaan, sa ating pagda¬rasal at pananampalataya. Umaasa tayong isang araw ay magiging totoong malaya tayo mula sa pagkaalipin sa kahirapan, korapsyon, pang-aabuso at kaapihan. Ngunit wala pa rin tayong kalayaan magpahanggang ngayon. Sakmal ng oligarkiya ang ating mga hapag-kainan. Noong panahon ng mga Kastila, gamit ang relihiyon ay nakolonisa tayo, sinunog ang ating mga katutubong alaala hanggang sa loob ng 300 taon ang naiwang alaala na lamang ay ang ating pagiging masunurin sa dikta ng banyaga. Hinayaan nating buwisan tayo ng 50% ng mga banyaga sa ating mga sinasaka, alagang mga hayop…
Read MoreHAWAK NG TSINA ANG KURYENTE NG PILIPINAS
Pinag-uusapan ngayon sa Senado ang pag-inspect at pag-audit sa mga pasilidad at operasyon ng National Grid Corp. Of the Philippines (NGCP), ang nag-iisang transmission service provider sa buong bansa. Ang NGCP ang responsable sa pagtatalaga ng kinakailangang mga highway o daanan ng kuryente at maging ng pag-papadala ng kuryente mula sa mga generating plant papunta sa mga distribution utility katulad ng Meralco at mga electric cooperative, mga industriya, negosyo at maging sa mga kabahayan. Ang planong pag-audit sa NGCP ay bunga ng takot na kayang isabotahe ng Tsina ang bansa sa pamamagitan…
Read MoreANTIBIOTIC GAWING ACCESSIBLE
PINAHIRAP na ngayon ang pagbili ng antibiotic sa mga drugstore sa buong bansa. Hindi na basta-basta makabibili ngayon nito over-the-counter kung walang dalang reseta ang sinuman. Kung may milagro ang siyensya at medisina ay isa itong pagkakaimbento ng antibiotic, isa itong life-saver na gamot. Ginagamot ng antibiotic ang impeksyon sa katawan ng isang tao na hindi na kayang lunasan ng mga pang-external na gamot. Ang mga Filipino ay nakagawian nang mag-self-medicate at bukod sa paracetamol, mga gamot sa sipon at ubo, ang antibiotic ay indemand din, ang cloxacillin, erythromycin at…
Read MoreINGAT SA PHISHING AT SKIMMING
Ngayong hi-tech na ang daigdig, e hi-tech na rin ang masasamang-loob. Kung dati ay kailangang looban ka upang mapagnakawan, ngayon ay may tinatawag nang “phishing” at “skimming” na dalawang paraan upang mapagnakawan ang mga bank account. Nagmumukhang bobo pa ngayon ang mga holdaper na nag-aabang sa labas ng mga bangko, ang siste ng mga hi-tech na mandurugas ay diretso na sila sa account ng bibiktimahin. Ang phishing ay nagagawa kapag naibigay na ng biktima ang kanyang mga detalye kasama na ang bank details sa pamamagitan ng online interaction. Karaniwan ‘yan…
Read MoreANG KULTURA NG PANGUNGUTANG
Bumubuhos na naman ang padala mula sa ibayong dagat ng dolyar, magre-release na naman ng 13th month pay at bonus ngunit alam naman nating marami sa ating kababayan ay ipambabayad na lamang ito sa kani-kanilang mga pagkakautang. Swak na swak sa bansa ang kultura ng pangungutang. Nariyan ang ating mga suking 5-6, credit cooperative, kamag-anakan at tropang handang magpautang, car loan, housing loan at credit card. Sinusukat pa nga ang yaman ngayon sa credit line ng isang tao. Mentras mas malaki ang deposito mo sa bangko, mas lalong nagkakandarapa ang…
Read MoreMAYORYANG MUSLIM
Nasa dalawang bilyon na ang mga Muslim sa daigdig at 15% hanggang 30% niyan ay mga radikal na Muslim o sa ibang lengguwahe ay mga ekstremista. Ibig sabihin, nasa doble na ang bilang ng mga mapanganib na Muslim sa buong mundo, mula sa 150 milyon na minimum ay 300 milyon na. At mula 300 milyon na maximum ay nasa 600 milyon na o halos 9% ng kabuuang populasyon ng buong daigdig na pitong bilyong katao. Ibig sabihin, bawat ekstremistang Muslim ay kinakailangan lamang pumatay ng mga siyam na katao at malilipol na ang lahat ng…
Read More