BUNSOD nang pagsiklab ng kaguluhan sa gitnang Silangan matapos paslangin ang top Iranian military leader na si Qasem Soleimani, naisip ng inyong lingkod na napapanahon na upang maipasa sa lalong madaling panahon ang batas na magtatatag ng departamento na titiyak sa kaligtasan at seguridad ng Overseas Filipino workers. Bilang isang serbisyo publiko, nais ng inyong lingkod na matiyak na ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment bill ay sumasalamin sa reyalidad o totoong nangyayari sa ibang bansa kung saan naroroon ang ating mga makabagong bayani. Sa pagbisita ko sa…
Read MoreTag: Forward Now
BIGYAN NATIN NG DANGAL AT SAYSAY ANG ALAALA NI RIZAL
Ginugunita ng buong bansa ang pagkamatay ng martir nating bayani, ang Filipino na itinuturing natin hanggang sa ngayon bilang pinakada¬kilang tao na siyang nagsabuhay ng tunay na patriyotismo at pagmamahal sa bayan. Minsan na itong napag-usapan ng mga eksperto sa kasaysayan, maging mga itinuturing na pantas sa buhay at pagkatao ng Pambansang Bayani: kung si Gat. Jose Rizal ay buhay at nakakasalamuha natin ngayon, papaano kaya niya isinasabuhay ang kanyang mga turo sa gitna ng mga katotohanan ng kasalukuyang panahon? Batay sa aking pagkakaalala sa aking mga napag-aralan at pagbabasa,…
Read MorePANUKALANG LAGUNA LAKE FERRY NETWORK INILAPIT NATIN SA DOTR
Nakipag-ugnayan tayo kamakailan kay Transport Secretary Arthur Tugade upang talakayin ang ating panukalang magkaroon ng Laguna Lake Ferry Network mula Jala-Jala at Cardona papuntang Guadalupe Station sa Makati. Isa ito sa mga naisip natin na solusyon upang mabawasan ang matinding trapiko sa Maynila at gamitin ang lawa ng Laguna upang mas mapabilis ang biyahe papunta sa Maynila at pabalik sa Rizal. Maraming benepisyo at pabor ito sa ating mga kababayan sa lalawigan ng Rizal upang mapabilis ang kanilang pagluwas sa Kamaynilaan gayundin ang kanilang pag-uwi dahil hindi na nila daranasin ang mahabang oras ng…
Read MoreKATARUNGANG PAMBARANGAY DAPAT AMYENDAHAN
KAILANGAN nang amyendahan ang probisyong nakapaloob sa Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991 upang palawakin at baguhin ang sistema sa Katarungang Pambarangay. Inihain natin sa Kamara ang panukalang Barangay Justice System na layong amyendahan ang ilang probisyong nakapaloob sa R.A. 7160 at palakasin ang suporta sa Barangay Justice System gayundin sa mga nagtatrabaho rito. Ang Katarungang Pambarangay ay halos tatlong dekada nang binuo alinsunod sa R.A. kung saan nakasaad dito ang mga tungkulin at kapangyarihang iniatang sa Lupon Tagapamayapa upang ayusin at pagkasunduin ang magkabilang panig na sangkot sa mga mabababa o…
Read MorePAGTATAG NG HEALTH PROMOTION COMMISSION DAPAT MAISABATAS
ISINUSULONG natin sa Kongreso ang paglikha ng Health Promotion Commission na popondohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law. Ang House Bill 5515 (An Act Establishing a Health Promotion Fund and Health Promotion Commission to Oversee the Implementation of Health Promotion in the Philippines and for other Purposes) ang titiyak ng pangmatagalang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman ukol sa programa. Ang pangunahing tungkulin ng komisyon ay…
Read MoreBATAS VS TEENAGE PREGNANCY INIHAIN SA KONGRESO
Inihain na natin ang House Bill 5516 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act sa pagbubukas ng 18th Congress na may layuning mapigilan ang maagang pagbubuntis ng mga menor de edad. Nilalayon din nito na magkaroon ng komprehensibo at naaangkop sa edad na pagtuturo ng sex education para sa mga kabataang Filipino upang maiwasan pa rin ang maagang pagdadalantao. Mayroong 9.7 milyong kababaihan na may edad 10 hanggang 19 kung saan pagsapit ng 19 anyos, isa sa lima sa kanila ay nagiging ina. Ito ay base mismo sa pag-aaral ng United Nations Population Fund. Dahil sa kawalan at kakulangan sa edukasyon, impormasyon at pangangalaga sa kalusugan, nangyayari ang…
Read MoreHANDOG NA PALUPA SA RIZALEÑONG MAGSASAKA
Kaisa tayo ng Department of Agrarian Reform sa pamamahagi ng lupang sakahan para sa mga magsasakang walang sariling lupa na unang hakbang ng gobyerno upang mabago ang buhay ng mga benepisyaryo. Sa kabuuan, 807 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Rodriguez, San Mateo, Teresa, Morong, Baras, Pililia, Jalajala, Tanay, at Pinugay – mga lugar na sakop ng Ikalawang Distrito ng Rizal, ang tumanggap ng kanilang Certificate of Land Ownership Awards para sa 737.0017 ektarya na lupang sakahan na ipinamahagi noong Setyembre at Oktubre. Tiniyak din natin sa ARBs na ang suporta ng gobyerno ay hindi nagtatapos lamang…
Read MorePAGTUGON SA WATER CRISIS DAPAT NAAAYON SA BATAS
Ang Pilipinas, partikular ang Metro Manila, ay nakararanas ng krisis sa tubig na kailangang mabilis na maaksiyunan; ito ay hindi pinag-uusapan. Subalit ang anumang solusyon na gagawin ng gobyerno ukol dito ay dapat naaayon sa batas. Naging mainit na usapin ito matapos na maglabas ng advisory ang water concessionaires na Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services, Inc. na regular silang magpapatupad ng rotational water service interruptions sa kalakhang Maynila. Hindi natin itinatanggi na wala tayong krisis sa tubig. Pero kung anuman ang hakbang na gagawin dito ay kailangang alinsunod…
Read MoreKALIWA DAM, SAGOT NGA BA SA PROBLEMA NATIN SA TUBIG?
“Nais nating malaman kung ang Kaliwa Dam nga ba talaga ang sagot o magbibigay ng solusyon sa problema natin sa tubig sa Kalakhang Maynila.” Ito ang ating maikling pahayag o naging reaksyon sa panayam ng ilang mamamahayag kaugnay sa naturang proyekto. Mahigpit na tinutulan ng mga residente at lokal na opisyal ng ilang bayan sa Quezon maging ng karatig-lalawigan nito ang balak na pagtatayo ng Kaliwa Dam sa bayan ng Infanta. Hindi rin kaila sa atin ang mariing pagtutol ng simbahan sa proyekto gayundin ang mga katutubong Dinagat na naninirahan…
Read More