Panahon na upang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtaas ng suweldo ng mga guro na kinikilala nating gabay ng susunod na mga henerasyon. Naniniwala tayo na ang ibinibigay na malasakit at sakripisyo ng mga guro sa pampublikong paaralan ay isa sa mga pangunahing susi sa paghubog sa pagpapahalagang moral at antas ng edukasyon ng ating mga kabataan. Dapat lamang na tumbasan ito ng nararapat na benepisyo upang makaagapay sila at magkaroon ng disenteng pamumuhay ang kanilang pamilya. Ang inihain po sa Kamara ng inyong lingkod na House Bill (HB) No.…
Read MoreTag: Forward Now
PAGRESOLBA SA ASF, MABILIS PAG NAGKAKAISA
Noong huling linggo ng Hulyo, tayo ay nabigla sa balitang may kumakalat na sakit sa mga alagang baboy sa ating bansa partikular sa lalawigan ng Rizal. Kaya agad tayong kumilos at nakipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan na nakasasaklaw sa ganitong industriya – ang Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry ((DA-BAI). Ang napaulat na African Swine Fever (ASF) ay kinumpirma ng DA nitong unang linggo ng Setyembre, matapos na lumabas sa pagsusuri na nagpositibo ang blood samples na kinuha sa mga baboy na namatay. Nang pumutok ang balitang…
Read MoreTURISMO PARA SA KAUNLARAN AT TRABAHO NG IP COMMUNITIES
Ang pagpapaunlad ng turismo ay magbubukas ng maraming trabaho sa bansa na makatutulong sa pagpapagaan ng kahirapan lalo na sa indigenous cultural communities. Hindi dapat sayangin ng pamahalaan ang pagkakataong ibinibigay ng lumalagong industriya ng turismo sa mga magagandang lugar na madalas pasyalan ng mga turista – mapa-lokal man o banyaga dahil ito ay paraan para magkaroon ng mas maraming trabaho at pagkakakitaan ng ating mga kababayan. May mga tourist destination kasi sa ating bansa na sakop ng ancestral domain ng mga katutubo na nasasalaula dahil sa iilang mga mamumuhunan…
Read MorePAGPATAY SA MGA FILIPINONG ABOGADO, DAPAT TUTUKAN NG GOBYERNO
Hinimok ng iba’t ibang grupo ng mga abogado mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang administrasyong Duterte na protektahan ang mga Filipinong abogado laban sa dumaraming kaso ng pag-atake na may kaugnayan sa giyera kontra droga ng gobyerno. Pitumpo’t anim (76) na international lawyers’ groups at 76 na abogado mula sa 49 bansa ang nananawagan sa kasalukuyang administrasyon na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang matigil na ang pagpatay sa mga abogado sa Pilipinas. Bilang vice chair ng House Committee on Justice sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, hinihikayat natin…
Read MoreDEATH PENALTY VS. HEINOUS CRIMES AT ILLEGAL DRUGS DAPAT IBALIK
Sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at ilegal na droga, may naitatala pa ring brutal na pagpatay, panggagahasa at paglabag sa paggamit at pagbebenta ng illegal drugs. Aminado ang mga awtoridad na lalong lumala ang operasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas sa kabila ng kanilang pagsisikap na labanan at sugpuin ang paglaganap nito. Naniniwala tayong hindi tumitigil sa pag-aksyon ang PDEA at hanay ng PNP upang sugpuin ang krimen at operasyon ng ilegal na droga sa bansa, subalit mukhang hindi ito sapat upang…
Read MoreROTC NAGLALAYONG HUBUGIN ANG MGA KABATAAN AT MAKATULONG SA DISASTER OPS
Kumpiyansa ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga kabataan upang maipagtanggol ang kanilang sarili gayundin ang soberanya ng bansa at pagbibigay ng kakayahan sa kabataang tumugon sa panahon ng sakuna gaya ng rescue at relief operations. Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang pagbuhay sa two-year mandatory basic ROTC na ibinasura noong 2001. Sa panukalang batas, isasailalim sa ROTC ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at 12 sa lahat ng paaralan sa buong bansa ngunit nilinaw ng pangulo na ang…
Read MoreBATAYAN SA PAGPAPALAYA SA MGA BILANGGO, DAPAT REPASUHIN
Dapat repasuhin ang batayan sa pagpapalaya sa mga bilanggo o ang Republic Act 10592 na mas kilala sa tawag na good conduct time allowance (GCTA). Nitong nakaraang linggo ay umani ng batikos mula sa netizens sa social media at naging mainit na usapin ang napabalitang paglaya umano ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison. Kung pagbabatayan ang naging kaso ng dating alkalde, malinaw na hindi siya kwalipikado sa GCTA Law kaya hindi siya dapat mapabilang sa 11,000 na mapalalayang bilanggo ngayong taon. Dahil na rin sa…
Read MoreTEENAGE PREGNANCY, ISANG SERYOSONG ISYUNG PANLIPUNAN
Bilang mambabatas ay malaki ang tungkulin natin na mabigyan ng karampatang kaalaman ang mga kabataan upang magkaroon sila ng kapasidad na magdesisyon nang maayos para sa kanilang kinabukasan. Ang teenage pregnancy ay isang isyung panlipunan na dapat mapag-aralang mabuti ang kasalukuyang kalagayan at makahanap ng mabisang paraan upang masolusyunan ito. Mismong sa pangulo nanggaling ang kautusan na magsama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan at tipunin ang lahat ng stakeholders upang talakayin ang isyung ito. Bilang pagtalima sa panawagang ito ng pangulo, ang DepEd at DOH ay nag-organisa ng dayalogo sa…
Read MorePOLICE VISIBILITY SA MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, MASUSING PAG-ARALAN
Magandang edukasyon at proteksyon laban sa krimen ang kailangan ng mga estudyante mula sa ating pamahalaan; huwag silang ituring na kalaban ng estado. Ang planong paglalagay o pagdaragdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ay hindi makatutulong at manapa’y makagagambala sa pagkatuto ng mga kabataan. Ang mandato ng PNP ay labanan ang kriminalidad at tugisin ang mga gumagawa ng krimen na wala naman sa mga unibersidad at mga kolehiyo kaya hangga’t hindi lumalaban ang mga estudyante sa gobyerno gamit ang armas ay hindi ito maituturing…
Read More