MAINTENANCE MEDS ILILIBRE SA MAHIHIRAP

GAMOT-6

ISINULONG sa lungsod ng Quezon ang programang pangkalusugan na kinapapalooban ng regular na pamamahagi ng ‘maintenance medicines’ sa mga karapat-dapat na mamamayan ng lungsod. Tugon ito ni Quezon City Councilor Imee Rillo matapos malaman na maraming pamilya na may mga sakit na high blood at diabetes ang hindi nakabibili ng kanilang mga gamot. Ayon sa konsehal, una nang nagsagawa ang kanyang tanggapan ng survey sa kanilang mahihirap na ‘constituents’ na may mga sakit o may iniinom na maintenance medicine, ar nalaman nila na karamihan sa mga ito ay hindi na…

Read More

PINAS BAGSAKAN NG PEKENG GAMOT — SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAIIMBESTIGAHAN  ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ulat mula sa United National (UN) na nagiging “hotspot” ang Pilipinas ng mga pekeng gamot mula sa ibang bansa. Sa House Resolution (HR) 220 na inakda ni Laguna Rep. Dan Fernandez, inaatasan nito ang House committee on health at committee on good government  sa nakaaaalarmang report ng UN Office on Drugs and Crime. “Whereas, it was reported by the United Nation Office on Drugs and Crime that the Philippines has the highest incidence of fake medicines in…

Read More

BAKIT MAY SIDE EFFECTS ANG MGA GAMOT?

GAMOT SIDE EFFECTS

Ayon sa mga doktor, walang gamot na masasabing 100 porsyentong ligtas. Ito ay dahil ang isang gamot ay maaaring walang side effects sa iyo ngunit mayroon para sa iba o vice versa. Kung tutuusin ay lahat ng gamot ay sad­yang may side effects. Gayundin naman, mas lalong walang 100% safe na gamot sa mga buntis kaya mas pinag-iingat ang mga ito sa pag-inom ng gamot at pinapayuhan din na agad na ireport sa doktor kung anuman ang nararamdamang negatibo sa katawan. Karaniwang side effects na nararamdaman ay may kinalaman sa gastrointestinal system. Halos lahat ng mga gamot ay nakakapagbigay…

Read More

EO SA MURANG GAMOT HIHILINGIN NG DOH SA PALASYO

gamot

MAGSUSUMITE si Health Secretary Francisco Duque III sa Office of the President ng rekomendasyon para ibaba ang presyo ng mga gamot. Sa isang forum, sinabi ni Duque na kailangang maibaba ang napakamahal na presyo ng mga gamot upang mapakinabangan ng mahihirap. Ang presyo ay maibababa nang mahigit sa kalahati sakaling ayunan at lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order. Ibinunyag ni Duque na ang presyo ng mga gamot sa bansa ay halos 70 porsiyentong mataas kumpara sa ibang bansa. Ang mga gamot sa pangunahing sakit tulad ng hypertension, diabetes,…

Read More

BAWAS-PRESYO SA GAMOT IGINIIT SA SENADO

gamot

(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN ang ilang senador sa pamahalaan na ikonsidera nang ipatupad ang pagbabawas sa presyo ng mga gamot sa bansa. Ayon kina Senador Risa Hontiveros at Senador Christopher Lawrence Go, napapanahon nang ibaba ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas na malayong-malayo sa presyo sa pandaigdigang merkado. Sinabi ni Hontiveros na base sa datos ng Department of Health (DOH), ang halaga ng gamot sa bansa ay apat na beses na mas mataas sa international reference prices (IRP) habang 22 beses ding mas mataas sa pribadong sektor. Samantala, ang innovator o…

Read More

BAWAS-PRESYO SA GAMOT MALAKING TULONG SA MAHIHIRAP

POINT OF VIEW

Inihayag kamakailan ng 18 multinational drug makers sa bansa sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na magkaisa upang mag-alok ng mabababang presyo sa kanilang mga gamot. Kung magkakatotoo ito, kasama sa mga mababawasan ng presyo ay ang mga gamot sa tinatawag na rare disorder, major non-communicable diseases at infectious diseases na karaniwang mga sakit na dumadapo sa tao. Ang grupo ay plano ring mag-alok ng ‘holistic and comprehensive’ na pagtulong, partikular sa mga may cancer, kabilang ang diskuwento para sa mga laboratory test. Ang apat na…

Read More

PRICE CEILING SA MAINTENANCE MEDS, PINABORAN 

gamot

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUPORTADO ni Senador Sonny Angara ang ipinatutupad na price ceiling ng  Department of Health (DOH) sa ilang gamot, partikular ang mga maintenance medicines. Sinabi ni Angara na sa pamamagitan nito mababawasan ang alalahanin ng mga consumer, partikular na ang mahihirap. Isinama ng DOH ang 120 medicines sa saklaw ng maximum retail price (MRP) scheme upang maibaba ang presyo ng mga ito. Kasama sa talaan ang mga gamot sa hypertension, diabetes, cardiovascular, chronic lung diseases, neonatal diseases, renal disease, at major cancers. Ito na ang ikalawang batch ng…

Read More

DRUG COMPANY NG INDIA HINIMOK MAGTAYO NG PASILIDAD

gamot

HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Indian pharmaceutical companies na magtayo ng operasyon sa bansa. Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na iniimbitahan  ang drug manufacturers sa India na magtayo ng manufacturing facilities sa bansa dahil isa ito sa pinakamalaking gumawa ng mga gamot sa buong mundo. Ito umano ay upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng gamot sa bansa. “We just want them to produce here para mabawasan ang presyo … First, hindi na sila ma-subject sa tariff and other trade costs,”…

Read More

120 GAMOT TATAPYASAN NG PRESYO

gamot

(NI DAHLIA S. ANIN) SA ilalim ng maximum drug retail price, balak ng Department of Health (DoH) na bawasan ang presyo ng 120 na klase ng gamot. Sa panayam, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nakaaapekto sa kalusugan ng tao ang mataas na presyo ng gamot. Sa inilabas na listahan, kasama sa 120 gamot ng DOH ang sa diabetes, sakit sa puso, hypertension, chronic lung disease, chronic renal disease, cancer, psoriasis at rheumatoid arthritis. Ayon pa kay Domingo, ang mga gamot na ito ay dapat tapyasan ang presyo upang…

Read More