MANUEL, TRATTER PASOK SA GILAS

SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers. Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone. Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018. Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay…

Read More

SPECIAL AWARD KINA RAVENA, ANIMAM AT AQUINO

TATANGGAP sina Jack Danielle Animam, ang kanyang kahanga-hangang coach sa National University na si Patrick Aquino at si Ateneo stalwart Thirdy Ravena ng special awards sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Manila Hotel Centennial Hall. Si Ravena ang Mr. Basketball, habang sina Animam at Aquino ang unang awardees bilang Ms. Baskeball at Coach of the Year ng oldest media organization. Silang tatlo ay bahagi ng mahabang listahan ng honor roll. Una sa listahan ang 2019 Athlete of the Year Team Philippines sa parangal na gaganapin sa Marso…

Read More

MARK DICKEL, BAGONG GILAS COACH

PINANGALANAN na rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magiging interim coach ng Gilas Pilipinas para sa first window ng Fiba Asia Cup qualifiers at siya ay walang iba kundi si TNT Katropa consultant Mark Dickel. “In his short stint in the Philippines,  Coach Mark has performed creditably well,” sabi ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan sa isang press release. Nauna nang isinawalat sa Fiba website na si Dickel ang mamumuno sa coaching staff Gilas, kasama sina Sandy Arespacochaga at Nenad Trunic. Pangungunahan ng Australian-Kiwi coach ang 24-man…

Read More

FAJARDO PASOK PA RIN SA GILAS

June Mar Fajardo

NILINAW ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na kasama pa rin sa Gilas Pilipinas si June Mar Fajardo. Ayon sa SBP, hindi totoong tanggal na bilang miyembro ng Gilas ang five-time PBA Most Valuable Player. Matatandaan na maraming fans ang nadismaya at nagalit sa hindi pagkakasama ng pangalan ng San Miguel big man sa 24-man players na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers. Ngunit katwiran ni SBP president Al S. Panlilio, sa Asia Cup qualifiers lang hindi kasama si Fajardo. Dagdag pa ni Panlilio, nais lamang nilang magpahinga ng matagal…

Read More

GILAS NAGHAHANAP NG BAGONG COACH

(NI ANN ENCARNACION) KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty. Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya. “I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone. Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na…

Read More

IKA-18 SEAG GOLD TARGET NG GILAS

(NI VT ROMANO/PHOTO MJ ROMERO) UMULAN man o umaraw, tiyak na dudumugin ng fans ang Mall of Asia Arena upang saksihan ang pagsisimula ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa men’s basketball event ng 30th SEA Games. Ang Nationals na pangungunahan ni head coach Tim Cone ay kinakatawan nina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Chris Ross, Troy Rosario, Christian Standhardinger, Greg Slaughter, LA Tenorio at Matthew Wright. Si Slaughter, sentro ng Brgy. Ginebra, ang ipinalit ni Cone kay RR Pogoy, matapos itong ma-injure…

Read More

SEAG OPENING CEREMONIES IINDYANIN NG GILAS

(NI VT ROMANO) SA halip na makilahok sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games, minabuti ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mag-ensayo na lamang ang koponan. Ang kakulangan sa ensayo ang dahilan ni Cone sa paghingi ng permiso na huwag nang dumalo sa opening ceremonies sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Binubuo ng PBA players ang Philippine men’s basketball team, na nabawasan pa ng isang miyembro matapos magtamo ng back injury si Roger Pogoy. “All the athletes in the games have had a year or more to…

Read More

GILAS COACHING JOB, OK NA KAY CONE

(NI JJ TORRES) PORMAL nang tinanggap ni Tim Cone ang alok bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang naging decision ng Barangay Ginebra San Miguel coach matapos nilang magpulong kahapon upang i-finalize ang ilang detalye ng offer na binigay noong nakaraang linggo. “I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interest but wanted to finish his game last night and talk to…

Read More

 YENG GUIAO, QUITS!

NAGBITIW kahapon bilang coach ng Gilas Pilipinas si Yeng Guiao, matapos ang masalimuot na kampanya sa FIBA World Cup na ginanap sa China, kung saan walang naipanalo ang koponan. Ang resignation ni Guiao ay nangyari isang araw matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan. “In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in…

Read More