(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit isang milyong litrong tubig ang naisuplay nila sa anim na pagamutan sa Metro Manila na naapektuhan ng water shortage o kakulangan sa tubig kamakailan. Sa isang kalatas, sinabi ng PRC, na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, hanggang nitong Marso 18 ay nakapaghatid sila ng 1,033,000 litro ng malinis at ligtas na tubig sa tinatayang may 43,000 indibidwal mula sa Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Mandaluyong City Medical Center, at…
Read MoreTag: Gordon
POSIBLENG PAGBASURA SA DENGVAXIA CASE IKINABAHALA
(NI NOEL ABUEL) NANGANGAMBA si Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na posibleng maibasura lamang ang mga kasong homicide na inihain kaugnay sa dengvaxia controversy. Ipinaliwanag ni Gordon na “dahil hindi pa napatutunayan na may namatay dahil sa dengvaxia vaccine, hindi tatayo sa korte ang kasong homicide.” “Wala pa. Pag lumabas na ang scientific evidence pwede na, kaya ngayon homicide, hindi mo naman ma-prove na namatay dahil sa dengue eh di dismiss ang kaso tapos wala na mababaon na sa limot,” sabi ni Gordon. Idinagdag pa nito na mas…
Read MoreHIGIT 6K BATA NAPABAKUNAHAN NA NG RED CROSS
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Philippine Red Cross (PRC) na umaabot na sa mahigit 6,000 bata ang napagkalooban nila ng bakuna laban sa tigdas, sa ilalim ng kanilang inilunsad na vaccination drive. Ayon sa PRC, na pinamumunuan ni Chairman at Senador Richard Gordon, layunin ng kanilang vaccination drive na mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan laban sa tigdas, lalo na at mataas pa rin ang banta ng sakit, kasunod na rin ng deklarasyon ng outbreak sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kabilang ang Metro Manila. Simula aniya nang ilunsad nila ang…
Read MoreMASS VACCINATION VS TIGDAS INUMPISAHAN
(NI KEVIN COLLANTES) SINIMULAN ng Philippine Red Cross (PRC), Sabado ng umaga, ang pagdaraos ng inilunsad na mass vaccination drive sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PRC chair Senador Richard Gordon, sa Corazon Aquino Health Center isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang anim na buwang gulang hanggang limang taong gulang lamang. Paliwanag ni Gordon, una silang nagsagawa nang pagbabakuna sa Maynila dahil ito ang itinuturing na hotspot ng outbreak. Plano rin aniya nilang gawin na ito ng regular upang makaagapay sa pagbabakuna, lalo na at malaki aniya ang immunization gap na…
Read MoreGORDON: ‘TAHO GIRL’ ITAPON PALABAS NG PINAS
(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN ang ilang senador na agad na ipatapon palabas ng Pilipinas ang babaeng Chinese national na nagtapon ng taho sa uniporme ng isang pulis na nagmamando sa istasyon ng Metro Rail Transit (MRT). Giit ni Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Committee on Justice and Human Rights, kailangang kumilos agad na Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaso at ipatapon ang dayuhang si Jiale Zhang, 23, dahil sa masamang inasal nito at hindi iginagalang ang batas ng Pilipinas. “The Chinese passenger should be deported. The…
Read MoreMINOR OFFENSE TATAPATAN NG COMMUNITY SERVICE
(NI NOEL ABUEL) INIREKOMENDA ng Senate Committee on Justice and Human Rights na ipatupad ang community service sa halip na pagkakakulong sa minor offenses. Ito ang sinabi ni Senador Richard J. Gordon, kung saan sa Senate Bill No. 2195 na nakapaloob sa Committee Report 621, na nagsusulong para mabawasan ang jail decongestion nationwide. “The community service envisioned in the measure consists of any action or physical activity, which inculcates civic consciousness intended toward the improvement of public work or promotion of public service,” ani Gordon. Sa ilalim ng Revised Penal…
Read MoreGORDON BAKIT TAHIMIK SA P11-B SHABU SHIPMENT?
(NI NOEL ABUEL) MALAKING palaisipan sa ilang senador ang pananahimik ni Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa P11 billion shabu shipment sa Cavite. Ipinarating nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador JV Ejercito ang pagtataka sa pananahimik at mistulang pag-absuwelto kay Lapeña na isang command responsibility at kaakibat ng bawat tungkulin. “Command responsibility is everywhere. Unless, ikaw ang makatuklas at ikaw ang umaksyon,” saad ni Sotto. Nilinaw naman ni Sotto na hindi pa niya nababasa ang committee report at…
Read MoreKAPANGYARIHAN NG OSG PINALAKAS
KAPAG tuluyang naging batas ang panukalang higit na magpapalakas sa Office of the President (OSG) ay siguradong marami nang opisyal ng pamahalaan ang titiklop kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ang OSG ay ang abogado ng pamahalaan, kabilang na ang Office of the President (OP). Ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1823 nitong Miyerkules. Pangunahing laman ng SB 1823 na ay dagdagan ng mga de-kalibreng abogado, paglulunsad ng mga pagsasanay at seminar upang higit mapaghusay ang mga abogado, at dagdagan ang mga kagamitan nito para sa…
Read More