(NI ANNIE PINEDA) NAHATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang dating alkalde sa kasong graft na may kinalaman sa fertilizer scam. Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division na nilagdaan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Bernelito Fernandez, napatunayan guilty sa kasong graft si dating Butuan City Mayor Leonides Theresa Plaza kasama ang pitong iba pang opisyal ng nasabing lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod. Ang pito ay kinilalang sina Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia, at Melita Galbo. Nag-ugat ang nasabing kaso taon…
Read MoreTag: GRAFT
9 EURO GENERALS LUSOT SA GRAFT
(NI ABBY MENDOZA) PINAWALANG sala ng Sandiganbayan ang siyam na general ng Philippine National Police(PNP) na una nang kinasuhan ng graft at technical malversation dahil sa paggamit ng P10 milyon confidential fund bilang kanilang travel at contingency fund nang dumalo sa isang Interpol Assembly sa Russia noong 2008. Sa 55-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang kasong isinampa laban kina dating PNP Comprotller Police Major General Eliseo Decena Dela Paz, at mga generals na sina Tomas Rentoy III, Ismael…
Read MoreALBAYALDE POSIBLENG KASUHAN VS DROGA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BUKOD sa negligence at graft, maaari ring ipagharap si resigned PNP chief Oscar Albayalde ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ito, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon, sa pagpapaliwanag na maaaring may paglabag si Albayalde sa Section 27 ng batas. “Criminal Liability of a Public Officer or Employee for Misappropriation, Misapplication or Failure to Account for the Confiscated, Seized and/or Surrendered Dangerous Drugs, Plant Sources of Dangerous Drugs, Controlled Precursors and Essential Chemicals, Instruments/Paraphernalia and/or Laboratory…
Read MoreGRAFT NAKAAMBA KAY ALBAYALDE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO ang ilang senador na malinaw ang pananagutan ni PNP chief Oscar Albayalde sa pagtatangka na pagtakpan ang pananagutan ng kanyang mga dating tauhan hinggil sa drug raid sa Pampanga. Ito ay kasunod ng pagharap ni dating Police Regional Office 3 Director, Retired General Rudy Lacadin sa pagdinig ng Senado at sinabing tinawagan siya ni Albayalde upang harangin ang imbestigasyon laban sa grupo nina Major Rodney Raymundo Louie Baloyo IV. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malinaw na ang mga circumstantial evidence laban kay Albayalde. “To…
Read MoreEX-MRT GENERAL MANAGER, LUSOT SA KASONG GRAFT
(Ni JEDI PIA REYES) INABSWELTO ng Sandiganbayan 6th Division si dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang kontrata noong 2012. Ang graft case ay may kaugnayan sa maanomalyang $1.5 million na kontrata sa MRT-3 at pangingikil umano ng $30 million sa Czech Company na Inekon Group. Kinatigan ng anti-graft court ang demurrer to evidence na inihain ng kampo ni Vitangcol laban sa prosekusyon. Bigo ang prosekusyon na maidiin sa kaso ang dating General Manager ng MRT-3 dahil sa kakulangan sa ebidensya. Gayunman, nahaharap sa hiwalay…
Read MoreEX-MAYOR KULONG NG 104 TAON SA GRAFT
(NI ANNIE PINEDA) HINATULAN ng Sandiganbayan ng higit sa 104 na taon pagkakakulong ang dating alkalde dahil sa mga kasong graft at malversation. Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, guilty si dating Ilocos Sur Sta. Catalina mayor Carlos Asuncion sa 8-bilang ng kasong graft at 4 na bilang ng kasong malversation of public funds. Nag-ugat ang nasabing kaso nang magdonate umano ng P400,000 si Asuncion sa isang non-government organization na kinuha nito sa tobacco excise tax collection ng nasabing bayan. Dahil dito, pinatawan ng 6 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo…
Read MoreILOILO MAYOR KULONG SA GRAFT
(NI ANNIE PINEDA) HINATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang isang alkalde matapos mapatunayang guilty sa dalawang bilang ng kasong graft sa Iloilo City. Si Dingle, Iloilo Mayor Rufino Palabrica, ay nakitaan ng sapat na basehan nang sampahan ng graft ng Office of the Ombudsman. Batay sa desisyong ipinalabas ng Sandiganbayan Special Sixth Division, napatunayan na guilty si Palabrica sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3 (h) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nahatulan si Palabrica ng anim hanggang walong taon sa bawat bilang ng kaso…
Read MoreBRIONES KAKASUHAN SA ISINARANG LUMAD SCHOOLS
(NI BERNARD TAGUINOD) NAGPAPLANO ang mga militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kasuhan si Education (DepEd) Secretary Leonor Briones dahil sa ipinasarang 55 Lumad schools sa Davao region. Sa press conference sa Kamara kasabay ng paghahain ng resolusyon na imbestigahan ang usapin, sinabi ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro na plano nilang ipagharap ng kasong katiwalian si Briones. “Kasong graft and corruption ang plano naming isampa laban kay Secretary Briones dahil sa pagbibigay pabor sa military,” ani Castro . Ang military umano ang nasa likod ng pagpapasara…
Read MoreKATIWALIAN SA PIA INIIMBESTIGAHAN
(NI BETH JULIAN) NAGSASAGAWA na ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti Crime Commission sa isyu ng umano’y katiwalian sa Philippine Information Agency (PIA). Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica, bagama’t tumaggi pa muna itong magbigay ng detalye hinggil dito. Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hinihintay lamang ng PACC ang report na manggagaling sa una nang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang sentro ay laban kay PIA Director General Harold Clavite. Kaugnay ng isyu, naka-post sa Facebook account ni Clavite, sinabi nito na…
Read More