(NI JEDI PIA REYES) NAHAHARAP ngayon sa pagkakabilanggo ng hanggang anim na taon ang alkalde ng Cebu dahil sa pagtanggap umano ng honorarium. Sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan, natukoy na guilty sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Mayor Lionel Bacaltos ng bayan ng Sibonga. Si Bacaltos ay nanalo nitong nakaraang eleksyon ngunit siya ay pinagbawalan din na humawak sa anumang posisyon sa gobyerno at inatasan magbayad sa munisipalidad ng halagang P17,512.50. Maaari namang umapela ang alkalde sa naging desisyon ng anti-graft court.…
Read More