IMPORTED NA GALUNGGONG SINUPORTAHAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) SUPORTADO ng isang senador ang mabilis na utos ni Agriculture (DA) Secretary  William Dar na mag-angkat ng 45,000 metric tons ng galunggong at mackerel para mapunan ang kakulangan ng suplay nito sa bansa. Ayon kay Senador Imee Marcos, tama ang naging desisyon ni Dar na mabilis na umaksyon sa problema sa kakulangan ng supply ng tinatawag na “poor man’s fish” sa merkado. “Ang sosyal na talaga ng GG ngayon dahil sa sobrang mahal.  Hindi na siya poor man’s fish. Mas mahal pa ang GG sa presyo ng…

Read More

P6.9-B AYUDA SA MAGSASAKA TINIYAK SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Imee Marcos na maipagkakaloob sa mga magsasaka ang tulong pinansyal sa mga ito bago matapos ang kasalukuyang taon. Sinabi ng senador na maibibigay ang dagdag na ayudang P6.9 bilyon sa pamamagitan ng pagbili ng palay o kaya ay cash na kukunin sa budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Siniguro ng senadora na hindi dapat mangamba ang mga magsasaka na mahaharang ang  ayuda ng ruling ng Korte Suprema na una nang naglimita sa mga mambabatas na maglaan ng pondo sa mga bagay na…

Read More

TAX-FREE SA IMPORTASYON NG MEDICAL SUPPLIES, EQUIPMENT, IGINIIT

imee marcos23

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos na gawing libre sa Customs duty at value added tax ang importasyon ng mga medical supplies at equipment. Sa kanyang Senate Bill 1171, ipinaliwanag ni Marcos na alinsunod sa Saligang Batas, tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan ng bawat tao sa tamang kalusugan subalit nagiging kapansin-pansin anya sa bansa ang unfair at unequal access sa health services. Ipinaliwanag ng senador na may 1,071 licensed private hospitals at 721 public hospitals, kabilang ang 70 pagamutan na pinamamahalaan ng Department of Health. Batay…

Read More

NO.1 NG PINAS SA SEA GAMES INAASAHAN

imee66

(NI NOEL ABUEL) MAGAGALIT umano ang taumbayan kung hindi makukuha ng Pilipinas ang unang puwesto sa idaraos na Southeast Asian Games. Ito ang sinabi ni Sendoor Imee Marcos kung saan umaasa ito na mag-number one ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang magkakakuha ng pinakamaraming gintong medalya sa gaganapin na Southeast Asian (SEA) Games sa darating na November 30 hanggang December 11. Ayon kay Marcos, sa laki ng budget na inilaan ng pamahalaan para sa hosting ng biennial multi-sport event ng 11 bansa sa rehiyon, dapat ay matiyak ng mga…

Read More

IMEE NABAHALA SA PAGBAWAS NG PONDO NG VMMC

(NI NOEL ABUEL) NABABAHALA si Senador Imee Marcos kung ano ang tunay na dahilan kung bakit tinapyasan ng pondo ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa susunod na taon. Kinuwestyon ni Marcos ang pagbawas ng higit sa P211 milyon sa inilalaang budget sa 2020 ng VMMC. Mula sa P1,866,436,000 budget ng VMMC ngayong 2019, nasa P1,654,818,000 na lamang ang budget na inilalaan para sa nasabing ospital sa ilalim ng panukalang 2020  General Appropriations Act. Sinabi pa ni Marcos, na nalulungkot ito dahil maraming beterano ang maaapektuhan ng budget cut  para sa pambili…

Read More

NEGOSYANTE KINASTIGO NI IMEE SA 13TH MONTH PAY

imee66

(NI NOEL ABUEL) KINONDENA ni Senador Imee Marcos ang malaganap na pagsasamantala ng mga negosyante sa hanay ng mga manggagawa sa patuloy na hindi pagbibigay ng kanilang 13th month pay kapag dumarating ang panahon ng Kapaskuhan. Ito ang pagbubunyag ni Marcos na hanggang ngayon ay maraming negosyante ang hindi sumusunod sa batas at sa halip na ibigay ang kabuuang isang buwang sahod bilang 13th month pay, binibigyan na lamang ang mga regular na manggagawa o empleyado ng grocery items. “Dapat isang buwan na sahod ang ibinibigay ng  mga employers sa…

Read More

DTI SINABON SA DAGDAG-PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINASTIGO ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapahintulot sa ilang manufacturer na magtaas ng presyo ng “Noche Buena products” habang papalapit ang araw ng Pasko. Kasunod ito ng pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price (SRP). “Sa inilabas na listahan ng DTI, lumalabas na P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham. Pero sabi ni Sec. Lopez, maliit lang ang increase. Killjoy naman itong si Secretary. Lalong hindi na…

Read More

MASTER PLAN NG MANILA WATER, MAYNILAD, NASAAN? — IMEE

(NI NOEL ABUEL)   HINAHANAP ni Senador Imee R. Marcos ang komprehensibong master plan sa Maynilad at Manila Water para masolusyunan ang nararanasang water shortage sa Metro Manila at mga karatig probinsya. Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng kabiguan ng dalawang water concessionaires na maglatag ng plano para maagapan ang krisis sa tubig na nagsimula nitong October 24. Sinabi ni Marcos na hindi dapat umaasa lang sa buhos ng ulan sa dam ang dalawang concessionaires dahil tiyak na mas malala pa ang mararanasang problema sa tubig kapag sumapit na ang…

Read More

KONTRATA NG MAYNILAD, MANILA WATER SISILIPIN SA SENADO

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI NOEL ABUEL) DAPAT managot ang mga opisyales ng Maynilad at Manila Water kaugnay ng sunud-sunod na krisis sa tubig ng  halos 15-milyong consumer sa Metro Manila at karating lalawigan. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan dapat aniyang mapanagot ang nasabing mga water concessionaires. Ginawa ni Marcos ang panawagan sa abiso ng Maynilad at Manila Water companies na magpapatupad ang mga ito ng araw-araw na rotational service interruptions sa mga konsyumer simula ngayon, Oktubre 24. Giit ni Marcos na dapat pinaghandaan ng dalawang water concessionaires ang nasabing krisis…

Read More