(NI BETH JULIAN) PINAGSABIHAN na ng Malacanang si Philippine ambassador to Japan Jose Laurel matapos ihayag na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsama sa Japan ng karamihan sa mga Cabinet members dahil sa pagkakapanalo umano ng karamihan sa mga kandidato ng administrasyon nitong nagdaang halalan. Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, tumatayong caretaker o OIC ng bansa, hindi pa nito masabi kung kailangang disiplinahin pa ng Pangulo o ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin si Laurel. Ayon kay Guevarra, hihintayin pa muna niya ang ilan pang development kaugnay dito.…
Read More