GUMAPANG NA SA NCR ANG MARTIAL LAW

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Walang-awang pinatay si Reynaldo Malaborbor, coordinator ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (MAKABAYAN) sa Southern Tagalog noong Nobyembre 4 sa harap ng kanyang bahay sa Cabuyao, Laguna. Ang MAKABAYAN ay ang partido ng mga progresi­bong grupong party-list na Bayan Muna, Gabriela Wo­men’s Party, ACT Teachers, Kabataan, Anakpawis, at iba pa. Gayundin, ni-raid ang tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) – Manila sa Tondo, at inaresto sa gawa-gawang kaso ang tatlong aktibistang natutulog sa opisina. Ito ay matapos ang ginawang Halloween raid sa opisina ng mga aktibista sa Bacolod, Negros Occidental na…

Read More

KASO LABAN SA 57 AKTIBISTA SA NEGROS, DAPAT IBASURA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Matinding katatakutan ang tumambad sa mga progresibong organisas­yon noong Oktubre 31 sa Isla ng Negros. Habang nakatirik ang mga kandila at naghahanda ang mga Filipino upang gunitain ang Undas, pinasok at hinalughog ang aming opisina, ang Bayan Muna, kasama ng iba pang prog­resibong organisasyon — Gabriela, Kilusang Mayo Uno, at ang National Fe­deration of Sugar Wor­kers, sa Bacolod at Escalante. Sa bisa ng isang warrant of arrest na lumipad na parang aswang mula sa Que­zon City, nadakip ang 57 katao sa Bacolod at Escalante City, kabilang pa ang ilang mga…

Read More

KONTRATA SA MAYNILAD AT MANILA WATER, DAPAT REPASUHIN!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para kina Bayan Muna Representative at Deputy Minority Leader na si Carlos Isagani Zarate at Chairman ng Bayan Muna na si Atty. Neri Colmenares, dapat na ituring na public utility ang tubig dahil ito ay buhay para sa lahat. Kung gayon, ang operasyon, pagmamay-ari, pagtatatag at pagmantina sa waterworks systems ay dapat pinamumunuan at kontrolado ng pamahalaan. Hindi ba’t napakahalaga nitong larangan para lamang ipaubaya ng pamahalaan sa mga pribadong sektor na ang pangunahing hangarin ay kumita? Gayundin, ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay binigyan ng mandato na…

Read More

PENSION SYSTEM SA PILIPINAS, ISA SA PINAKA-ATRASADO SA MUNDO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Australia, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalalang pension system sa daigdig. Ayon sa Melbourne Mercer Global Pension Index (MMGPI) 2019, ang a-ting retirement income protocol ay 43.7 mula sa 100. Ito ay naglagay sa ika-34 mula sa 37 na bansa na sinuri. Para sa mga lider ng Bayan Muna na si Rep. Carlos Isagani Zarate at Chairperson Neri Colmenares, ito ay salamin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating senior citizens at mga retirado. Ito ay hudyat ng napakalaking pangangailangan upang itaas ang…

Read More

‘WHOLE-OF-NATION APPROACH’ MAPANGHATI, NAKAMAMATAY!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para sa Lumad-lider at kinatawan ng Bayan Muna na si Rep. Eufemia “Ka Femia” Cullamat, ang bagong pakana ng gobyerno na kontra-insurhensya ay mapanghati sa hanay ng mga Lumad at nagreresulta sa paglabag ng karapatang pantao hanggang sa mga pagpatay. Ito ang Executive Order 70 o ang Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace. Sa isang pagbisita sa mga komunidad ng Lumad sa Lianga, Surigao del Sur nito lamang Oktubre 21, napatunayan ang ganitong epekto ng EO 70 sa mga Lumad. Una, muling binasehan ng 3rd Special Forces Battalion…

Read More

SA LIBU-LIBONG PATAYAN SA WAR ON DRUGS PULIS NA IN-INQUEST, IILAN LANG

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Habang pinuputakte ng samu’t saring isyu ng anomalya ang Philippine National Police tulad ng raket sa Good Conduct Time Allowance o GCTA at sa recycling ng droga ng ninja cops ay sumulpot naman ang isyu ng kawalan ng inquest proceedings sa mga pulis na nakapatay sa madugong giyera laban sa droga ng rehimeng Duterte. Mahalaga ang inquest proceedings sa mga kaso ng pagpatay sa tokhang, dahil dito malalaman kung ang pagpatay ay makatarungan at hindi lamang simpleng pagpatay o brutalidad ng pulisya. Nalaman ng Bayan Muna na sa inaming 5,793…

Read More

DAGDAG BAYARIN SA PHILHEALTH, TINUTULAN NG OFWs

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Dagdag-pahirap na naman sa OFWs ang dagdag singil sa PhilHealth na inanunsyo kamakailan. Ayon sa komputasyon ng mga grupo ng mga migranteng Filipino, ang bagong dagdag singil sa PhilHealth ay mangangahulugang dagdag P50,000 sa mga bayarin bago pa man sila lumabas ng bansa. Ang malala pa, ayon sa implementing rules and regulations o IRR ng health care program ng gobyerno, ang lahat ng land-based na OFWs ay kailangang bayaran ang kanilang premium sa PhilHealth bago sila makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC. Sa madaling sabi, hostage ng PhilHealth ang OFWs hangga’t ‘di pa nila…

Read More

KAILANGANG IBASURA ANG RICE LIBERALIZATION LAW!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

PARA sa mga Makabayang mambabatas na sina Kaloi Zarate at Ferdie Gaite ng Ba­yan Muna, malaki ang pangangailangan na ibasura na ang Rice Li­beralization Law dahil ito ay napatunayan na sa karanasan na anti-magsasaka. Datos mismo ng gob­yerno ang nagsasabi na nababangkarote ang mga magsasaka dahil sa pag-i-import ng bigas. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang isang kilo ng palay ay bumagsak sa halagang P15.96 sa ikatlong linggo ng Setyembre, ito ay bumagsak ng 1.4% mula noong isang linggo, at 30.1% naman mula noong isang taon. Dagdag pa ng PSA, ang…

Read More

KONDENAHIN ANG PAGPAPASARA SA LUMAD SCHOOLS!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Mariing kinukondena ng Bayan Muna ang utos na pagpapasara ng Department of Education sa Salugpungan Schools. Ayon sa lider-lumad at kinatawan ng Bayan Muna Party-list na si Eufemia Cullamat, ito na ang pinakamatinding paglabag sa karapatan sa edukasyon ng mga kabataang lumad. Ano ngayon ang gagawin ng pamahalaan sa 3,500 na estudyante ng Salugpungan? Paano na ang mga guro at staff ng mga paaralan? Napakarami na ngang mga estudyante na hindi nakakapag-aral, lalo na ang mga lumad, ay ganito pa ang ginagawa sa mga paaralang itinayo pa mismo ng mga…

Read More