Pinaparatangan ang mga taong nagsasabing ang gobyerno at ang militar ang salarin sa patayan sa Negros na mga supporter ng mga rebolusyonaryong grupo. Ngunit, pulis at militar ang tinuturong salarin ng mismong mga saksi at pamilya ng mga biktima. Matagal nang tinutuligsa ng human rights defenders sa isla ng Negros ang red-tagging sa kanilang hanay. Bago sila patayin, marami sa mga pinaslang ay pinagbintangan na miyembro o lider ng Communist Party of the Philippines, National Democratic Front of the Philippines at ng New People’s Army (CPP-NDF-NPA). May posters na kumalat…
Read MoreTag: KAKAMPI MO ANG BAYAN
ILEGAL AT ‘DI MAKATARUNGAN ANG PAGSASARA SA PCSO
Korapsyon ng appointees ni Presidente Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit biglang inutos niya ang pagpapasara ng operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Imbes na parusahan ang mga tinalaga niyang opisyal ay naapektuhan pa ang maraming mamamayan, kabilang ang mga pasyenteng umaasa sa mga medikal na tulong na ibinibigay ng PCSO. Hindi ba’t hindi ito makatarungan? Ang malaking tanong ay kung anu-anong mga anomalya ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na dahilan sa kanyang pag-uutos na ipasara ito. Mula pa 2011 ay itinutulak na ng Bayan Muna ang mga imbestigasyon hinggil…
Read MoreTINALIKURAN NA NI DUTERTE ANG PANGAKONG WAWAKASAN ANG ENDO
Tuluyan nang binigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manggagawang Filipino sa pag-veto niya ng Security of Tenure Bill, isa sa mga malaking pangako niya nang siya ay tumakbong pangulo noong 2016. Malubhang pinalabnaw na nga ang bersyon na umabot sa kanyang mesa. Sa orihinal na panukalang batas na inihain ng Makabayan bloc, isinulat natin ang pagnanais ng mga manggagawa na tuluyang pagtanggal ng kontraktwalisasyon. Sa mga pagdinig na ginawa sa loob ng Kongreso at Senado, unti-unti nang tinanggal ang mga probisyon na hindi kanais-nais sa mga kapitalista. Sa kabila nito,…
Read MorePURO PALUSOT, WALANG SOLUSYON ANG SONA 2019
Nagdaan na naman ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte nito lamang Lunes, July 22. Ngunit, nasagot ba ng mahabang pahayag ng pangulo ang mga isyu na bumubulabog sa taumbayan? Unang-una na usapin pa rin ang laganap na kahirapan. Malaki ang bilang ng walang trabahong regular. Kung may trabaho man, kulang ang sahod ng manggagawa para makaagapay sa nagtataasang bayarin at presyo ng bilihin. Wala ring sinabi ang pangulo sa lumalalang mga paglabag sa karapatang pantao, tulad ng mga pagpatay kaugnay ng madugong kampanya laban sa droga, na…
Read MoreSA SONA, MAKINIG TAYO SA MAMAMAYAN!
Sumapit na naman ang araw ng State of the Nation Address o SONA ng pangulo, kung saan siya ay mag-uulat ng kalagayan ng sambayanan at kung anu-ano ang mga nagawa ng kanyang administrasyon. Ngunit, para sa Bayan Muna, dapat makinig ang pangulo sa mamamayan para malaman ang tunay na SONA. Una, ang pangako niyang pagtatapos sa Endo o sa kontraktwalisasyon, na hanggang sa kasalukuyan ay pahirap pa rin sa mga manggagawa. Buhay na buhay pa rin ang kawalan ng kaseguruhan sa paggawa sa pribado man na kompanya o sa loob…
Read MoreSALUDO KAMI SA SUPORTA NI MAYOR VICO SA ZAGU WORKERS
Nakatutuwang balita na ang bagong mayor ng Pasig City na si Vico Sotto ay nagpakita ng kanyang pagsuporta sa mga naka-strike na manggagawa ng Zagu. Ang mga manggagawang nabanggit ay nakapiket dahil sa kontraktwalisasyon na isinasagawa ng kompanyang ito. Saludo ang mga kinatawan ng Bayan Muna, kabilang sina Rep. Ferdie Gaite at Eufemia Cullamant sa pagkilala ni Mayor Vico sa karapatan ng manggagawa. Bihira ang mga lokal na opisyal na magpakita ng pagkilala at pagsuporta sa mga nakikibakang manggagawa para sa kanilang karapatan. Saludo kami sa iyo! Dapat tularan ng…
Read MorePAGLABAG SA KARAPATAN SA EDUKASYON ANG PAGPAPASARA NG 55 LUMAD SCHOOLS
Kamakailan ay iniutos ng Department of Education na ipasara ang 55 ‘lumad schools’ sa Davao Region, na nasa ilalim ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center o Salugpungan. Iniutos ni Davao City Department of Education Officer on Charge na si Evelyn Fetalvero ang pagpapasara ng mga paaralan ng mga Lumad matapos akusahan ni retired AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon at ngayon ay National Security Adviser at Vice Chair of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na ang Lumad schools ay hindi sumusunod…
Read MoreWATAK-WATAK NA ANG KOALISYON NI DUTERTE SA KAMARA
Kahit nauna nang sinabi ni Duterte na hindi s’ya makikialam sa paghalal ng speaker sa Kongreso, wala siyang nagawa kundi manghimasok sa nagbabanggaang mga bato na nais makuha ang pinakamataas na posisyon sa House of Representatives. Ito ay patunay na watak-watak ang koalisyon ni Duterte, na may kanya-kanyang ambisyon at manok para sa speakership. Ang pagpili ng speaker ay dapat na independiente na desisyon ng lehislatibo bilang hiwalay na sangay ng ating pamahalaan. Ngunit, nais talagang panghawakan ng gobyernong Duterte ang buong pamahalaan sa paglalagay ng kanilang mga kaalyado sa…
Read MoreRAMDAM N’YO BA ANG PAGBABA NG INFLATION?
Ang sabi ng gobyerno, bumaba sa 2.7% ngayong Hunyo ang dating 3.2% na inflation noong Mayo. Ang inflation ay ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga produkto sa merkado. Ang tanong, ramdam ninyo ba ang sinasabi nilang pagbaba nito? Magandang balita sana kung totoong bumaba ang presyo ng bilihin. Pero sa realidad, hindi naman bumaba ang presyo ng pagkain at grocery items sa tindahan. Mahal pa rin ang presyo ng isda, karne, gulay, mantika, at iba pang pangangailangan sa bahay. Nagtataasan pa nga ang presyo ng gatas at kape.…
Read More