SOLON: CHINESE CRIMINALS SA PINAS KALUSIN NA

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG paigtingin na ang lahat ng ahensya ng gobyerno ang kanilang kampanya laban sa Chinese nationals na gumagawa ng krimen sa bansa. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep Eric Yap ang panawagan lalo na sa mga law enforcement agencies matapos masakote ang walong  Chinese national na pawang POGO workers at isang Filipino driver, sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA), matapos tangkaing kidnapin ang isa nilang kababayan. “Ito na yung sinasabi natin from the very beginning, may mga cases talaga na yung mga Chinese nationals, sila-sila mismo, involved sa…

Read More

EX-SENATOR TRILLANES KINASUHAN NG KIDNAPPING

trillanes

(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention  sa Department of Justice (DOJ)  si dating  senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal . Nabatid na ang  reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes,  Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang  Guillermina Lalic Barrido. Walang piyansa sa naturang kaso. Sa affidavit ni  Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo…

Read More

MOU NA PNP, AFP, BAWAL SA UP, PINAREREBYU SA SENADO

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO) IPINARE-REVIEW ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde kay Senator Ronald Bato Dela Rosa ang 1989 Department of National Defense (DND) at University of the Philippines(UP)  memorandum of understanding (MOU). Ilan lang sa nilalaman ng kasunduan ay hindi maaring makapasok sa lahat ng UP campus ang mga sundalo at mga pulis nang walang pahintulot mula sa UP Administration. Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde matapos ang mga reklamo ng mga magulang sa pagdinig sa Senado nitong Miyerkoles kung saan napariwara umano ang kanilang mga anak…

Read More

9 BIHAG WALANG PANG-RANSOM PINALAYA NG SAYYAF

abusayyaf

(NI JESSE KABEL) DAHIL walang makukuhang ransom, pinawalan ng mga hinihinalang bandidong Abu Sayyaf ang siyam na mangingisdang   Badjao na kanilang dinukot sa karagatang sakop ng Sabah, Malaysia noong Hunyo 18. Ito ang ulat na nakalap ng military at kapulisan nitong Sabado, kaugnay sa pagpapalaya  sa mga katutubong Badjao nitong Biyernes ng gabi sa isang lugar sa Talipao, Sulu . Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Talipao police chief P/ Maj. Napoleon Lango, natiyempuhan ng kanyang mga tauhan ang siyam na kalalakihan sa Baragay Kahawa Village kung saan hinihinalang inabandona ng ASG…

Read More

KALIGTASAN NG MGA TURISTA SA ZAMBO TINIYAK 

zamboanga city

(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGPIT na babantayan ng Police Regional Office 9 (PRO-9) ang lahat ng mga lokal at dayuhang turista na magtutungo sa kanilang rehiyon para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga ito. Siniguro ni P/BGen. Emmanuel Luis D Licup, Director ng PRO9 sa mga turistang darayo sa kanilang lugar  na ligtas ang mga tourist spots sa buong Zamboanga Peninsula para bisitahin. Katulong ang mga Local Government Units (LGUs) at Armed Forces of the Philippines ipinangako ng PRO9 na kaya nilang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga turista…

Read More

US TRAVEL ADVISORY KINUWESTYON NG DILG

travel advisory US12

(NI JESSE KABEL) KINUWESTYON ni Interior Secretary Eduardo Año kung paano napabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga high risk countries kung saan malaki ang peligro na madukot ang isang banyaga. Itinanong ni Sec. Año kung paanong napasama ang bansa sa listahan gayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng kasong kidnapping nitong mga nakaraang taon. Pahayag ng DILG, wala umanong kontretong basehan ang US Department of State sa pagsasama sa Pilipinas sa listahan ng mga high-risk countries sa kanilang inilabas na travel advisory bagamat kinikilala nila ang karapatan ng bawat bansa…

Read More