PAGSASARA NG MGA POGO ITINULAK SA KONGRESO; P20-B NAGLAHO SA TAX CHEATERS

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na isara na ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators at pauwiin na ang mga “tax-cheater” na ito sa kanilang bansa sa China. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mungkahi sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos lumabas na umaabot sa P50 Billion ang hindi nababayarang buwis ng mga POGO operator sa bansa noong nakaraang taon. “Shut down operations and send home all ‘tax-cheat’ Philippine Offshore Gaming Operators in…

Read More

EVAC CENTER BILL 9-TAONG TINULUGAN SA KONGRESO

kongreso12

NATENGGA ng siyam (9) na taon sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng evacuation centers sa buong bansa upang may matuluyan ang mga biktima ng kalamidad. Sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, unang ipinanukala ni Quezon Rep. Angelina Tan sa pamamagitan ng House Bill 3372 noong Nobyembre 25, 2013 para magtayo ang gobyerno ng mga evacuation center subalit hindi inaksyunan ng House committee on national defense and security. Ganito rin ang mga hiwalay na panukala nina dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, dating Gabriela party-list…

Read More

SOTTO: CHACHA PAG-UUSAPAN SA SENADO

chacha33

(NI NOEL ABUEL) “WALANG mangyayaring bastusan.” Ito ang siniguro ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isinusulong na Charter Change resolution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ng mga kongresista. Ayon kay Sotto, hindi mapipigilan ng Senado ang mga kongresista sa nais ng mga itong ConAss sa oras na ibigay ito ng Kamara. “Dadalhin nila sa amin eh, di pag-uusapan namin kung ano ‘yung dadalhin nila sa amin, dadalhin namin sa committee, pag-uusapan du’n. Ganu’n lang. Ibig sabihin hindi namin siguro naman babastusin ‘yun or sasabihin ‘pag dinala dito ‘ayaw…

Read More

BUDGET NG OFW DEPARTMENT APRUB NA

OFWs-12

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T hindi pa naitatatag ang Department of Overseas Filipino Workers, inaprubhan na ang pondo ng nasabing departamento na isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatatag. Sa pagdinig ng House appropriation committee, may inisyal  na P3 Billion ang nasabing departamento na tatawaging ‘Department of Filipinos Overseas’ dahil hindi lamang ang mga manggagawang Filipino sa ibang bansa  ang sasakupin nito kundi lahat ng Pinoy na nakatira sa iba’t ibang panig ng mundo. Base sa inaprubahan ng nasabing komite, sa unang taon ng nasabing departamento lalo na kapag naitatag na ito…

Read More

NATIONAL BUDGET RATIPIKADO NA

(NI BERNARD TAGUINOD) NIRATIPIKAHAN na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion at nakatakda umano umano itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na 10 araw. Sa pamamagitan ng  viva voce voting , idineklarang panalo ang ayes (yes) kontra nyes (no) at ihinahahanda na kopya ng 2020 General Appropriations Bill (GAB) upang maipadala na sa Office of the President para mapirmahan na ng Pangulo. Unang inaprubahan at pinirmahan ng mga contingent ng Kamara at Senado  sa Bicameral conference ang…

Read More

TAKE-OVER NG VILLAR SA WATER SERVICE SA METRO TINUTULAN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) TINUTULAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa kumpanya ng mga Villar ang water service sa Metro Manila na hawak ngayon ng Manila Water at Maynilad dahil tiyak na lalong mapipiga umano ang mga consumers. “Nationalization of water services ang solusyon dito, hindi transfer of control to his crony, not Villarization,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itake-over ng mga Villar ang water service sa Metro Manila. Ang PrimeWater Infrastructure Corp., ay pag-aari ng kumpanya ng…

Read More

MANILA WATER, MAYNILAD TABLADO SA KAMARA

maynilad1

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI maglalaan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso  ng kahit isang sentimo para pambayad sa Manila Water at Maynilad. Ito ang tiniyak ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kasunod ng ipinanalong kaso ng dalawang water concessionaires sa Singapore Arbitration Tribunal na kailangan silang bayaran ng halos  P11 Billion dahil hindi sila pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magtaas ng singil mula noong 2015 hanggang 2017. “Congress has the power of the purse. Not a single centavo of public funds will go to Manila Water and Maynilad…

Read More

SUPORTA SA KAMARA SA 4-DAY WORK WEEK MAS LUMAKAS

4-DAY WORK WEEK

(NI ABBY MENDOZA) MAS lumakas pa ang panawagan sa Kamara sa pagpapatupad ng 4-day work week. Naghain ng magkahiwalay na resolusyon at panukala sina Cavite Rep. Elpidio Barzaga at  CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera kung saan humingi ito ng suporta sa mga kapwa mambabatas na maiprayoridad ang pagtalakay dito dahil na rin sa maganda itong solusyon sa nararansang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko. Sa resolusyong inihain ni Barzaga ay hinihiling nito sa pribado at pampublikong sektor na ipatupad ang ‘4-day work week’ bilang experimental basis.…

Read More

CHILD MARRIAGE SA PINAS IPAGBABAWAL NA

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL parami nang parami ang mga batang nag-aasawa nang maaga, ipinanukala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad. Sa House Bill (HB) 3899 o Girls Not Brides Act of 2019 na iniakda ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, sinabi nito na kailangan na ang batas para ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad. Ginawa ng mambabatas ang panukala matapos maalarma sa report ng UNICEF noong 2017 na ang mga 15% sa mga batang Filipina ang nag-aasawa…

Read More