CJ PERALTA SA SC APRUB SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) MASAYA ang House of Representatives sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema, kay Associate Justice Diosdado Peralta. Para kay House Majority Leader Martin Romualdez deserving sa pwesto si Peralta na tiyak na magiging champion ng good governance at magsisilbing tagapagdala ng liwanag upang palaging mangibabaw ang Saligang Batas. Naniniwala ito na lalong magkakaroon  ng intellectual leadership sa SC sa liderato ni Peralta. Sinabi naman ni Deputy Speaker Mikee Romero, tulad ng nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin isa ring bihasa sa…

Read More

NAG-EENROL NG NURSING KAUNTI NA LANG

(NI BERNARD TAGUINOD) PAKAUNTI nang pakaunti ang nag-aaral ng kursong nursing dahil sa kaliitan ng sahod ng mga ito, hindi lamang sa private hospital kundi sa mga pampublikong pagamutan sa bansa. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaya hindi lamang umano ang mga nurse sa mga gobyerno ang dapat tulungan kundi ang mga nasa pribadong pagamutan. “Marami hong kawawa pa sa private sector, kasi sa private sector meron pa ho diyan P9,000 ang mga salaries,” ani Defensor kaya dapat umanong tulungan ang mga ito ng Kongreso. Sa…

Read More

HOUSING PROGRAM SA TEACHERS ISINUSULONG

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAPADADALI na ang pagkakaroon ng  sariling bahay ng mga public school teachers kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol dito. Sa House Bill (HB) 3112 o Special Housing for Teachers Act na iniakda ni Manila Rep. John Marvin ‘Yul Servo’ Nieto, nais nito na mapadali ang pagkakaroon ng sariling bahay ng mga public school teacher na hindi pinahihirapan sa pagbabayad. “This bill aims to provide our teachers with accessible and affordable special housing program. It proposes to provide an easy financing scheme to…

Read More

PAGREPASO SA K-12 PROGRAM IKINAGALAK NG DEPED

deped65

(NI KEVIN COLLANTES) NAGING malugod ang pagtanggap ng Department of Education (DepEd) sa plano ng House of Representatives na repasuhin ang pagiging epektibo ng K to 12 Basic Education Program. Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na umaasa itong magiging maganda ang kalalabasan ng pagrepaso sa K to 12 program at resulta sa panibagong commitment at inisyatiba sa pagitan ng mga mambabatas, advocates at iba pang stakeholders, na makatutulong para makamit ang layunin ng programa. Nauna rito, inianunsiyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Linggo na napagkasunduan ng mababang…

Read More

PROMOSYON NG PULIS IDADAAN NA SA CA 

pnp1

(NI BERNARD TAGUINOD) UMAANI ng suporta sa Mabababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na idaan na sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang  promosyon ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga mambabatas sa Kamara na walang masama kung isasalang muna sa kumpirmasyon ng CA ang promosyon ng mga pulis mula ranggong colonel pataas. Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, sa katunayan ay may kapangyarihan ang CA sa promosyon ng mga pulis subalit tanging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) lamang…

Read More

INTEL FUNDS NG AFP KINUWESTIYON SA KAMARA 

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) KINUKUWESTIYON na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang intelligence funds ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng suicide bombing sa Indanan, Sulu noong Linggo. Nais ni Deputy Speaker Johnny Pimentel na malaman kung paano ginagamit ang intelligence funds sa gitna ng katotohanan na tinatarget ngayon ng ‘Islamic extremist’ ang Pilipinas. “We have to face the fact that Islamic militants have chosen our country as one of their targets and that is why we hold the military responsible for these tragic events,” ani Pimentel. Noong Linggo,…

Read More

PANELO SA TANGKANG LAYA NI SANCHEZ, SISILIPIN

(NI BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ni Bayan Muna party-list Rep.Ferdinand Gaite na imbestigahan din si Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos mabunyag na inendorso nito sa Executive clemency ang kanyang dating kliyente na si Antonio Sanchez. Ginawa ni Gaite ang pahayag matapos mabunyag sa Senado ang endorsement letter ni Panelo sa Bureau of Parole para sa pagkalooban ng Executive clemency ang dating mayor ng Calauan, Laguna na sinentensyahan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo dahil sa paggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmento at Alan Gomez. “His referral letter might be taken as an intervention…

Read More

KAHIT MARAMING KONTRA; KONSTRUKSIYON NG KALIWA DAM TULOY

kaliwa dam33

(NI ABBY MENDOZA) ITUTULOY  na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kontruksyon ng Kaliwa Dam project, sa kabila ng isyu sa displacement ng mga Indigenous People at problema sa bidding. Sa briefing ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni MWSS Administrator Emmanuel Salamat na kanila nang sisimulan ang konstruksyon ng Kaliwa Dam o ang New Centennial Water Supply Project sa oras na makuha na nito ang environmental compliance certificate mula sa Department of Natural Resources. “We will implement this project as approved by our board of…

Read More

INSURANCE SA MAGSASAKA, MANGINGISDA SINUSULONG

farmers12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng insurance ang mga magsasaka at mangingisda sa sandaling maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa lahat ng mga manggagawa, ang mga ito lamang ang walang maasahan pagtanda nila. Sa House Bill 3601 o Agricultural Pension Fund Act” na iniakda ni AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, panahon na aniya para magkaroon ng insurance ang lahat ng magsasaka at mangingisda. Ayon sa mambabatas, ang average age ng mga magsasaka ngayon sa bansa ay 57 anyos at palapit na sila sa…

Read More