(NI JG TUMBADO) AABOT sa 8,400 mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pakikilusin para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa inaasahang kaliwa’t-kanang kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa. Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, ipupwesto ang nasabing mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng protesta ng mga militanteng grupo. Bagama’t may mga pagbabantay sa mga rally, tiniyak ni Eleazar na matututukan pa rin ang ibang anti-criminality operations sa Metro Manila. Sa ngayon ay wala pa umano silang natatanggap na direktang banta sa seguridad…
Read More