(NI ABBY MENDOZA) IIMBITAHAN ng House Committee on Dangerous Drugs si Vice President at ICAD Co-Chair Leni Robredo upang mailatag nito sa Kamara ang mga programa sa drug campaign ng administrasyon. Ayon kay Cavite Rep. at Dangerous Drugs Committee Vice Chair Elpidio Barzaga, makatutulong sa drug war kung malalaman nila ang mga programang nais isulong ni Robredo, sa ganitong paraan umano ay united ang lahat ng ahensya. “To address the drug problem, there must be a united, concerted and well planned action to be taken not only by the executive but…
Read MoreTag: leni
LENI BAGONG DRUG CZAR
(NI ABBY MENDOZA) TINANGGAP na ni Vice President Leni Robredo ang alok na posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Sa isang press conference, inianunsyo ni Robredo na tinatanggap na niya ang posisyon at handa siyang makipagtulungan sa administrasyon sa laban kontra illegal drugs. “Ang sinasabi ng prinsipyo at puso ko ay dapat ko itong subukan. Kung ito ang pagkakataon para matigil ang patayan ng mga inosente at mapanagot ang kailangang managot, papasanin ko ito. Kaya tinatanggap ko ang trabaho na ibinibigay sa…
Read MoreLENI ITINALAGA NANG CO-CHAIR NG KOMITE VS ILLEGAL DRUGS
ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs si Leni Robredo. “I am pleased to transmit herewith your designation letter, signed by President Rodrigo Duterte, as co-chairperson of the inter-agency committee on anti-illegal drugs,” ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa memorandum, na isinapubliko ngayong Martes. Gayunman, tahimik pa ang kampo ni Robredo kung tatanggapin ang alok sa bagong posisyon. Maaalalang sinabi ni Duterte sa isang talumpati na gusto niyang bigyan si Robredo ng anim na buwan ng law enforcement powers. Ang hakbang ng Pangulo…
Read MoreSOLON KAY LENI: HAMON MAGING DRUG CZAR TANGGAPIN
(NI NOEL ABUEL) HINAMON ng isang mambabatas si Leni Robredo na tanggapin ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar. “Hinahamon ko si Vice President Leni Robredo. Tanggapin niyo po. Subukan niyo po. Malay mo kayanin mo ng 6 months. Tingnan natin, ngayon makikita mo ang trabaho ng isang Presidente,” ayon kay Senador Christopher Lawrence Go. Giit nito, wala itong nakikitang problema kung seseryosohin ni Robredo ang pagiging pinuno ng drug war lalo na at may nakikita itong ibang paraan para masolusyunan ang problema sa droga sa bansa.…
Read MoreSENADO HATI SA PAGBIGAY NG LAW ENFORCEMENT POWERS KAY LENI
(NI DANG SAMSON-GARCIA) HATI ang mga senador sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Leni Robredo na pangunahan ang kampanya kontra droga at resolbahin ito sa loob ng anim na buwan . Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kung seryoso ang Pangulo sa kanyang panukala, mas makabubuting italaga si Robredo bilang chairperson ng Dangerous Drugs Board at concurrent Philippine Drug Enforcement Agency director general. Sinabi naman ni Senador Koko Pimentel na hindi maaaring ibigay ng Pangulo ang kanyang law enforcement powers maliban na lamang sa kanyang mga alter…
Read MoreCAYETANO KAY LENI: PLANO SA DRUG WAR, ILATAG
(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Leni Robredo na ilatag nito ang kanyang plano kung paaano susugpuin ang giyera kontra ilegal na droga sa bansa. Ginawa ni Cayetano ang hamon matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang isuko ang kanyang law enforcement authority kay Robredo sa loob ng 6 na buwan para pamunuan ng Bise Presidente ang war on drugs. Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng pagbatikos ni Robredo sa war on drugs ni Duterte dahil malala pa rin umano ang problema…
Read MoreLENI SUPALPAL KAY CAYETANO SA WAR ON DRUGS
(NI BERNARD TAGUINOD) SINUPALPAL ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo sa pagsasabi nito na bigo ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya dapat na umano itong itigil. “I really hope that iba yung pagkasabi ng ating Bise Presidente at iba kung ano ibig niya sabihin. Because the way it came out was that para bang dapat walang war on drugs, di ba?,” ani Cayetano. Sinabi ng House leader na kung talagang bigo ang war on drug, hindi lalabas sa survey na 80% ang…
Read MoreLENI SADSAD SA SWS SURVEY
(NI ABBY MENDOZA) BUMABA sa +28 mula sa +42 ang net satisfaction rating ni Leni Robredo habang nakakuha naman ng “very good” si Senate President Vicente Sotto lll, batay sa inilabas na survey nitong Hunyo ng Social Weather Station(SWS). Ayon sa SWS mula good ay moderate na lamang ang score ni Robredo at ang pagbaba umano ng net satisfaction ni Robredo ay halos sa buong bansa maliban lamang sa Metro Manila. “The 14-point decline in the overall net satisfaction rating of Vice President Robredo was due to decreases of 21…
Read MoreDND: OPLAN SODOMA VS DUTERTE HUWAG AGAD PANIWALAAN
(NI JESSE KABEL) INIHAYAG ng Department of National Defense na huwag basta-basta maniniwala sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’, dahil sa sirang kredibilidad nito. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hayaan siyang patunayan ang kanyang mga sinasabi higit ang ibinunyag na Oplan Sodoma kung saan binabalak patalsikin sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte at iluklok si Leni Robredo. Sa press conference ng PNP nitong Huwebes, sinabi ‘Bikoy’ na gusto ni Trillanes umupo bilang Presidente si Robredo bago dumating ang Hunyo 30 para italaga siya na bise-presidente.…
Read More