(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng malaking dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa unang araw ng 2020. Sa ipinalabas na advisory ng Petron Corporation, dakong alas- 12:01 ng hatinggabi nitong Enero 1, epektibo ang itinaas na P7.55 sa presyo ng kada kilo ng kanyang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P83.03 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito. Bukod pa sa lpg, nagtaas din ang Petron sa kanilang Auto Xtend LPG sa P4.25,na kada litro na karaniwang ay ginagamit…
Read MoreTag: LPG
DEPEKTIBONG LPG AALISIN SA MERKADO
(NI NOEL ABUEL) DAHILsa kabi-kabilang sunog na sanhi ng mga depektibong liquified petroleum gas (LPG) na ibinebentang ilegal sa mga pamilihan, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng isang National Policy at Regulatory Framework para sa lokal na industriya. Inihain ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang Senate Bill No. 1188 o An Act Providing for the National Energy Policy and Regulatory Framework for the Philippine LPG Industry. Layunin ng batas na palakasin at i-streamline ang mga batas at regulasyon na nakasasakop sa lokal na industriya ng…
Read MoreLPG MAY DAGDAG-PRESYO BUKAS
(NI ROSE PULGAR) BUKAS, (Disyembre 1), ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa. Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75 na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo mamayang alas- 12:01 ng hatinggabi (Disyembre 1). Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi. Aasahan naman ang pagsunod ng…
Read MoreLPG SA BUTANE CANISTER DELIKADO — DOE
(NI ROSE PULGAR) NANAWAGAN ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) sa mga negosyante na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pag-recycle ng mga ‘single-use butane canister’ na iligal na sinasalinan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) dahil sa panganib sa publiko. Ang panawagan ng DOE ito ay bunsod ng pagkakasakote kamakailan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo at Iloilo Provincial Police Office (IPPO) sa dalawang tao sa isang checkpoint at masabat ang kontrabando nila na 1,055 butane canisters na nilamanan ng LPG. Sinampahan ang mga suspect ng kasong paglabag sa…
Read MoreDAGDAG-PRESYO SA LPG HINDI MAKATUWIRAN – SEN. MARCOS
(Ni NOEL ABUEL) Pinaiimbestigahan ni Senador Imee Marcos sa Department of Energy (DOE) ang malalaking kumpanya ng langis kung ano ang naging batayan ng mga ito sa ginawang napakalaking dagdag presyo ng LPG. Tahasang binatikos ni Marcos ang mga kumpanya na nagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos na itaas nito ang kanilang presyo at magbunga ng napakataas na halaga ng LPG sa mga pamilihan o merkado. Sinabi ng senador na halos aabot sa P55 ang dagdag-presyo ng bawat 11 kilong tangke ng LPG matapos na ideklara ang P5 taas presyo…
Read MoreTAAS-PRESYO SA OIL PRODUCTS; ROLLBACK SA LPG
(NI ROSE PULGAR) SA pangatlong pagkakataon, muli na naman nagpatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga (Hulyo 2). Pinangunahan ng kumpanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Seaoil, Petron Corporation at Petro Gazz ang pagpapatupad ng dagdag-presyo na P1.20 kada litro ng gasolina, P1.00 kada litro sa kerosene habang P0.95 naman kada litro sa diesel na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis…
Read MoreSINGIL SA KURYENTE TATAAS
(NI MAC CABREROS) TIYAK na maghihigpit ng sinturon ang publiko sa susunod na mga araw. Ito ay dahil sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, hindi mapipigilan na galawin ng power industry players ang kanilang rates bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente bunsod na rin ng mababang produksyon ng mga planta. Hindi pa mataya ng mga distribution utilities kung magkano ang kanilang ipapatong sa kanilang rates. Nauna nang ginalaw ng Manila…
Read MoreBAWAS PRESYO SA LPG NGAYONG DISYEMBRE
Magandang balita para sa bawat pamilyang Filipino ang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na mababawasan ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre. Ang tanya ay nasa P5 kada kilo ng LPG o P55 ang ibabawas mula sa kasalukuyang presyo. Sa kasalukuyan, pumapalo sa higit P600 hanggang mahigit P800 ang halaga ng LPG (depende sa tatak nito), ayon sa DOE. Hindi kalakihan ang P55, ngunit malaking bagay na ito para sa mga ordinaryong tao. Nakatutu-long na ito sa kanila, lalo pa’t ngayong Disyembre ay inaasahan nang walang tigil…
Read More