SINGIL SA KURYENTE TATAAS

meralco12

(NI MAC CABREROS) TIYAK na maghihigpit ng sinturon ang publiko sa susunod na mga araw. Ito ay dahil sa nakaambang  pagtaas ng singil sa kuryente. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, hindi mapipigilan na galawin ng power industry players ang kanilang rates bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente bunsod na rin ng mababang produksyon ng mga planta. Hindi pa mataya ng mga distribution utilities kung magkano ang kanilang ipapatong sa kanilang rates. Nauna nang ginalaw ng Manila…

Read More

LUZON GRID NASA YELLOW ALERT

powerplant12

INILAGAY ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert ngayong Biyernes. Sa advisory, sinabi ng NGC na ang Luzon grid ay nasa yellow alert mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Ang available capacity umano ay nasa 11,544 megawatts, habang ang peak demand ay nasa 10,632 megawatts, ayon pa sa NGCP. “Details on the cause to be announced by the Department of Energy (DOE) later in the day,” ayon pa sa advisory. Nauna nang itinaas sa yellow at red alerts ang Luzon grid…

Read More

ELECTRIC COOPS PUMALAG SA NARANASANG BROWNOUT

brownout12

(NI MAC CABREROS) HINDI dapat sisihin ang mga electric cooperatives sa nararanasang rotational brownout sa bansa lalo na sa Luzon. Sa mensaheng ipinadala sa Saksi Ngayon, inihayag ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA), na wala silang kasalanan sa nangyayaring brownout dahil wala umano silang kontrol sa sitwasyon. “We would like to clarify that respective electric cooperatives have no control or liability on the situation,” pahayag ng PHILRECA. Itinuro ng grupo ang ‘sisi’ sa National Grid Corporation of the Philippines dahil sila ang direktang may hawak sa supply ng kuryente.…

Read More

DoE SA POWER PLANT OPERATORS: MAGPALIWANAG KAYO!

luzon grid12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na pagnipis ng power supply at paglalagay sa red at yellow alert sa mga power plant ay pinagpapaliwanag na ng Department of Energy (DoE) ang mga operators ng planta ng kuryente sa Luzon. Ayon kay Wimpy Fuentebella, tagapagsalita ng DoE, binigyan na nila ng show cause order ang Sual Unit 1 sa Pangasinan; SLPGC Unit 2 at SLTEC Unit 1 sa Batangas; at Pagbilao Unit 3 sa Quezon matapos mabatid na nagkaroon ng ‘unplanned shutdown’ sa mga ito. Kasama rin dito ang Calaca Unit…

Read More

PAGPALYA NG 6 NA POWER PLANTS, SINADYA?

powerplant12

(NI MAC CABREROS) AALAMIN  ng Electric Power Industry Management Bureau at Philippine Competition Commission kung sinadya o hindi ang biglang pagpalya ng mga planta ng mga power producers. Kasabay ito ng pananatiling nasa red alert ang supply ng kuryente sa Luzon Grid, inihayag ng Department of Energy, Biyernes ng umaga. Ayon kay Mr. Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau, inaasahang hihigpit ang produksyon dahil sa pagpalya ng anim na power plant. “Hindi lang po talaga natin inaasahan na magkaroon ng unplanned na pagpalya ng mga planta,” pahayag Marasigan.…

Read More

SINGIL NG MERALCO POSIBLENG TUMAAS

meralco8

Ni FRANCIS SORIANO DAHIL sa pagnipis ng supply ng kuryente sa epekto ng El Niño, nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) na posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil nagkakaroon ng pressure sa spot market tuwing numinipis ang supply nito. Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, muling isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid na nagdulot ng pagnipis sa electric supply ng rehiyon mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 Martes ng umaga. Mararanasan din umano ito ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon. Gayunman, nauna…

Read More

SUPPLY NG KURYENTE SA LUZON KINAKAPOS

luzongrid12

(NI JEDI PIA REYES) DALAWANG araw na magkasunod mula ng pumasok ang buwan ang Abril nang makaranas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon. Ito’y makaraang muling itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes. Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert bunsod na rin ng hindi planadong shutdown ng ilang power plants. Lunes ng alas-10 hanggang alas-11 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-una hanggang alas-4 ng hapon. Ayon kay Department…

Read More

‘PAGNIPIS NG SUPPLY NG KURYENTE, AGAPAN’

luzongrid12

(NI MAC CABREROS) HINILING ng isang infrastructure-oriented think tank sa administrasyong Duterte na agapan ang yellow alert o pagnipis sa supply at pagkawala ng kuryente sa Luzon grid. “President Rodrigo Duterte should not allow a double whammy of a supply crisis in Metro Manila: no water in our faucets, and no lights in our homes,” pahayag Terry Ridon, Infrawatch PH Convenor. Sinabi Ridon na kailangang gawin ng gobyerno ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang power crisis na naranasan noong2013. Sa parte ng Manila Electric Company na may pinakamalaking…

Read More

SUPPLY NG KURYENTE SA LUZON KINAKAPOS

luzongrid12

(NI JEDI PIA REYES) DALAWANG araw na magkasunod mula nang pumasok ang buwan ng Abril ay nakaranas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon. Ito’y makaraang muling itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes. Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert bunsod na rin ng hindi planadong shutdown ng ilang power plants. Lunes ng alas-10 hanggang alas-11 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-una hanggang alas-4 ng hapon. Ayon kay Department…

Read More