P4-B SA MARAWI FUND ‘DI PA NAGAGAMIT

marawi19

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T dalawang taon na ang nakararaan simula nang pondohan ang rehabilitasyon ng Marawi City na dinurog sa giyera sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga teroristang Abu Sayyaf Group at Maute Group, hindi pa nagagastos ang halos kalahati sa P10 billion Marawi rehabilitation funds. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on Marawi Rehabilitation and Reconstruction, nitong Lunes dahil sa kabiguan umano ng mga ahensya na magsumite ng mga proposal para maibangon ang siyudad kaya hindi pa nagagastos ang may P4.475 billion. “Almost half of…

Read More

MAYAYAMAN SA MARAWI PINATUTULONG SA REHAB

marawi12

(NI CHRISTIAN DALE) HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mayayayamang negosyante ang rehabilitasyon ng Marawi City na binomba at sinira ng giyera upang magtuluy-tuloy ang pagbangon ng siyudad. Naglaan ang pamahalaan ng P67.99 billion para sa Marawi rehab na nagsimula noong October 2018. Inamin din ni Duterte na hindi kaya ng gobyerno na ibalik ang dating Marawi City kaya’t hinimok niya ang mga may kayang mamamayan na makiisa sa pagbangon. Kaya nga, ipauubaya na niya ang tulong sa mga mayayamang negosyante sa Marawi City na gastusan ang rehabilitasyon ng lungsod…

Read More

OVERSIGHT FUNCTION SA MARAWI REHAB PINAKIKILOS

Inatasan na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gawin agad ng Kamara ang kanilang oversight function para sa Marawi rehabilitation. Ayon kay Arroyo, patapos na rin naman ang mga Legislative agenda ng Pangulo kaya may panahon nang gawin ng Mababang Kapulungan ang kanilang oversight functions. Partikular na pinagagawa ni Arroyo sa House Committee on Disaster Management ang kanilang oversight functions sa rehabilitasyon sa Marawi. May mga naririnig umano siyang reklamo mula sa international at domestic stakeholders na wala pang nangyayari hanggang ngayon sa Marawi. Pinuna rin ng Speaker ang mabagal…

Read More