CONCESSIONAIRE AGREEMENT WALANG EXTENSION 

maynilad1

(NI CHRISTIAN  DALE) TINIYAK ng Malakanyang na hanggang  taong 2022 na lamang ang concessionaires agreement sa pagitan ng pamahalaan at Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. Dapat sana ay tatagal nang hanggang taong 2037 ang concessionaires agreement subalit nauna  nang sinabi ng Pangulo na isusulong na makasuhan ng economic sabotage ang dalawang water concessionaires dahil umano sa hindi patas na kontrata ng mga ito sa gobyerno. Napag-alaman na nakuha ng dalawang water concessionaire ang ekstensyon ng kanilang kontrata na mula 2022 hanggang 2037. Kinumpirman naman ni MWSS deputy administrator Leonor Cleofas…

Read More

ONEROUS PROVISION SA WATER CONCESSION AGREEMENT BUBURAHIN

maynilad1

(NI BERNARD TAGUINOD) SA ayaw at sa gusto ng mga water concessionaires, kailangang mabura ang mga ‘onerous’ contract sa concession agreement upang hindi maagrabyado ang gobyerno at consumers. Ayon kay House committee on public accountability chair Mike Defensor, ng Anakalusugan party-list, sisimulan na nila na pagrerebyu sa concession agreement ng Manila Water at Maynilad sa gobyerno noong 1997. “Iche-check na namin ang mga onerous provisions,” ani Defensor ukol sa susunod nilang agenda sa pagdinig sa concession agreement sa Manila Water at Maynila. Sinabi ng mambabatas na 8 hanggang 12 ang…

Read More

SOTTO: HUWAG N’YONG TAKUTIN SI PRRD

titosotto

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINAYUHAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga water concessionaires na huwag tinatakot si Pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ito ng senador kasunod ng pagpapasaring ni Pangulong Duterte na i-take over ng militar ang pamamahala sa water utilities sa bansa makaraang magbanta ang water concessionaires ng posibleng 100% na increase sa kanilang singil kung tuluyan nang ibabasura ang kanilang kontrata para sa extension ng kanilang serbisyo. “Huwag n’yo tinatakot ang Presidente na ito. Sa lahat ng Presidente natin, wag tatakutin ang Presidenteng ito. The power of…

Read More

BRIBERY SA ‘ONEROUS CONTRACT” SA WATER CONCESSION AGREEMENT SISILIPIN

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINASISILIP ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung nagkaroon ng ‘bribery’ kaya na nauwi sa ‘onerous contract’ ang concession agreement sa pagitan ng gobyerno at mga water concessionaires. Ginawa ni Bagong Henerasyon (BH) party-list Rep. Bernadeth Herrera ang nasabing suhestiyon habang iniimbestigahan ng House committee on public accountability at good government ang water concession agreement sa Manila Water at Maynilad. “We want a meticulous audit of the MWSS water contracts. We want every name, every signature, every initial, every person who had any role in…

Read More

SOLONS: PAG-ATRAS NG WATER CONCESSIONAIRES SA P11-B TIYAKIN

maynilad1

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG  ayaw magpagulang ang mga kongresista kaya inoobliga ng mga ito ang mga water concessionaire na ilagay sa black & white na talagang isinusuko ng mga ito ang halos P11 billion na napanalunan sa Permanent Court of Arbitration (PCA) na nakabase sa Singapore. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on public accountability na pinamumunuan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at House committee on good government ni Bulacan Rep. Jose Sy-Alvarado, iginiit ng mga kongresista na kailangang magkaroon ng kasulatan na hindi na sisingilin kahit kailan…

Read More

MWSS UMAMIN NA ‘DI KAYANG PATAKBUHIN ANG WATER SERVICE

mwss55

(NI BERNARD TAGUINOD) INAMIN ng Metropolitan Waterways Sewerage System (MWSS) na  hindi nila kayang patakbuhin ang water service kapag tuluyan inatsapuwera ng gobyerno ang Manila Water at Maynilad sa industriya ng tubig. Kasabay nito, nitong Miyerkules lamang pormal na nalaman  ng Manila Water at Maynilad na kinansela na ng MWSS ang extension ng kanilang concession agreement. “The new board, based on the directive of the President and the Cabinet meeting, this was discussed, they are now revoking (ang concession agreement),” ani MWSS Deputy Administrator for Engineering Leonor Cleofas sa pagharap nito sa…

Read More

MAYNILAD, MANILA WATER, GIGISAHIN NI PACQUIAO 

(NI ESTONG REYES) GIGISAHIN ni Senador Manny Pacquiao ang Manila Water Inc., at Maynilad Water Services Inc., sa sinasabing “onerous concessioner contract” ng pamahalaan dahil lubha nang agrabyado ang consumer sa halaga at serbisyo ng tubig sa Kalakhang Maynila at karatig-bayan. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Pacquiao na kailangang imbestigahan ang kontrata ng pamahalaan sa dalawang water concessionaire  dahil karapatan ng Lehislatura na amyendahan, baguhin o bawiin ang anumang prangkisa o karapatan na ibinigay ng gobyerno kung kinakailangan. “With this, I file a senate resolutions “Calling for an investigation…

Read More

KASUNDUAN NG MAYNILAD, MANILA WATER HANGGANG 2037 HAHARANGIN

maynilad1

(NI NOEL ABUEL) NAGKAKAISA ang mga senador na isantabi ang pinasok na  concessionaire agreement ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water hanggang 2037. Ayon kina Senador Aquilino Pimentel, Senador Bong Go at Senador Francis Tolentino kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang kontrata sa nasabing dalawang water concessionaires dahil sa natuklasang kuwestiyunableng nilalaman ng kontrata. “Ang original lifetime ng contract ay 2022, sa gitna nu’n nag-agree na i-extend from 2022 to 2037. Pero para sa akin ‘yung agreement to extend ay hindi pa effective  kasi nga hindi pa naman nagi-expire. Sa akin…

Read More

CONCESSION AGREEMENT ‘WAG IBIGAY SA ‘CRONY’ — SOLON

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGBABALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gobyerno na huwag tangkaing ibigay sa isa pang oligarch ang serbisyo sa tubig sa Metro Manila dahil wala ring magbabago kapag nangyari ito. Bagama’t suportado ng Makabayan bloc ang pagkastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa water concessionaires lalo na ang Manila Water at Maynilad, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na hindi nila maiwasang mangamba na ipapasa lang ang negosyong ito sa mga crony ng administrasyon. Magugunita na nagbanta ang gobyerno na kakanselahin ang concession agreement sa…

Read More