(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng ilang senador na mananagot ang Manila Water at Maynilad Water Services at hahalukayin ang kontrata at accomplishment record ng mga ito kung nanamantala sa taumbayan. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan isinusulong nito ang imbestigasyon laban sa dalawang water concessionaires. Sa inihain nitong Senate Resolution 259, sinabi ni Marcos na kailangan busisiin ng Senado ang mga orihinal at pinalawig na concession agreement ng dalawang water companies upang malaman kung paano nalagay sa alanganin ang gobyerno at kung bakit hindi nila naisagawa ang kanilang…
Read MoreTag: maynilad
MAYNILAD, MANILA WATER PINAKAKASTIGO NA KAY DUTERTE
(NI BERNARD TAGUINOD) NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na kastiguhin na ang water concessionaires dahil bina-blackmail na umano ng mga ito ang mga consumers. Ginawa ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kasunod ng balak ng Manila Waters at Maynilad na magtaas ng 780% na singil sa tubig matapos patawan sila ng Korte Suprema ng multang tig-P921 Milllion dahil sa paglabag ng mga ito sa Clean Water Act. “We are urging the government and President Duterte to look into the concession agreement, have…
Read More780% DAGDAG SINGIL NG MAYNILAD, MANILA WATER, NAKAAMBA
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGYARI na ang kinatatakutan ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipapasa lang ng mga water concessionaires sa kanilang mga customers ang multang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act. Ayon kina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Neri Colmenares, nagbabalak ang Manila Water at Maynilad na magpatupad ng 780% increase sa singil sa tubig dahil sa multang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema. “They were the ones who violated the law yet they have the temerity to pass…
Read MoreMWSS, MAYNILAD, MANILA WATER, PINAGMUMULTA NG P2-B
INATASAN ng Supreme Court ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at dalawang water concessionaires na magmulta ng aabot sa P2 bilyon dahil sa hindi pagpapatupad ng Clean Water Act. Sa unanimous ruling, inatasan ng korte, sa pamamagitan ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, ang Maynilad at MWSS na magmulta ng P921,464,184 para sa May 7, 2009 hanggang sa araw ng promulgation. Ganitong halaga rin ang iniutos sa Manila Water kasama ang MWSS. Ang dalawang concessionaires ay inutusan na magbayad sa susunod na 15-araw mula sa paglabas ng desisyon,…
Read MoreHAMON NG CONSUMERS: KAYO ANG UMINOM NG TUBIG SA GRIPO
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG patunayan na ligtas inumin ang malabong tubig na mahinang tumutulo sa gripo, hinamon ng Gabriela ang mga opisyales ng Maynilad at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sila muna ang uminom dito. Ginawa ni Gabriela party-list group na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas ang hamon sa Maynilad at MWSS matapos sabihin umano ng mga ito na ligtas inumin ang tubig sa gitna ng reklamo ng mga consumers na malabo ang tumutulo sa kanilang gripo. “Perhaps Maynilad and MWSS should demonstrate their claim. Inumin nila ang…
Read MoreWATER INTERRUPTION MAS MAHABA NGAYON
(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY pa ring mararanasan ng publiko ang kakulangan sa suplay ng tubig dahil sa pinakabagong schedule ng water interruption na inilabas ng Maynilad Water Services. Tatagal ng mahigit pa sa 16 na oras na mawawalan ng tubig ang kanilang nasasakupan sa Metro Manila. Ayon sa Facebook post ng Maynilad Water Services Inc., nais nilang pagkasyahin ang distribusyon ng tubig sa lahat ng kanilang customer, kaya nagpatupad sila ng bagong rotational water interruption sa Hulyo 15. Sa Las Piñas, sa Brgy. Almanza Dos 12 a.m.- 7 p.m.,…
Read MoreKONTRATA NG WATER CONCESSIONAIRES PINASISILIP
(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang usisain ng pamahalaan ang pinasok na kontrata sa water concessionaires na Manila Water at Maynilad. Sinabi ito ni Senador Grace Poe sa gitna na rin ng nararanasang problema ng mga residente sa Metro Manila at karatig lalawigan sa supply ng tubig. “We need to scrutinize the government contracts with the water concessionaires. The fact that we have the private sectors doing this for us does not clear the MWSS from its responsibility as regulators,” ani Poe. Sinabi pa nito na panahon na ring pag-aralan at…
Read MoreROTATIONAL WATER INTERRUPTION IPATUTUPAD
(NI DAHLIA S. ANIN) NAG-ABISO na ang Maynilad at Manila Water sa kanilang mga kostumer na nagsisimula na sa Miyerkoles ang pagpapatupad ng water interruption dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam. Maaring mawalan ng tubig mula 8-16 na oras sa 70% ng kustomer ng Maynilad sa Kanlurang bahagi ng Metro Manila, ayon kay Assistant Vice President Jennifer Rufo. Maglalabas sila ng skedyul sa mga susunod na araw. Binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng mga water distributors ng 40 cubic meters per second…
Read MoreTUBIG KAPOS NA NAMAN; ANGAT DAM KRITIKAL
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang mga kostumer sa posibleng pagkakaroon muli ng water interruption dahil sa patuloy na pagsadsad ng water level sa Angat dam. Nasa 164.4 metro pa ang level ng tubig sa Angat dam noong Miyerkoles na maaari pang bumaba sa 160 metro sa susunod na 10araw na ayon sa mga water concessionaire ay nasa kritikal na level pa din. Patuloy naman na pinaghahandaan ng Maynilad at Manila Water ang patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa dam na maaaring…
Read More