800-K TAUHAN NG GOBYERNO, ITATALAGA SA MAY 13 ELECTIONS

halalan20

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT sa 800,000 mga kawani ng gobyerno at mga National Government Office (NGOs) ang itinalaga para mangalaga sa ikatatagumpay ng nalalapit na 2019 midterm elections sa Lunes. Sa isinagawang send-off ceremony, Martes ng umaga sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo, pinakamalaki rito ang bilang ng mga guro mula sa Department of Education (DepEd) na may kabuuang 500,000 para magsilbing mga Board of Election Inspectors (BEI). Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nasa 1,404 na mga pulis ang sinanay na handang pumalit bilang BEI sakaling may mga…

Read More

HIGIT 12-K PULIS IKAKALAT SA CALABARZON

pnpcomelec12

(NI CYRILL QUILO) CAMP Vicente Lim, Calamba City, Laguna – Umabot sa 12, 584 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang itinalaga sa iba’t ibang polling precincts sa Calabarzon region kasunod sa isinagawang send-off ceremony, Lunes ng umaga na pinangunahan nina Comelec 4A Regional Election Director Atty Gloria G. Ramos-Petalio, Commander Southern Luzon Command Lt Gen Gilbert Gapay, at PRO4A Regional Director Police Brig. Gen. Edward Carranza. Ang kabuuan na personnel ay mula sa  Regional Headquarters at limang Police Provincial Offices kasama na ang 511 personnel mula sa  Armed Forces…

Read More

TESTING, SEALING SA 85-K COUNTING MACHINE SIMULA NA

COMELEC12

(Ni FRANCIS SORIANO) PORMAL nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang Final Testing and Sealing (FTS) ng 85,000 piraso ng Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa midterm elections kung tama ba itong magbilang o hindi na tatagal ng ilang araw. Ayon kay Comelec spokesperon James Jimenez, layunin nitong matiyak na tama ang gagawing pagbibilang ng mga counting machine bago ang mismong halalan. Sa prosesong ito, magkakaroon ng simulation para sa pagbubukas ng VCM, pagsalang ng balota at pagtransmit ng data at kung magiging matagumpay ito ay saka lamang…

Read More

10 DAYS TO GO: HALOS LAHAT PASAWAY NA– COMELEC

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec)  na habang papalapit ang araw ng midterm elections ay parami nang parami ang mga kandidatong nagiging pasaway at halos lahat na sa kanila ay lumalabag sa mga alituntunin ng Comelec rules. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tila sinasadya na ng mga kandidato ang lumalabag sa kanilang mga panuntunan, lalo na sa paglalagay ng mga campaign posters sa mga hindi common posting area dahil nagiging agresibo na sila sa pangangampanya at pagpapakilala sa mga botante. Dahil dito, binabaklas na lamang ang…

Read More

‘UV MARKS’ BAHAGI NG SECURITY FEATURES — COMELEC

comelec vote12

(NI MINA DIAZ) NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na walang pre-shaded ballot o mga balotang namarkahan na bago pa ang araw ng halalan sa May 13. Sinabi ni Comelec Executive Director Jose Tolentino, hindi totoo ang kumakalat na video sa online na may mga balotang pre-shaded na, at aniya’y hindi opisyal na balota ang nakita sa naturang video. Aniya, bahagi lamang ng security features ng balota ang ultraviolet marks, ngunit hindi umano makikita sa mismong bilog na mamarkahan ng mga botante ang marka. Paliwanag ni Tolentino, sinubukan na nila…

Read More

HULING BATCH NG SOURCE CODES NG COMELEC IDINEPOSITO SA BSP

COMELEC-5

(NI MINA DIAZ) IDINEPOSITO ng Commission on Elections (Comelec) ang huling batch ng mga source code para sa Mayo 13 automated midterm elections, sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pag-iingat. Ang mga source code ay para sa muling pagtatatag ng imahe ng OS para sa consolidation and canvassing system na gagamitin sa bagong biniling mga laptop at printer, Smartmatic code para sa mga routers ng paghahatid, at DNS o domain name servers para sa mabilis na paghahatid ng mga resulta. Ang source codes, na inilagay sa mga indibidwal…

Read More

KANDIDATONG MANANAKOT SA HALALAN LAGOT KAY DU30

duterte212

(NI BETH JULIAN) PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga  kadidato para sa May 2019 elections. Sinabi ni Duterte na may kalayaan ang mga tao na mamili ng mga kandidatong sa tingin nila na mahusay at makatutulong sa kapakanan ng nakararami. Kandidato man ng administrasyon, oposisyon at independent political party, sinabi ng Pangulo na dapat lamang na makapamili ang mga botante ng kanilang iboboto. Ayon sa Pangulo, hindi uubra ang intimidation o pananakot upang mangibabaw ang diwa ng demokrasya. Kapag pinalitan ng karapatan ang sinuman na hindi sumang…

Read More

DE LIMA HUMILING NA MAKABOTO SA HALALAN

delima12

(NI ROSE PULGAR) DUMALO sa pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court si Senador Leila De Lima hinggil sa  dalawang kasong umano’y pagkakasangkot ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison kasabay ng kahilingan na makaboto ang senador sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Dakong alas -8:30 ng umaga nang dumating si De Lima sa Muntinlupa RTC, na todo-gwardyado ng mga pulis at sundalo. Naging mahigpit ang pagbabantay at maging ang camera ng mga mamahayag ay hinaharangan ng mga bantay. Sa pagdinig, hiniling ni De Lima na siya’y payagan…

Read More

80% NG BALOTA TAPOS NA – COMELEC

comelec16

(NI FRANCIS SORIANO) TINATAYANG nasa 80 percent o katumbas ng 49,569,097 ang natapos nang naimpreta ng National Printing Office (NPO) na sinimulan pa noong Huwebes para sa May 13 midterm elections. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, tiwala ang komisyon na mas maagang matatapos sa target nilang schedule ang pag-imprenta ng kabuuan 63,662,481 na mga balotang gagamitin sa eleksiyon. Dagdag pa nito na dalawang rehiyon na lamang ang kasalukuyang inililimbag kasama na ang National Capital Region (NCR) na inaasahan matatapos sa April 25. 161

Read More