(Ni FRANCIS SORIANO)
PORMAL nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang Final Testing and Sealing (FTS) ng 85,000 piraso ng Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa midterm elections kung tama ba itong magbilang o hindi na tatagal ng ilang araw.
Ayon kay Comelec spokesperon James Jimenez, layunin nitong matiyak na tama ang gagawing pagbibilang ng mga counting machine bago ang mismong halalan.
Sa prosesong ito, magkakaroon ng simulation para sa pagbubukas ng VCM, pagsalang ng balota at pagtransmit ng data at kung magiging matagumpay ito ay saka lamang seselyuhan bilang patunay na handa na ang makina.
Kung ito naman ay makikitaan ng problema o papalya ay muling sasailalim sa checkup at panibagong testing process, bago tuluyang mai-deploy muli ang VCM.
Samantala, dumating na rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang campaign pharapernalia ng Comelec na gagamitin sa darating na May 13 midterm election na bantay sarado ng mga kagawad ng pulisya.
151