(NI FRANCIS SORIANO)
TINATAYANG nasa 80 percent o katumbas ng 49,569,097 ang natapos nang naimpreta ng National Printing Office (NPO) na sinimulan pa noong Huwebes para sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, tiwala ang komisyon na mas maagang matatapos sa target nilang schedule ang pag-imprenta ng kabuuan 63,662,481 na mga balotang gagamitin sa eleksiyon.
Dagdag pa nito na dalawang rehiyon na lamang ang kasalukuyang inililimbag kasama na ang National Capital Region (NCR) na inaasahan matatapos sa April 25.
162