(NI BERNARD TAGUINOD) NAKADEPENDE kung sino ang magiging minority leader at kung gaano karami ang oposisyon sa 18th Congress ang kahihinatnan ng impeachment case na maaaring isampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin sa West Philippine Sea. Ito ang nabatid kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin dahil sa pahayag ni Duterte na pinapayagan nito ang mga Chinese na mangisda sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas na isa aniyang paglabag sa Saligang Batas o culpable violation of the constitution. Inayunan din ni Magdalo Rep. Gary Alejano na lalabagin ni Duterte…
Read MoreTag: minority
MINORYA SA SENADO: MANATILI SANA SA AMIN ANG KOMITE
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga senador sa mayorya na hayaan ang oposisyon na manatili sa kanilang chairmanship committees. Ayon kay Drilon, dapat na igalang ng mayorya ang oposisyon sa Senado kabilang na rito sina Senador Leila de Lima at Risa Hontiveros. Partikular na tinutukoy ni Drilon ang Senate Committee on Social Justice, Welfare at Rural Development na pinamumunuan ni De Lima. Gayundin ang Senate Committee on Women, Children, Family relations ang Gender Equality na hawak naman ni Hontiveros. Giit pa ni Drilon, ang…
Read More‘COMMON CANDIDATE’ SA SPEAKERSHIP HILING SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) DALAWANG buwan pa bago ang botohan sa kung sino ang magiging bagong House Speaker sa 18th Congress, inirerekomenda na ni Albay Rep. Edcel Lagman na magkaroon na ng ‘common candidate’ para sa Speakership ang nasa majority sa House of Representatives. Katwiran ni Lagman, sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay maituturing na mga President’s men, dapat umano na mamili na ng isa sa tatlong kongresista na kanilang ino-nominate bilang susunod na Speaker. Nababahala si Lagman na…
Read MoreLP UMALMA SA BIKOY VIDEO: WALA KAMING ALAM DYAN!
(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN ang Liberal Party (LP) na walang kinalaman ang mga ito sa lumabas na Bikoy video kasabay ng pagsabing gawa-gawa lamang ito ng ilang tao. Giit ni Senador Francis Pangilinan, presidente ng LP, gawa-gawa ng administrasyon ang mga paratang sa LP tulad ng pagdamay ng kasalukuyang pamahalaan sa usapin ng ouster plot para mapagtakpan ang mga kapalpakan at pangungurakot ng ilang opisyales ng pamahalaan. “Gawa-gawa lang ng administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa…
Read MoreLP NANGANGAMBANG MAITSAPUWERA SA MINORITY POST
(NI BERNARD TAGUINOD) TILA ngayon pa lamang ay nangagamba na ang Liberal Party (LP) na muling maitsapuwera sa minority bloc post sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress. Ito ang marahil na dahilan kaya ngayon pa lamang ay umaapela si Albay Rep. Edcel Lagman ng LP, sa mga miyembro ng 18th Congress na tiyaking maibigay ang minoriya sa mga maliit na grupo sa Kamara. Ginawa ni Lagman ang pahayag dahil pawang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag ng kanilang interes na tumakbo bilang House Speaker sa 18th Congress. Kabilang…
Read More