MLA WATER: ‘ONE TIME BILL WAIVER’ SA CONSUMERS SA MARSO

manila water12

LIBRE sa water bill ng mga apektadong consumers ng Manila Water. Sinabi ng Manila Water na hindi sisingilin para sa water consumption sa buong buwan ng Marso ang mga apektado ng kawalan ng supply ng tubig partikular sa East Zone. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Manila Water at CEO Ferdinand dela Cruz na magpapatupad sila ng “one-time bill waiver scheme” kasunod ng service interruptions na nakaapekto sa ilang lugar sa Metro Manila at probinsya ng Rizal kamakailan. Ayon kay Dela Cruz, magre-reflect ang bill waiver scheme na ito sa…

Read More

ANGAT DAM KRITIKAL NA SA ABRIL; 96% NG TUBIG INAASAHAN SA MM

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES) ASAHAN na umanong papalo sa kritikal na antas ang tubig sa Angat Dam sa katapusan ng Abril. Ayon kay PAGASA hydrologist Danny Flores, kung pagbabatayan ang araw-araw na pagbaba ng water level sa Angat Dam at walang dumarating na pag-ulan, patuloy na mababawasan ang tubig. “Kinukwenta natin, aabutin siya ng mga halos katapusan pa ng Abril. Bababa siya doon sa kanyang critical level,” ani Flores. Simula nang ideklara ang panahon ng tag-init, patuloy na bumubulusok ang water level ng Angat dam. nitong Linggo, umaabot na sa…

Read More

P1.4-M GIIT SA MANILA WATER PARA SA PERWISYO SA MGA OSPITAL

manila water12

HINDI pa man nakababangon ang Manila Water sa ngitngit ng consumers at sa hinihinging rebate, isa pang krisis ang kinakaharap nito matapos imungkahi ni Akbayan Rep. Tomasito Villarin na bayaran ang mga health centers sa perwisyong ginawa sa pagkawala ng supply ng tubig. Sinabi ni Villarin na dapat bayaran ng Manila Water ang gobyerno ng kahit P1.4 milyon dahil sa krisis na ginawa sa mga health centers mula Marso 8 hanggang 18. Inamin ng Manila Water, sa House hearing, na mula pa noong Marso 6 ay nakararanas na umano sila…

Read More

ULTIMATUM NG PANGULO SA MWSS: 15 ARAW; SIBAK O STAY

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

SA ABRIL 15, igagawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung sibak o mananatili sa kanilang posisyon ang mga opisyal ng ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasunod ng naranasang krisis sa suplay ng tubig noong nakaraang mga linggo. Pinagsusumite ng Pangulo ang lahat ng opisyal ng hanggang Abril 10 at matapos ang limang araw ay ilalabas ang desisyon sa mga ito. Dito ay malalaman ng publiko kung kapabayaan ang naganap na agarang pagkawala ng supply ng tubig o ang isinisising pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa…

Read More

MWSS, MANILA WATER, MAYNILAD OFFICIALS SINABON NI DU30

duterte angry12

(NI CHRISTIAN DALE) SINABON ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)at ipinamukha sa mga ito na hindi nila ginawa ang kanilang trabaho at ang pakialam lang ay ang kikitain nila mula sa mga tao. Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, nagmistulang presidential monologue ang meeting Martes ng gabi sa Malacanang. Umabot umano sa 40-minuto ang pulong kung saan sinita ng Pangulo ang kapalpakan ng  MWSS, Maynilad at Manila Water sa nangyaring water shortage sa maraming lugar sa Metro Manila. Sa katunayan ay hindi…

Read More

BAGONG DAM SOLUSYON SA WATER SHORTAGE – MWSS

mwss12

(NI ABBY MENDOZA) SINABI ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na isa sa kanilang nakikitang solusyon para matugunan ang kinakailangang supply ng tubig ay ang pagtatayo ng New Centennial Water Source na ang Phase 1 ay ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na  may kakayahan na magsupply ng 600 million liters ng tubig kada araw at ang Phase 2 ay pagtatayo ng Laiban/Kanan Dam na kayang magbigay ng 1800 million liters. Bukod pa rito ang target na rehabilitasyon ng Wawa Dam na kayang magbigay ng 500 million liters,…

Read More

INQUIRY SA WATER SHORTAGE GUGULONG NA SA KAMARA

water12

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY EDD CASTRO) SISIMULAN na ng House of Representatives sa Lunes, Marso 18, ang imbestigasyon sa ugat ng  nararanasang krisis sa tubig. Pangungunahan ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development chairman Alfredo Benitez ang gagawing joint hearing. Ayon kay Castelo, gagamitin ng Kamara ang oversight function nito para protektahan ang kapakanan at interes ng publiko. Ani Castelo tutukuyin sa gagawing House Inquiry  kung bakit may krisis, ano ang mga dapat gawin at hanggang kailan ito. Layon…

Read More

NDRRMC: MISMANAGEMENT SA MANILA WATER DAHILAN NG WATER SHORTAGE

angatdam12

NANINIWALA ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ‘mismanagement’ sa pamunuan ng Manila Water at hindi ang kakulangan ng supply ng tubig ang dahilan ng nararanasan ngayong water shortage sa malaking bahagi ng Metro Manila. Sinabi ni NDRRMC executive director USec. Ricardo Jalad, na may maling pamamalakad dahilan sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig. Magkakaroon ng pulong sa pagitan ng Manila Waterworks and Sewerage System, Manila Water at Maynilad upang malutas ang nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa east zone. Sinabi ni Jalad na tumaas ang…

Read More

MANILA WATER KUMITA NG P6.5-B; SERBISYO PALPAK PA RIN

manila12

(NI BERNARD TAGUINOD) KINUKUYOG na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Manila Waters dahil sa puwerhuwisyong inabot ng kanilang mga customers matapos biglang nawala ang kanilang water supply mula pa noong Marso 8. Ang Makabayan bloc sa Kamara ay naghain na resolusyon para imbestigahan ang Manila Waters dahil lumalabas na palpak ang kanilang serbisyo gayung bilyong-bilyong piso umano ang kinita ng mga ito noong nakaraang taon. Nabatid sa grupo na nagtala ng P6.5 bilyon net income ang Manila Water noong 2018 subalit hindi nagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin…

Read More