PAHIRAPAN sa pagbili ng face mask ang publiko kahapon kasunod ng makapal na abong ibinuga ng Bulkang Taal. Bukod sa nagkaubusan umano, pumalo rin ang presyo ng face mask mula sa dating P90 ay naging P200 partikular ang N95 na sinasabing naaangkop gamitin sa sitwasyon. Bunsod ng mga reklamo, nagpakalat ng team ang Department of Trade and Industry (DTI) para bantayan ang presyuhan ng face mask sa merkado. Sa abiso ng DTI, nakatangap sila ng sumbong na biglang nagmahal ang presyo ng N95 masks at gas masks sa mga tindahan.…
Read More