BAGAMAN malaki ang naging epekto ng pag-alburuto ng Bulkang Taal sa Bureau of Customs (BoC), tiniyak ng mga opisyal ng Port of Ninoy Aquino International Airport na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang koleksyon para sa taong 2020. Kaya naman sa kanilang pagpupulong, naging slogan ng BOC-NAIA ang “Start Strong Port of NAIA.” Upang maging maayos ang palakad sa nasabing tanggapan, pinangunahan ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang orientasyon ng mga bagong personnel kabilang ang tatlong abogado at 47 security guards kung saan tinalakay at binigyang diin…
Read MoreTag: NAIA
FLIGHT SA NAIA SINUSPINDE MUNA
SINUSPINDE na pansamantala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga biyahe ng eroplano sa NAIA dulot ng kumakapal na ashfall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal. Samantala, umakyat na sa libong residente ang inilikas malapit sa nag-aalburutong bulkan. Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), agad tumalima ang mga residente na nasa danger zone nang abisuhan sila para lumikas. DAVE MEDINA 312
Read MoreKARNE, PRUTAS NASABAT SA NAIA-BOC
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 21.2 kilos ng karne galing sa tatlong bansa, na kinabibilangan ng China, Malaysia at Vietnam. Nakuha sa mga pasahero ang mga chicken feet sa loob ng kanilang mga bagahe na nadiskubreng walang mga import pernit. Bukod sa mga karne na-intercept din ang 8.2 kilos ng prutas at mga gulay na sinasabing galing sa bansang China . Agad naman ilinipat ang mga naturang confiscated items sa Bureau of Animal…
Read MoreP141-M SHABU NASABAT SA NAIA
MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City. Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel. Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na…
Read MorePANAWAGANG IBALIK SA MIA ANG NAIA LUMALAWAK
(NI KIKO CUETO) LUMOBO ang panawagan para ibalik ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa orihinal nitong pangalan na Manila International Airport. Sa online petition na sinimulan noong Enero 18 na BringBack MIA, ay may target na 7,500 na pirma. Sa ngayon ay mayroon ng itong 6,000 pirma. Naka-address ang nasabing petisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa “Members of Congress.” Nais nitong ipawalang bisa ang Republic Act 6639 na naisabatas noong November 27, 1987 na nagpalit sa MIA sa pangalan nitong NAIA. “(The change of name) was done well…
Read MoreNAIA SARADO HANGGANG MAMAYANG ALAS-11 NG GABI
(NI FROILAN MORALLOS) PANSAMANTALANG ipinasara ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa pakikipatulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong Tisoy. Nagsimula ang closure ng NAIA mula 11:00 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi ng Disyembre 3. Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal apektado ang tinatayang aabot sa 480 international at domestic flight . Kaugnay nito, pinapayuhan ni GM Monreal ang mga pasahero na huwag muna magpunta sa airport habang sarado pa ang paliparan. Ang naging hakbang…
Read MorePAYO SA OFWs: ‘WAG MAG-UWI NG MEAT PRODUCTS
(NI ABBY MENDOZA) NGAYONG malapit na ang Kapakuhan kung saan maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inaasahang uuwi ng bansa, umapela ang Departmet of Agriculrure (DA) na iwasan nang mag-uwi ng meat products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF). Ayon ay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, mas mahigpit na monitoring ang kanilang gagawin sa mga airport para tiyakin na walang makalulusot na mga meat products dahil posibleng kumpiskahin lamang ito pagbaba nila ng eroplano. “Huwag na silang magbitbit. Makukumpiska lang sa mga airport at seaport, especially if…
Read MoreBI FULL ALERT SA UNDAS
(NI FROILAN MORALLOS) INALERTO ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang lugar sa bansa bilang antisipasyon sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan na uuwi sa kani-kanilang mga probensiya sa Undas . Ito, ayon kay Commisssioner Jaime Morente, ay upang mabantayan ang kilos ng mga masasamang element na nago-operate sa mga paliparan, at isabay ang kanilang mga biktima sa karamihan ng pasahero na aalis palabas ng bansa. Partikular na ang maaring gagawin ng international…
Read MoreLIBU-LIBONG PASAHERONG PA-HONGKONG STRANDED SA NAIA
(NI FROILAN MORALLOS) LIBU-LIBONG pasahero papuntang Hongkong ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport [NAIA] terminals 2 and 3 makaraang magkansela ang Cebu Pacific (CEB) at Philippine Airlines [PAL] ng kanilang mga flights Manila-Hong Kong – Manila flights dahil sa kaguluhan sa Hong Kong, nitong Lunes. Ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta-Lagamon nagkansela sila sa kanilang flight patungong Hongkong matapos mag-advice ang Hong Kong Airport Authority na maapektuhan ang kanilang mga flight dahil pansamantalang pagsara ng airport sa Hongkong Dagdag pa ni Lagamaon na maaring tumagal ang pagka-delay sa kanilang…
Read More