(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bagong modus o style ng smuggling ng sindikato, hindi smuggling ng illegal drugs o endangered species kundi smuggling ng pera galing sa ibang bansa. Nabatid mula kay BOC-NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang naturang foreign currencies ng kanyang mga tauhan pagdaan sa x-ray machines na aabot sa $12, 000 (tig $100 dollar bills) katumbas ng kalahating milyong piso. Sa nakalap na impormasyon, ang naturang foreign currences ay ipinadala via air cargo…
Read MoreTag: NAIA
8 FLIGHTS KINANSELA NG NAIA SA SAMA NG PANAHON
MANILA — WALONG domestic flights ang kinasela ngayong Linggo dahil sa masamang panahon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA). Kabilang sa kanseladong flights ang: CEBU PACIFIC 5J 771 Manila-Pagadian-Manila 5J 772 Manila-Pagadian-Manila 5J 781 Manila-Ozamiz-Manila 5J 782 Manila-Ozamiz-Manila SKYJET M8 511 Manila-Camiguin-Manila M8 512 Manila-Camiguin-Manila M8 713 Manila-Busuanga-Manila M8 714 Manila-Busuanga-Manila 160
Read MoreILANG FLIGHTS KANSELADO KAY ‘FALCON’
(NI MAC CABREROS) KANSELADO ang ilang flights at klase dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Falcon at pinatindi nitong Habagat ngayong Miyerkoles. Sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), maraming stranded sa mga paliparan dahil sa pagkansela ng flights ng Cebu Pacific, CEBGo at Skyjet. Kabilang sa apektado ang mga pasahero ng CebuPac flights 5J 321 at 5J 322 Legazpi-Manila-Legazpi, 5J 901/ 5J 902 Caticlan-Manila-Caticlan, 5J 506/ 5J 507 Tuguegarao-Manila; J196/197 Manila-Cauayan-Manila, 5J504/505 Manila-Tuguegarao- Manila. Cebgo flights DG 6057 at DG 6058 Busuanga-Manila-Busuanga; Skyjet flights M8 711 at M8 712 Busuanga-Manila-Busuanga, M8816/817 Manila-Basco-Manila. Sinuspinde…
Read MoreNAIA TINANGHAL BILANG ‘7TH FASTEST ASIA PACIFIC AIRPORT TO EXIT’
Tinanghal ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang ‘7th Fastest Asia Pacific Airport to Exit’ kung ikukumpara sa ibang bansa. Ito’y batay sa inilabas na survey ng Blacklane, isang global chauffeur at airport concierge service noong nakaraang Miyerkoles. Lumitaw sa nasabing survey, na wala pang isang oras ay nakalalabas na ang mga biyahero sa nasabing paliparan matapos na makuha nila ang kanilang mga bagahe, at sumailalim sa pagsusuri ng Customs at Immigration kasama na ang paglalakad hanggang sa sakayan. Ayon sa Berlin-based company, ang mga pasahero ay kinakailangan lamang ng…
Read MorePAGLUWAG NG OPERASYON SA NAIA ASAHAN
(NI MAC CABREROS) INAASAHANG luluwag at magiging maganda na ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na mga araw. Ito ay matapos plantsahin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kasama ang mga airline companies, ang mga hakbanging itataguyod para mapaluwag ang NAIA tungo sa kapakanan ng publiko. Nitong Miyerkoles ay pinirmahan nina DOTr Secretary Arthur Tugade, DoT Secretary Bernadette Romulo, CAAP Director General Jim Sydiongco, MIAA Executive Director Ed Monreal, CAB Executive Director Carmelo Arcilla, at mga kinatawan ng Philippine Air Lines, Cebu Air at AirAsia, ang…
Read MoreCHINESE NATIONAL BALIK-HK SA MONEY LAUNDERING
(NI ROSE PULGAR) PINABALIK ng Bureau of Immigration ng Ninoy Aquion International Airport (NAIA), sa bansang Hongkong ang isang Chinese national na may nakabimbing kasong may kinalaman sa economic crimes. Nitong Lunes ay naaresto ng mga awtoridad ang suspect na si Wu Chuqui, 42, matapos itong hindi pinayagan na makapasok sa bansa nang ito ay maharap sa NAIA Terminal 3, Lunes ng umaga. Ayon kay BI-Interpol Chief Atty. Rommel Tacorda, si Wu ay wanted sa money laundering dahil sa pagkakasangkot sa illegal business operation, at may nakabimbin na warrant of…
Read MoreINDON NASAKOTE SA P8.7-M COCAINE SA NAIA
(NI FROILAN MORALLOS/PHOTO BY JACOB REYES) NASAKOTE ng pinagsanib na mga tauhan ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine Drug Enforcement Agecy (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang Indonesian national makaraang madiskubre sa kanyang bagahe ang 1.6 kilong cocaine noong Miyerkoles ng gabi. Hindi na nagawang itanggi ni Agus Burhan, 62, ang mga nasamsam na cocaine na nagkakahalaga ng P8.7 milyon nang mahuli siyang dinadampot ang kanyang bagahe sa baggage carousel ng terminal 3. Napag-alaman mula kay Philippine Drug Enforcement Agency…
Read MoreBALASAHAN SA NAIA MALABO
(NI BETH JULIAN) TALIWAS sa naunang ulat, walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng balasahan o rigodon sa mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ang ginawang paglilinaw ni Duterte sa kabila ng nauna nang pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nagsabing nagparamdam umano ang Pangulo na magkakaroon ng rigodon sa NAIA sa ginanap na Cabinet meeting nitong Lunes ng gabi. Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na sinisikap pa niyang hanapan ng solusyon o tugunan ang mga problemang kinakaharap sa NAIA. “Wala. I…
Read MoreSANGLEY AIRPORT PINABUBUKSAN NI DU30 SA NOVEMBER
(NI BETH JULIAN) NAGPAHIWATIG na ng pagkainip si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite City upang mabawasan ang problemang kinakaharap ng NAIA airport. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na batay sa original plan ng Department of Transportation, sa December pa sana bubuksan ang operasyon ng Sangley Airport pero dahil gusto na ng Pangulo na gawin na ito sa November. Layon ng hakbang na mabawasan ang air traffic congestion sa NAIA na nagiging dahilan ng pagka antala ng mga flights. Una…
Read More