(NI MAC CABREROS) SINEGUNDAHAN ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘ibasura’ ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata sa Smartmatic. Ayon sa Namfrel, pag-aari ng dayuhang kompanya ang Smartmatic kaya’t dapat walang papel sa halalan sa Pilipinas. “The conduct of Philippine elections, automated or not, should be left at the hands of Filipinos,” diin statement ng Namfrel. Sinang-ayunan ng grupo ang hakbang ng Punong Ehekutibo dahil nagbigay-daan ito para mabisita at maamyendahan ang Republic Act 9369 o Automated Election Law upang…
Read MoreTag: NAMFREL
PPCRV, LENTE, KAPALIT NG NAMFREL SA HALALAN
(NI HARVEY PEREZ) IPINALIT ng Commission on Elections (Comelec) sa National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel), ang dalawang poll watch bilang citizen’s arm sa midterm elections sa Lunes, Mayo 13. Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Legal Network for Truthful Elections (Lente), ang napili nilang papalit sa Namfrel upang manguna sa idaraos na random manual audit (RMA). Ito ang tugon ni Guanzon matapos na tanungin ng isang netizen sa kanyang Twitter account kung sino ang makahahalili…
Read MoreNO NAMFREL? NO PROBLEM — COMELEC SPOX
(NI HARVEY PEREZ) SA kabila nang pagtanggi ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa idaraos nilang random manual audit (RMA) sa local elections sa Mayo13. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez wala naman problema kahit pa tinanggihan ng Namfrel ang tungkulin bilang citizen’s arm nila sa nalalapit na halalan. Ipinaliwanag ni Jimenez na ang Namfrel ay isa lamang sa 10 grupo na bumubuo ng koalisyon para sa RMA, kaya matutuloy ang proseso kahit wala ang Namfrel. “Hindi tutumba yung proseso…
Read MoreCOMELEC ‘DI IBOBOYKOT NG NAMFREL
(NI MINA DIAZ) INIHAYAG ng National Movement for Free Election (NAMFREL) na hindi nila iboboykot ang Commission on Elections ( Comelec). Ayon kay Namfrel chair Augusto “Gus” Lagman, bagaman hindi sila binigyan ng Comelec ng full accreditation, mananatili ang kanilang responsibilidad sa bayan sa darating na midterm elections. Una nang ibinasura ng Namfrel ang Comelec accreditation para sa data access. Samantala, nagbabala naman si Mata sa Balota spokesperson Dr. Michael Aragon laban sa mga naglabasang mga ulat na umano’y magkakaroon ng anarkiya o civil war dahil sa posibleng pagkakaron ng…
Read MoreNAMFREL TINANGGIHAN SA ‘ACCESS’: KALITUHAN INIIWASAN – POLL BODY
(NI HARVEY PEREZ) AYAW lamang umano ng Commission on Elections (Comelec) na malito ang publiko kung kaya hindi nila binigyan ng access sa key election data ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ito ang naging reaksiyon ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang pagkalas ng Namfrel bilang accredited watchdog ng Comelec sa halalan. Bukod dito, sinabi ni Jimenez na wala sa posisyon ang nasabing usapin dahil maging sila ay walang access sa sinasabing key election data. Una nang sinabi ni…
Read MoreNAMFREL: MIDTERM ELECTIONS LALANGAWIN
(NI HARVEY PEREZ) NANINIWALA ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na maliit lamang ang voter turnout sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ayon kay Namfrel Secretary-General Eric Alvia, ito ay dahil mas interesado umano ang mamamayan sa Presidential elections sa Mayo 2022. “Mas mababa ang nakikitang turnout kasi nakikita ng iba na midterm elections lang ito. Parang [they] will ride through this wave, hindi na makikialam… Hindi nila nari-realize na mahalaga ang elections na ito,” ayon kay Alvia. Nabatid na noong 2016 presidential polls lumalabas na…
Read MoreCOMELEC NAGHAHANAP NG KAPALIT NG NAMFREL SA ELEKSIYON
NAGHAHANAP ngayon ang Commission on Elections ng bagong katuwang para sa random manual audit (RMA), siyam na araw bago ang midterm elections. Ito ay matapos tanggihan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang akreditasyon ng Comelec bilang citizen arm. Sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia na ang desisyon ng pag-atras ng Namfrel ay ikinagulat ng poll body dahil aktibo umanong dumadalo sa kanilang pulong ang Namfrel mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon. Gayunman, sinabi nito na kaya naman ng Comelec ang gawain ng Namfrel ngunit mas makabubuti…
Read More