(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na posibleng maantala ang approval ng 2020 National Budget kung ipipilit ng Kamara ang mga nais nilang isingit na mga amendments na umaabot sa P100 bilyon. Sinabi ni Lacson na sa panig ng Senado, nais nilang matapos agad ang approval ng budget at hindi na ito maantala upang magamit on time. “Kami committed na hindi ma-delay. Ang problema makakapag-delay nito pag insist nila en toto ang P100B. Matatagalan kami sa bicameral conference committee pag-insist nila yan,” saad ni Lacson. Ipinaaalala ni…
Read MoreTag: NATIONAL BUDGET
NATIONAL BUDGET, LAGPAS SA P4.1-T
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IBINULGAR ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na lagpas sa sinasabing P4.1 trilyon ang national budget para sa 2020. “While every literature states that P4.1 trillion is the national budget for 2020, in reality, it is not,” saad ni Recto. Sinabi ni Recto na ang tunay na halaga ng proposed 2020 national budget ay P4.316.3 trillion o mas mataas ng P216.3 billion na mas mataas sa sinasabi ng Malacanang. Ipinaliwanag ng senador na ang naturang halaga ay nakalaan sa Unprogrammed Appropriations (UA). Bagama’t nakadepende pa rin…
Read MoreP20-B ‘MALABO’ SA NATIONAL BUDGET BUBUSISIIN NI PING
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MATAPOS ibunyag na wala siyang nakitang pork insertion sa proposed 2020 national budget, inihayag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nasa P20 bilyon ang hindi malinaw sa detalye ng paggugugulan nito. Sinabi ni Lacson na nagmula pa sa National Expenditure Program (NEP) ang kwestyonableng alokasyon at hindi ginalaw sa inaprubahang bersyon ng Kamara. Isa sa inihalimbawa ni Lacson ay ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa repair ng Kennon Road na hindi nakalagay kung saang bahagi ng kalsada. “That’s more or less…
Read MoreNATIONAL BUDGET TINATAPOS NA SA BICAM COMMITTEE
(NI BERNARD TAGUINOD) HALOS tapos na sa Bicameral conference committee ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kaugnay ng sitwasyon ng national budget sa bicam kung saan pinaplantsa ng mga kinatawan ng Kamara at Senado ang magkaibang bersyon ng dalawang Kapulungan. “Sabi ni Senator (Sonny) Angara, 90 o 95 percent reconciled ng House at Senate,” ani Cayetano kung saan umaasa ito na ang natitirang 5 hanggang 10 porysento ay mairereconcile sa muling paghaharap ng mga ito sa Miyerkoles. Unang…
Read More2020 NAT’L BUDGET, MAAGANG MAIPAPASA SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi na mauulit ang delay sa pag-apruba ng 2019 national budget. Sinabi ni Sotto na tiyak na bago matapos ang Disyembre ay aprubado na ang panukalang P4.1 trillion proposed 2020 national budget. “I think pinakamatagal na siguro, first week of December nagba-bicam na, pinakamatagal na yun kung ready na nga sila i-submit sa amin by Monday, baka by November ready na kami for 3rd and final reading,” pahayag ni Sotto. Ito ay makaraang maaprubahan na sa Kamara sa…
Read MorePAGLOBO NG 2020 BUDGET PARA SA DU30 PROJECTS –SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) MALAKI ang kinalaman ng Build-Build-Build program ng Duterte administration sa paglobo ng 2020 national budget na nakatakdang ibigay ng Malacanang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na mga araw. Ito ang nabatid kay House deputy speaker Johnny Pimentel kung saan ginarantiya ang mabilis na pagpapatibay sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.2 trillion. Mas mataas ito ng mahigit kumulang sa P500 Billion kumpara sa P3.757 Trillion na pondo ng national government ngayong 2019. “Yes, the significant increase is warranted considering that the administration will continue…
Read MorePUBLIKO ISASAMA SA PAGBUSISI NG NATIONAL BUDGET
(NI NOEL ABUEL) NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na malaki ang maitutulong ng taumbayan kung maisasama ito sa paghubog ng pambansang gastusin ng pamahalaan taun-taon. Ayon kay Lacson, mas mahirapang makalusot ang tangkang pagpapakasasa sa kaban ng bayan ng mga mambabatas. Aniya, kung isasali ang publiko sa pagsusuri ng mga miyembro ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paghubog ng pambansang gastusin ng pamahalaan taun-taon ay mapipigilang maabuso at magamit sa anomalya. Sa inihaing Senate Bill 24, ni Lacson, papayagan ang publiko na makapanood nang personal at makasali sa talakayan ng…
Read MoreP100-B SA P3-T NAT’L BUDGET, ‘DI PRAYORIDAD — PALASYO
(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T tapos nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget, halos nasa P100 bilyon naman mula sa kabuuang P3.757 trilyon halaga ng pondo ang kanyang nai- veto. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang ginawang pag veto ng Pangulo sa P95.3 bilyon na bahagi ng 2019 national budget ay itinuring na lihis sa Saligang Batas. Sinabi ni Panelo na idinahilan ng Pangulo na hindi naman prayoridad ng pamahalaan ang mga proyektong nakapaloob sa P95.3 bilyon sa national budget kaya hindi nito hinayaang makalusot ang karagdang…
Read MoreP500 ANNUAL MEDICAL ALLOWANCE NG MGA GURO ‘DI PA MAIBIGAY
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 Trillion budget ngayong taon, kabado pa rin ang mga guro na hindi maibibigay sa mga ito ang dagdag na benipisyong nakapaloob sa pambansang pondo kasama na ang napakaliit na P500 annual medical allowance at P1,000 World Teachers’ Bonus. Ayon sa grupo ng ACT Teachers party-list na kinakatawan nina Reps. Antonio Tinio at France Castro, hindi dapat ilagay sa tinatawag na “conditional implementation” ang mga benipsyong ito ng mga guro dahilan karapatan nila ito. Ginawa ng nasabing grupo ang…
Read More