LAGLAGAN NA!

diokno

(BERNARD TAGUINOD) INILALAGLAG na ng kanyang mga tauhan sa Department of Budget and Management (DBM) si Secretary Benjamin Diokno hinggil sa anomalya, hindi lamang sa 2019 national budget kundi simula pa sa pondo noong 2017. Isiniwalat ito ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makakuha umano ng impormasyon sa loob ng DBM hinggil sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa Sorsogon. Ayon kay Andaya, mismong taga-DBM ang nagkumpirma na November 2017 pa lamang ay nai-bid na ang mga proyekto sa Sorsogon para sa taong 2018 gayung tinatrabaho pa lamang ng Kongreso…

Read More

NATIONAL BUDGET LUMUSOT NA

Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang 2019 national budget na 3.757 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kon-greso, isang araw matapos pagdudahan ng Senado ang mabagal na pag-apruba ng mga Congressman sa nasabing pondo. Sa botong, 196 pabor at 8 tutol,  tuluyan  nang lumusot ang national budget na pinaghihinalaan ni Sen. Panfilo Lacson na sinisingitan ng pork barrel kaya nade-delay ang pagpapatibay dito ng Kamara. Sa press conference ni House majority leader Rolando Andaya Jr., bago pagtibayin ang national budget, inamin nito na isa sa mga dahilan kung bakit…

Read More