(NI NOEL ABUEL) IPINAIIMBENTARYO ng isang senador ang calamity fund ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMC) upang malaman kung may sapat pang pondo para magamit sa darating pang kalamidad sa bansa. Paliwanag ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, kailangang kumilos ng Senado at magsagawa ng post-earthquake assessment upang malaman kung sapat pa ang calamity fund ngayong taon at sa susunod na taon. Layon umano nito na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng paglindol sa Southern Mindanao. “We should conduct an inventory of funds. There may still be money left…
Read MoreTag: NDRRMC
1,700 PAMILYA APEKTADO NG BAGYONG HANNA, HABAGAT
(NI AMIHAN SABILLO) PUMALO na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng 69,000 indibidwal mula sa 3 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Hanna at hanging habagat, sakop ang Region 1, Region 3 at MIMAROPA. Sa inilabas na ulat ng NDRRMC, karamihan sa mga pamilyang apektado ay lumikas na sa matataas na lugar habang mahigit 100 na pamilya o katumbas ng mahigit 400 indibidwal naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers. Aabot sa mahigit 400 mga lugar ang binaha dulot ng masamang panahon. Maliban sa Region 1,…
Read MoreNDRRMC ITINANGGING ‘SOURCE’ NG 8.1 LINDOL ADVISORY
(NI NICK ECHEVARRIA) HINDI dapat paniwalaan ang mga kumakalat na mga text messages at sa social media ‘news’ kaugnay sa parating na magnitude 8.1 na lindol sa bansa. Ito ang binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ang paliwanag na hindi sa kanila nanggaling ang ipinadadalang mga advisory. Ayon sa ahensya tanging ang “NDRRMC” account lamang ang kanilang ginagamit at hindi ang alin mang mobile numbers. Hinihikayat din ng NDRRMC ang publiko na huwag maniwala sa mga kahinahinalang text messages at iwasang mag-like, mag-share o mag-forward…
Read MoreHIGIT SA P800-M NA PINSALA NG EL NINO SA AGRIKULTURA
(NI JG TUMBADO) NASA halos isang bilyong piso na ang pinsala sa agrikultura bunsod ng panahon ng tagtuyot o ang El Nino phenomemon sa bansa. Sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa inisyal na pagtataya na P464 Million, ngayon ay pumalo na sa mahigit P864 Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng matinding tagtuyot. Apektado ng naturang kalamidad ang MIMAROPA region at region 12. Sa MIMAROPA, mahigit P158 Million ang pinsala sa mga pananim na karamihan ay mga palay at mais,…
Read MoreCLOUD SEEDING UMPISA NA SA SABADO
(NI JG TUMBADO) NAKATAKDA nang isagawa sa Sabado ang cloud-seeding operations sa ilang probinsiya sa Region 11 at 13 na apektado ng matinding tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagsasagawa ng cloud-seeding operations ay inirekomenda sa nabanggit na rehiyon. Sa datos ng NDRRMC, nakapagpalabas na ng P18.3 million na pondo sa mga regional office ng Department of Agriculture (DA) para maisagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Air Force. Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, ginagawa ng gobyerno…
Read MoreNDRRMC, OCD TUTULONG KONTRA TIGDAS
(NI BETH JULIAN) TUTULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas. Ayon kay NDRRMC spokesman Director Edgar Posadas, makikibahagi na rin ang kanilang mga tauhan sa information dissemination kaugnay ng immunization program ng pamahalaan. Inatasan na rin ang lahat ng kanilang regional offices na magplano kaugnay ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nilinaw ni Posadas na ang Department of Health (DOH) pa rin ang mangunguna sa pagbibigay ng bakuna laban sa tigdas. “Hindi…
Read More22 NA PATAY KAY ‘USMAN’
UMAABOT na sa 22 katao ang iniulat na namatay sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng bagyong ‘Usman’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Nasa 16 katao ang patay sa Bicol at anim naman sa Eastern Visayas, ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas. Samantala, pito katao ang inulat na nasawi na inu-ugnay sa pananalasa ng pinakahuling tropical depression na pumasok sa Pilipinas bagong sumapit ang bagong taon. Kasalukuyan ngayong beneberipika ng NDRRMC kung Bagyong ‘Usman’ ang dahilan ng pagkasawi ng pitong katao sa ibat ibang lugar…
Read More