(VT ROMANO) BINALEWALA ni Nesthy Petecio ang pro-Russian crowd para talunin ang hometown bet na si Liudmila Vorontsove at ibulsa ang gold medal sa AIBA World Women’s Championships, Linggo sa UIan-Ude, Russia. Nagtala si Petecio ng split decision win (3-2) sa kanilang featherweight class encounter at maging ikalawang Filipino athlete na naging world champion sa magkasunod na araw. Narito ang iskor ng mga huradong pumabor kay Petecio: Australia (30-27), Korea (30-27), at Ireland (29-28). Habang ang Japan (30-27) at Argentina (29-28) naman ang pumabor sa Russian boxer. “Nesthy deserved the…
Read More