IBINANDERA ng Korte Suprema ang listahan ng mga unibersidad na magsisilbing testing centers para sa 2026 Shariah Special Bar Examinations.
Ayon sa Supreme Court, ito ay ang mga sumusunod: New Era University School of Management Building sa Quezon City; Mindanao State University-Iligan Institute of Technology sa Iligan City; Ateneo de Davao University Senior High School Campus sa Davao City; at Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga del Sur.
Simula naman ngayon, Abril 15, maaari nang makita at ma-access ng mga kukuha ng pagsusulit ang kanilang Local Testing Centers sa pamamagitan ng BARISTA accounts.
Sinabi pa ng Kataas-taasang Hukuman, pinal na ang testing venue assignments at hindi na pahihintulutan ang anomang request para magpalipat.
Itinakda naman ang 2026 Shariah Special Bar Exams sa darating na Mayo 24 at Mayo 27, 2026.
(JULIET PACOT)
90 