DEADLINE NG ITR EXTENDED HANGGANG MAYO 15

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng deadline ng paghahain ng 2025 annual income tax return (ITR) mula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2026.

Ayon sa Pangulo, layunin ng extension na mabigyan ng sapat na panahon ang mga taxpayer upang maayos na makapaghain ng kanilang ITR at makumpleto ang mga kinakailangang dokumento nang walang penalty o surcharge.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Marcos na malaking ginhawa ang dagdag na isang buwan, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Ginawa natin ito para mas magaan ang pagbabayad ng bawat Pilipino… tuloy-tuloy ang ating ginagawa para maibsan ang bigat sa araw-araw na buhay ng ating mga kababayan,” aniya.

Maaaring maghain at magbayad ang mga taxpayer sa pamamagitan ng electronic platforms ng Bureau of Internal Revenue (BIR) o sa mga authorized agent banks.

(CHRISTIAN DALE)

90

Related posts

Leave a Comment