(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Win Gatchalian na busisiin ang Nuclear Energy Program Implementing Organization (NEPIO) ng Department of Energy (DOE), kasama na ang rekomendasyon na pumasok ang bansa sa nuclear power program. Sa gitna ito ng paghimok ni Gatchalian sa DOE na maging transparent sa kanilang nuclear program agenda. Sa kanyang Senate Resolution 162, iginiit ng chair ng Senate Committee on Energy na dapat magkaroon ng komprehensibo, transparent na public discussion sa national nuclear program kasabay ng pagkunsidera sa social, economic, environmental, at technical effects at requirements ng programa. Ipinaliwanag ng senador sa kanyang resolusyon na ang nuclear program…
Read More