OFW MAGKAKAROON NA NG OSPITAL

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng sariling pagamutan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging ang kanilang mga pamilya matapos aprubahan sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala. Walang tumutol nang isalang sa botohan ang House Bill 168 o “Overseas Filipino Workers Hospital Act” sa House committee on ways and means na magtatakda  ng pondo sa nasabing pagamutan. Base sa nasabing panukala, magtatayo ang gobyerno ng ospital para sa mga OFWs at kanilang mga dependents na tututok sa kanilang mga medikal na pangangailangan. Ayon kay House committee…

Read More

BI: WALANG BUKAS NA TRABAHO SA LIBYA

libya21

(NI ROSE PULGAR) MAHIGPIT na paalala kahapon  ng Bureau of Immigration sa mga Pinoy na huwag tanggapin ang alok ng mga illegal recruiters na trabaho sa UAE, partikular sa magulong bansa tulad ng Libya. Ang panawagan ng immigration ay kasunod na rin ng pagkakaharang sa apat na Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagpanggap bilang turista at papasok sa Abu Dhabi sa UAE bago tutuloy ng Libya para magtrabaho. Ayon kay BI-NAIA Port Operation Division chief Grifton Medina double ang kanilang ipinatutupad na paghihigpit sa paliparan…

Read More

OFWs BIKTIMA NG LINDOL, AAYUDAHAN NG OWWA

(NI ROSE PULGAR) MAKATATANGGAP ng tulong pinansyal ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na naapektuhan ng lindol mula sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ayon sa OWWA, ang ibibigay na tulong pinansyal ay bunsod ng napagkasuduan ng board para mapabilis at  maipang-ayuda sa mga kababayang OFWs na napinsala ang mga ari-arian dulot ng lindol. Ang financial assistance ng OWWA ay makukuha ng mga aktibong miyembro nito. Panawagan ng ahensya  na agad makipag- ugnayan  ang OWWA members  na OFW sa pinakamalapit na tanggapan o sangay ng OWWA. Sinabi…

Read More

64 DISTRESSED OFW SA RIYADH, BALIK-PINAS

(NI ROSE PULGAR) NASA 64 na distressed overseas Filipino workers (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia ang uuwi ng Pilipinas ngayon araw. Kabilang dito ay ang isang Pinay worker na nakaranas ng pang-aabuso sa kanyang amo, tulad ng pananakit at hindi  binibigyan ng maayos na pagkain. Kung saan ay isang beses lamang itong pinapakain  at 21 oras itong pinagtratrabaho ng kanyang employer. Mula noong Agosto 22 ng taong kasalukuyan, base sa record ng Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Riyadh, nasa 398 distressed OFWs na ang napauwi sa Pilipinas. Sagot ng POLO at Overseas…

Read More

MARAWI SURVIVOR, 3 PANG OFW NA MINALTRATO, INAYUDAHAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) APAT na Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang survivor ng Marawi siege na nakaranas ng pangmamaltrato sa ibayong dagat ang pinagkalooban ng livelihood assistance ni Senador Cynthia Villar. Bukod as financial assistance sa ilalim ng programa ni Villar para sa mga napapauwing OFWs na biktima ng pangmamaltrato, nagbigay ang senador ng start up kit para sa sari-sari store. “With this assistance, we hope to be able to help our kababayan to start anew as they recover from the physical and emotional abuse their employers inflicted on them…

Read More

3 OFWs SUGATAN SA BUMAGSAK NA TULAY SA TAIWAN

(NI JESSE KABEL) TATLONG Filipino overseas workers ang napabilang sa mahigit 10 katao na nasaktan nang mag-collapse ang  isang tulay sa Taiwan. Ayon sa ulat na nakalap ng labor department mula sa  Manila Economic and Cultural Office (MECO) nitong Martes,  tatlong Pinoy ang nasugatan matapos bumagsak ang  tulay sa isang pantalan  sa Northern Taiwan. Kasalukuyang inaaalam ng POEA at OWWA ang pagkakakilanlan ng mga nasaktang Pinoy sa insidente . Ayon sa Central News Agency ng Taiwan, may siyam katao ang nahulog sa tubig at pito ang na-rescue. Sinasabing may mga fishing boat…

Read More

HOUSING BANK IPINATATAYO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagtatatag ng Housing Bank of the Philippines para sa lahat ng financial assistance sa housing sector. Sa pagdinig ng Senate Committee on Housing and Urban Planning, sinabi ni Tolentino na layon ng Housing Bank of the Philippines na maiayos ang pagbibigay ng ayuda sa mga gustong mag-avail ng housing program. “Pangarap ng bawat tao na magkaroon ng tahanan na masisilungan lalo na tuwing panahon ng kalamidad, tulungan natin sila na makamit ang pangarap na ito,” saad ni Tolentino. Lumitaw sa…

Read More

HIGIT 7-K OFWs HIV PATIENTS BAGO MATAPOS ANG 2019

hiv12

(NI BERNARD TAGUINOD) LALAGPAS na sa 7,000 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tinamaan ng wala pang lunas na sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) bago matapos ang taon. Ito ang nabatid sa grupong ACT-OFW Coalition and Organization matapos umabot sa 444 OFWs ang naidagdag sa listahan ng mga nagkaroon ng HIV mula Enero hanggang Mayo 2019. Mas mataas ito ng 21% sa 369 na biktima na nairekord sa kaparehong panahon noong 2018 bagay na labis na ikinababahala ng grupo dahil indikasyon nito na patuloy na dumarami…

Read More

HIWALAY NA SSS SA MGA OFWs IMINUNGKAHI

sss16

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng hiwalay na social security ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kapag naipasa ang panukalang batas na ihiwalay ang mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa sa mga Social Security System (SSS). Sa ilalim ng House Bill (BH) 150 o “Overseas Filipino Workers Retirement System Act of 2019” na inakda ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, nais nito na magkaroon ng hiwalay na social security ang mga OFWs. “At present, the Social Security System program for OFWS officer limited pension benefits which matures only at the…

Read More