CAMSUR VICE MAYOR KINASUHAN SA RENTA NG HEAVY EQUIPMENT

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) IDINIDIIN ngayon ng Office of the Ombudsman ang bise alkalde sa Camarines Sur makaraang pumasok umano sa kasunduan sa pagpapa-renta ng heavy equipment nuong siya pa ang nakaupong mayor. Sa charge sheet na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires at inihain sa Sandiganbayan, natukoy na lumabag si Pamplona Vice Mayor Gemino Imperial sa paglabag sa Section 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Inaakusahan si Imperial ng paglagda sa maanomalyang kontrata ng pagpapa-upa ng heavy equipment na back hoe at grader kay Rodolfo Pua nuong…

Read More

MAYOR NG EASTERN SAMAR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) NAHAHARAP ngayon sa anim na buwang suspensyon ang alkalde sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondo para sa rehabilitasyon ng naging pinsala ng super typhoon Yolanda nuong 2013. Sa kautusan na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, ipinasasailalim sa preventive suspension si Mayor Christopher Sheen Gonzales makaraang may makitang batayan mula sa mga dokumentong isinumite ng Visayas field investigation bureau. Ipinasususpinde rin ng kalahating taon ang municipal accountant na si Adrian Bernardo, municipal treasurer Felicisima Bernardo, Bids and Awards Committee (BAC)…

Read More

KASONG ISINAMPA NG OMBUDSMAN BUMABA

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) AABOT sa 71-porsyento ang ibinaba sa bilang ng mga kasong naisampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan nuong 2018 kumpara sa naitala ng taong 2017. Sa taunang ulat ng Sandiganbayan, aabot sa 739 na kaso lang ang naihain ng Ombudsman noong nakaraang taon. Mas mababa ito sa naitalang 2,513 kaso na isinampa sa anti-graft court noong 2017. Sa nasabing bilang, 178 ang naihain sa unang limang buwan na pag-upo ni Ombudsman Samuel Martires simula nuong Hulyo 26. Kaunti ito kumpara sa naisampang mga kaso nuong…

Read More

AUDITORIUM GINAMIT, EX-DEAN KULONG

nursing

(NI JEDI REYES) NAHATULANG guilty ng Sandiganbayan 7th Division sa dalawang kasong katiwalian ang dating dean ng state university bunsod ng ilegal na paggamit ng auditorium para sa review classes nito noong 2012. Anim hanggang walong taon sa bawat kaso maaaring makulong si Susana Salvacion, dating dean ng Southern Luzon State University College of Allied Medicine. “Having been found guilty for both offenses, accused Susana Ariola Salvacion is perpetually disqualified to hold public office,” saad ng desisyon. Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, ginamit umano ni Salvacion ang auditorium ng eskuwelahan…

Read More