(NI ABBY MENDOZA) ISA nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng bansa at bukas inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) pagpasok ng bagyo sa PAR ay tatawagin itong bagyong Marilyn, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h at bugso na 70kph. Bagama’t nasa labas ng PAR ay apektado na umano ng buntot ng bagyo ang Occidental Mindoro,Oriental Mindoro, Romblon,Marinduque, Palawan, Bicol at Visayas na nakakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan. Hindi inaasahan ng…
Read MoreTag: Pagasa
BAGONG SAMA NG PANAHON BINABANTAYAN NG PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) PALABAS na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyong ‘Liwayway’, kasabay ng pag-alis sa storm signal na nakataas sa Batanes habang isang bagong Low Pressure Area(LPA) ang minomonitor sa Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sama ng panahon sa 1,050 km northeast ng Mindanao, sakaling pumasok ng PAR ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’. Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang sama ng panahon dahil malayo pa ito. Samantala kahit palabas na ng bansa ang bagyong ‘Liwayway’ ay naghahatid pa rin ito ng…
Read MoreMAHABANG GABI SIMULA SA SEPT. 23 — PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) MAS magiging visible ang mga bituin sa langit simula Setyembre 23 dahil sa mararanasang Equinox o mas mahabang gabi, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, ang equinox na nanggaling sa Latin word na Equi na ang ibig sabihin ay equal at nox na ang ibig sabihin ay gabi ay nangangahulugan na magkakaroon ng equal na 12 oras ang araw at gabi. Ang ganitong astronomical event ay indikasyon na malapit na ang winter sa northern hemisphere at summer naman sa southern hemisphere. Ang…
Read MoreBAGYONG ‘LIWAYWAY’ LUMAKAS; NAMATAAN SA CAMNORTE
(NI DAHLIA S. ANIN) MAS lumakas pa ang bagyong ‘Liwayway’ na may international name ‘LingLing’ na isa na ngayong tropical storm, ayon sa Pagasa. Magdadala ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang bagyong ito sa Bicol Region, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Batanes. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa mga nabanggit na lugar. Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo. Huling namataan ang sentro nito sa layong 340 kilometro Silangan-HilagangSilangan ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometro sa Silangan…
Read MoreBAGYONG ‘LIWAYWAY’ NAMATAAN SA SURIGAO DEL SUR
(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang paglabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ni bagyong ‘Kabayan’, naging isang ganap na bagyo na rin ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao, ayon sa Pagasa. Pinangalanang ‘Liwayway’ ang bagong bagyo na magdadala ng mahina hanggang malakas na pag ulan sa CARAGA at Davao dahil sa extension ni ‘Liwayway’. Pinag-iingat ang mag residente sa nasabing lugar na nakatira sa bahain at landslide-prone na lugar. Sa ngayon ay wala pang cyclone wind signals ang nakataas sa mga nasabing lugar. Huling namataan si ‘Liwayway’…
Read More2 SAMA NG PANAHON MINOMONITOR NG PAGASA
(NI KIKO CUETO) DALAWANG sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Mindanao. Ang isa ay namataan 240 kilometers east ng Aparri, Cagayan, ayon kay weather specialist Gener Quitlong. Posibleng maging isa itong bagyo bago tuluyang umalis ng Philippine area of responsibility (PAR). Sinabi pa ni Quitlong na ang isa pang LPA ay namataan 955 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur. Ngayong Sabado ito pumasok ng PAR. Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley,…
Read MoreBAGYONG ‘JENNY’ LUMABAS NA NG PHL
(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS mag-landfall sa Casiguran, Aurora, Martes ng gabi, tuluyang humina ang bagyong ‘Jenny’ at nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Kasabay ng paghina ng bagyo ay agad din inalis ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ang typhoon warning signals. Alas 2:00 ng hapon nang tuluyang makalabas ng PAR ang bagyo na tinatahak ang direksyong patungong China at pagdating ng weekend ay inaasahang tatama sa Vietnam. Bagamat nakalabas na ng bansa ang bagyo ay asahan pa rin ang kalat-kalat na paguulan Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro…
Read More6 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO. 2, SA BAGYONG ‘JENNY’
(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong ‘Jenny’ ang taglay nitong lakas habang papalapit sa Aurora Province kung saan inaasahan itong magla-landfall. Anim na lugar sa Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 habang 23 ang nasa ilalim ng storm signal No 2. Nasa ilalim ng Signal no 2 ang Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at Mountain Province. Habang Signal No 1 naman ang umiiral sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal,…
Read MoreBAGYONG ‘JENNY’ NANANALASA SA 15 LUGAR SA LUZON
(NI JEDI PIA REYES) LUMAKAS pa at nabuo na bilang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na inaasahang magpapa-ulan sa CARAGA, Eastern Visayas at Bicol Region. Tinawag na ‘Jenny’ ang ikatlong bagyo ngayong buwan na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring mag-landfall sa Martes o Miyerkoles. Dakong alas-4:00 ng hapon nang huling mamataan ang mata ng bagyong ‘Jenny’ sa layong 670 kilometro ng Silangan ng Virac, Catanduanes. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25kph at may lakas ng hangin na hanggang 45 kph at…
Read More